November 21, 2024

Mga dapat gawin kapag may sipon ang baby: 5 Tips

Ang sipon ay maaari pa ring magdulot ng hindi magandang ginhawa para sa mga babies tulad ng pagpapahirap sa paghinga at walang ganang dumede. Kung minor pa lang naman ang sipon ng inyong baby, narito ang mga paraan para maging komportable sila.

Sintomas na may Sipon ang baby

Pagbahing – Madalas na pagbahing o sunod-sunod na pagbahing.
Tumutulong sipon – Paglabas ng malinaw o malapot na mucus mula sa ilong.
Baradong ilong – Hirap sa paghinga dahil sa bara sa ilong.
Pulang mata – Pamumula ng mata, na maaaring dulot ng iritasyon.
Pagkainis o iritabilidad – Pagiging maselan o iritable dahil sa discomfort.
Kawalan ng gana sa pagkain – Hindi gaanong kumakain o dumedede dahil sa hirap sa paghinga.
Ubo – Pag-ubo na maaaring dulot ng postnasal drip o iritasyon sa lalamunan.
Bahagyang lagnat – Pagtaas ng temperatura ng katawan, kadalasang mababa lang.
Pananakit ng lalamunan – Pagkakaroon ng iritasyon o pananakit ng lalamunan.
Pag-iyak – Madalas na pag-iyak dahil sa hindi komportableng pakiramdam.

5 Tips para mawala ang Sipon ng Baby

Una, ay bigyan ng mas maraming gatas. Kung breastfeeding ang inyong baby at wala pa namang anim na buwan, bigyan sila ng karagdagang gatas. Kung bottle feeding naman ang inyong baby na wala pa sa anim na buwan, dagdagan ng one to two ounces ng formula milk. Kung higit sa anim na buwan ang inyong baby, mas mainam na ituloy lamang ang kanyang breastfeeding o bottle feeding at dagdagan ng tubig.

Pangalawa, ay siguraduhing well-ventilated dapat ang silid. Kung tayo, mga matatanda, ay naiirita kapag may sipon tayo, ganun din ang mga babies. Kaya tiyakin na makakapagpahinga sila ng husto. Dapat komportable sila lalo na ang kanilang higaan, kaya tiyakin na dapat well-ventilated at walang nakaharang o nakalagay na mga toys sa paligid ng kanilang higaan. Okay lang din na paliguan si baby.

Pangatlo, ay gumamit ng nasal aspirator. Ang sipon ay maaaring magpahirap kay baby na makapagpahinga at dumede, lalo na kung barado ang ilong. Pero hindi pa nila alam kung paano iblow ang kanilang ilong, kaya mas maganda na gumamit ng nasal aspirator. Ang nasal aspirator ay isang suction na gamit na nakakatulong para higupin ang sipon ng baby. Para naman sa madikit na sipon, maaaring gumamit ng saline drops bago isuction gamit ang nasal aspirator.

Pang-apat, ay gumamit ng nebulizer o humidifier. Mainam din ang paggamit ng nebulizer na tubig lamang ang ilalagay. Kung wala kayong nebulizer, maaari kayong gumamit ng humidifier. Ang importante ay linisin muna ito bago gamitin. Ito ay nakakatulong na magdagdag ng moisture sa hangin, nagpapagaan ng nasal congestion, at pinipigilan ang pagkatuyo ng mga daanan ng ilong at lalamunan.

Panglima, ay linisin ang ilong. Siguraduhing punasan ng malumanay ang ilong gamit ang malinis na tawad. Sa ganitong paraan na aking binanggit, ay mas madaling makahinga at dumede ng maayos si baby.

Kung may iba pang sintomas tulad ng sipon na sinasabayan ng pagsusuka, hirap sa paghinga, mas mabuting magpakonsulta na sa inyong doktor. Kung may natutunan kayo sa article na ito, pakishare po sa iba.

Iba pang mga babasahin

Gamot sa Bahing ng bahing sa bata Home Remedy

Kailan lumalabas ang rashes ng Dengue – Paano ginagamot ito

Lagnat ng bata paano malaman kung Dengue ito

Mga dapat gawin kapag nadapuan ng Dengue ang bata – Home remedy

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *