July 24, 2024

Gamot sa tonsil antibiotic ba? Mapula at masakit na tonsillitis sa bata

Hindi kaagad kailangan ng antibiotics sa tonsillitis ng bata dahil ang paggamot ay nakadepende sa sanhi ng impeksyon. Ang tonsillitis ay maaaring dulot ng viral o bacterial na impeksyon. Kung nakita niyo na mapula ang tonsils o lalamunan ng inyong anak, huwag agad bibigyan ng antibiotics tulad ng Amoxicillin o co-Amoxiclav, lalo na kung wala namang rekomendasyon mula sa inyong doktor.

Alamin muna kung galing sa bacteria o virus ang tonsillitis ng bata

Alam niyo, ang tonsilitis ay maaaring dahil sa virus o bacteria. Kung virus ang dahilan, hindi kailangan ng antibiotics dahil kusa itong gagaling. Iwasan nating magbigay ng antibiotics dahil lang gumana ito sa anak ng inyong kapitbahay o kaibigan. Iba-iba kasi ang bawat kaso ng mapulang lalamunan o tonsils. Huwag din magbigay ng antibiotics dahil ito yung nireseta sa anak ninyo dati. Ibahin natin ang mindset na ito dahil baka ibang kaso ngayon compared noon.

Kung tayo ay bigay ng antibiotics nang bigay, maaaring magkaroon ng antibiotic resistance. Ibig sabihin, sa susunod na kailanganin na talaga ng bata ang antibiotics, baka hindi na ito gumana, at kailanganin na ang mas mataas at mahal na antibiotics. Mas mahirap ang gamutan at maaaring magkaroon ng komplikasyon.

Home remedies na pwede sa masakit na tonsillitis ng bata

Una, pwede kayong magbigay ng tubig o yung oral hydration solution. Kung nagbe-breastfeed kayo, maaari pa ring ibigay ang breast milk o kaya ang milk na iniinom ng bata. Kailangan hindi ma-dehydrate ang bata at maiwasan na matuyo ang kanyang lalamunan.

Pwede rin magpamumog ng salted water. Lagyan ng half teaspoon or kalahating kutsarita ng asin ang eight ounces of warm water, equivalent sa 240 ml ng warm water. Haluin hanggang matunaw ang asin, ipamumog sa bata for about 20 seconds, at pagtapos, idura. Pwede ipamumog ang salted solution sa kanya three times a day.

Ang third tip, kailangan ayusin ang fever. Kapag masakit ang lalamunan at may fever ang bata, maaaring mag-cause ang virus o bacteria ng fever. Kung may fever ang bata, pwede bigyan ng paracetamol upang ayusin ang fever.

Kumuha ng bimpo, pigaan ng lukewarm na water, at punasan ang katawan ng bata para matulungan na marelease ang heat sa kanyang katawan.

Magpakonsulta sa pinakamalapit na health center or clinic ng doktor. Kung mukhang bacteria ang cause ng mapulang tonsils o namamagang lalamunan, ang doktor ay magbibigay o reresetahan ng antibiotics. Kung tingin naman nila ay virus ang pinagmulan, hindi muna sila magrereseta ng antibiotics. Binibigay nila din ang antibiotics base sa timbang ng bata at sa pangangailangan ayon sa kaso ng bata.

Iba pang mga babasahin

Gamot sa Tonsil ng bata at kung paano makaiwas sa sakit ng lalamunan

Sanhi ng singaw sa bibig ng bata : Paano makaiwas

Mabisang gamot sa singaw sa bibig o dila ng bata: Home remedy

6 Sintomas ng tigdas sa bata

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *