December 9, 2024

Mabisang gamot sa masakit na lalamunan ng bata: Tonsilitis

Ang pag-uusapan natin ngayon, paksang pangkalusugan, ay tungkol sa tonsilitis. Yung common na sinasabi ng mga tao, “May tonsils ako,” actually, lahat naman tayo ay may tonsils. Ito ay bahagi ng ating katawan, ito sa may lalamunan, malapit sa dila, back of the throat. Ang pamamaga ng tonsils, siguro ang nirerefer ninyo, ito ay tinatawag nating tonsillitis. Para sa kaalaman ninyo, ganito yung itsura ng tonsils:

Mabisang gamot sa tonsil ng bata: Tips at Home remedy

Sa tuwing mayroong nagkakasakit sa ating pamilya, lalo na sa mga bata, hindi natin maiwasan na mag-worry, mastress, at maparanoid. Kaya mahalaga na magkaroon tayo ng kaalaman sa mga ibat-ibang karamdaman na karaniwang dumadapo sa atin, nang sa gayon ay mas maiintindihan natin ito at makakapag-isip tayo ng maayos.

Kaya naman ang ating pag-uusapan ngayon ay ang isa sa mga karaniwang sakit na nakukuha ng mga bata, ang tonsilitis.