December 7, 2024

Chicken pox sa bata: Ano ang gagawin?

Pag-uusapan natin sa article na ito ang chickenpox, marami ang nagkakaroon nitong chickenpox o sa tagalog ay bulutong tubig. Nasa taas ang itsura ng chickenpox, ang mga sintomas niyan ay nilalagnat, inuubo, sumasakit ang ulo, at nagkakaroon tayo ng chickenpox. Pwede mahawa sa ibang tao, kadalasan nalalanghap ito sa hangin.

Gamot sa Bulutong Tubig/Chicken pox sa bata: Home remedy

Kapag napabayaan ang pagdami ng bulutong tubig sa bata ay lubhang nagdudulot ito ng sobrang discomfort sa kanila. Pwedeng kumalat ang virus sa katawan at ang dami nang rashes sa mukha, sa dibdib, sa likod, at sa buong katawan ay pwedeng sumambulat talaga. Sa mga bata na nakakaranas nito kating-kati na ang bata because of these rashes. And lately nga, depende sa panahon kung talagang mainit, marami na akong nakikitang cases na nagkakaroon ng bulutong iba’t ibang age. Hawa-hawa sa loob ng bahay.