July 24, 2024

Gamot sa Tonsil ng bata at kung paano makaiwas sa sakit ng lalamunan

Pag-uusapan natin sa article na ito ang tonsillitis o ang pamamaga ng tonsils. Bakit ba sila namamaga, at ano ang mga paraan upang maiwasan ang tonsilitis, lalo na sa mga bata? Paano natin ito tinatrato o anu-ano ang mga home remedy para sa tonsillitis?

Ano ang tonsil ng mga bata at para saan ito

Ang tonsils ay parang mga glandula sa immune system ng mga sanggol. Naroroon sila upang labanan ang mga foreign object na pumapasok sa katawa natin tulad ng mga virus o bakterya. Kapag naiirita ang tonsils o nanghihina ang immune system o nagiging abala ito, maaaring mag-swelling sila.

Ano ano ang sintomas ng tonsilitis sa mga bata?

Kasama sa mga sintomas ang pananakit ng lalamunan, hirap sa paglunok, at lagnat. Hindi lang ito nangyayari sa mga bata kundi sa mga matanda rin. Sa article natin na ito ngayon, tutok tayo sa mga bata, dahil sila ang mas madalas na nagkakaroon ng pamamaga ng tonsils.

Halimbawa ng experience ng isang pedia ang pangyayaring ito.

“May isang pasyente ako na nagkaroon lang ng lagnat bilang sintomas, walang iba pang sintomas tulad ng ubo o sipon. Ayaw ng sanggol na dumede, at nung sinilip ko ang lalamunan, namamaga at pulang-pula ito. Siyam na buwan palang ang pasyenteng ito.”

Karaniwan, bihirang mangyari ang tonsillitis sa mga sanggol, ngunit sa edad na dalawang taon, mahalaga nang agapan ang tonsillitis. Hindi natin ito dapat payagang magpatuloy.

Ano ang mga paraan upang maiwasan ang tonsillitis sa mga bata?

– Iwasang magkaroon ng ubo o sipon. Bakit namamaga ang tonsils kapag may ubo o sipon ang bata? Dahil ang tonsils ay isang defense mechanism at namamaga sila habang sinusubukang labanan ang dayuhang bagay na nagiging sanhi ng ubo o sipon.

Kapag may ubo o sipon ang bata, madalas silang mawalan ng gana dahil sa pamamaga at sakit sa lalamunan, na nagiging sanhi ng hirap sa paglunok. Ang mga paraan upang maiwasan ang ubo, sipon, o pulmonya ay pareho rin ang mga paraan upang maiwasan ang tonsillitis. Sa madaling-sabi, hindi dapat magkasakit ang bata.

-Huwag masyadong pakainin ng matatamis, lalo na ang tsokolate. Hindi naman ito ganap na bawal, dahil malulungkot kung hindi nila matitikman ang mga ito. Huwag lang sobra. Kung araw-araw silang kumakain ng tsokolate o palagi silang may matamis na meryenda o snack, mairirita talaga ang tonsils, na magiging sanhi ng pamumula at sa kalaunan, pamamaga dahil sa inflammation. Kahit sa atin, kung sobrang dami ng kinakain nating matamis, madali tayong makakaroon ng sore throat dahil sensitibo ang ating tonsils.

-Iwasang hayaang matulog ang bata na nakanganga. May mga bata o toddlers na natutulog ng sobrang mahimbing na nakanganga sila. Kapag nangyayari ito, parang bukas na pinto para sa mga virus, alerdyi, o alikabok na makapasok at makapag-iritate sa tonsils. Kaya naman, kapag nagising ka, maaaring may sore throat ka na dahil sa pamamaga. Ito rin ay isa sa mga paraan upang maiwasan ang tonsillitis sa mga bata.

-Iwasang magpagod nang labis ang bata sa sobrang likot. Kapag sila’y nagpapawis sa labis na pagtakbo, maaaring magkaroon sila ng ubo. Dahil sa labis na aktibidad at pagtakbo, nagpapalabas sila ng mucus, na maaaring dagdagan pa ang iritasyon sa tonsils.

Kung madalas ang bata sa tonsillitis, payuhan siya na maglaro nang dahan-dahan, lalo na kung may sakit na siya, dahil mas lalong mamamaga ang kanyang tonsils. Kung hindi mo kayang kontrolin ang aktibidad niya, siguraduhing palaging hydrated siya upang makatulong sa paglilinis ng kanyang tonsils at panatilihin itong malinis, kahit sobrang likot niya.

-Huling paraan, iwasan ang sobrang lamig o init na inumin. Ito rin ay maaaring makapag-iritate sa tonsils. Kung palagi silang kumakain ng ice cream o nagsi-sipsip ng yelo, maaaring mamaga ulit ang tonsils ng iyong anak.

Kumplikasyon na dulot ng problema sa tonsil ng bata

Ang mga komplikasyon ng hindi tinatratong tonsillitis o pamamaga ng tonsils ay maaaring kasama ang rheumatic heart disease, na nakakaapekto sa puso, at problema sa bato. Huwag baliwalain ang pamamaga ng tonsils sa mga bata dahil kung hindi ito agad na tinatrato, maaaring humantong ito sa rheumatic heart disease. Kung may pitong beses na tonsillitis ang bata sa isang taon, o limang beses sa dalawang taon, o kahit tatlong beses sa loob ng tatlong taon, maaaring kailanganin ang tonsillectomy upang alisin ang tonsils.

Halimbawa ng gamot sa Tonsil ng bata

Antibiotics

Kung ang sakit ng tonsil ay sanhi ng bacterial infection tulad ng strep throat, maaaring magreseta ang doktor ng antibiotics tulad ng amoxicillin o penicillin. Mahalagang sundin ang tamang dosage at tapusin ang buong kurso ng gamot kahit na mawala na ang mga sintomas.

Pain Relievers

Para maibsan ang sakit at lagnat, maaaring bigyan ang bata ng acetaminophen (Tylenol) o ibuprofen (Advil). Siguraduhin na tama ang dosis base sa timbang at edad ng bata.

Throat Lozenges

Ang mga throat lozenges o pastilles ay maaaring makatulong na maibsan ang pananakit ng lalamunan. Siguraduhin lamang na ang mga ito ay ligtas at naaangkop para sa edad ng bata.

Salt Water Gargle

Para sa mas nakatatandang bata na marunong magmumog, maaaring makatulong ang pagmumumog ng maligamgam na tubig na may asin. Nakakatulong ito na bawasan ang pamamaga at sakit sa lalamunan.

Hydration

Mahalaga na panatilihing hydrated ang bata. Bigyan siya ng maraming likido tulad ng tubig, juice, at mga clear broth upang maiwasan ang dehydration at makatulong na mapanatili ang kalinisan ng lalamunan.

Soft Foods

Bigyan ang bata ng malalambot at madaling lunukin na pagkain tulad ng sopas, yogurt, applesauce, at mashed potatoes upang maiwasan ang karagdagang iritasyon sa lalamunan.

Rest

Siguraduhin na ang bata ay nakakakuha ng sapat na pahinga upang mas mabilis na gumalin

Iba pang mga babasahin

Sanhi ng singaw sa bibig ng bata : Paano makaiwas

Mabisang gamot sa singaw sa bibig o dila ng bata: Home remedy

6 Sintomas ng tigdas sa bata

Sintomas ng dehydration sa pagtatae ng bata: 9 Signs

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *