September 11, 2024

Kailan lumalabas ang rashes ng Dengue – Paano ginagamot ito

Ang rashes sa dengue ay karaniwang lumalabas sa ikatlo o ikaapat na araw ng pagkakaroon ng lagnat, ngunit maaaring magpakita sa ikalawang araw o pagkatapos pa ng ilang araw. Ang mga rashes na ito ay madalas nagsisimula bilang mga maliliit na pula o rosas na tuldok sa balat, na tinatawag na petechiae. Sa paglipas ng oras, ang mga rashes ay maaaring kumalat at maging mas prominente, na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng malawak na pamumula sa balat na may mga puting bahagi.

Ang rashes ay isa sa mga sintomas ng dengue at kadalasang sinasamahan ng iba pang sintomas tulad ng mataas na lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan, at pagkakaroon ng mga pasa sa katawan. Mahalagang bantayan ang iba pang sintomas at magpatingin agad sa doktor kung may hinala na dengue upang maagapan ang posibleng komplikasyon.

Upang malaman kung dengue ang sakit ng inyong anak, meron tayong tatlong konsiderasyon

Predisposing factors

Nakatira ba siya sa bansa na pandemic ang dengue o sa lugar niyo na maraming kaso ng dengue?

Mga sintomas

Yan ang dengue ay makikita sa inyong anak, kagaya ng lagnat ng dalawa hanggang pitong araw, yung perry orbital pain o sakit sa likod ng mata, masakit yung mga kasukasuan, may leak sa baba, kung ano yung mga senyales ng dengue.

Laboratory na pag-alam

Ang pagkuha din ng blood ay depende kung anong face. Sa unang face ng dengue, yung unang dalawang araw o kaya pwede hanggang pitong araw, meron siyang lagnat o yung febrile face, kumukuha tayo ng test na dengue NS1. At kung kinuha mo tong dengue NS1, lagpas dun sa febrile face or seven days, pwedeng maging negative na to. Kung halimbawa, yung dengue NS1 kinuha mo dun sa first two days, maaaring negative pa rin yun. Hindi ibig sabihin na kapag negative na siya, negative na talaga siya. Depende. Kailangan mo iconsider yung predisposing factors, yung signs and symptoms at kung kelan mo kinuha yung laboratory.

Ang dengue IGG naman, kinukuha din una tong nakikita sa pagtaas sa pang-apat hanggang limang araw at pwede siyang tumagal o magpositive hanggang twelve weeks. Yung dengue IGG, kalimang araw hanggang pitong araw tas nagpipick siya hanggang twenty-one days at tumatagal siya ng mga ilang taon. Ngunit kapag pangalawang beses mo na napagkakaranang dengue, nakita sa mga pag-aaral na dalawang araw pa lang o tatlong araw pa lang, pwede nang tumaas yung IGG levels, maari ding maging positive yung dengue IGG kapag nabakunahan ka laban sa dengue, meron kang past infection ng dengue.

Meron din tayong confirmatory test sa dengue, yung dengue RT-PCR, or minsan ina-isolate nila yung virus tas idedengue RT-PCR din. Yun yung mas ginagamit upang siguraduhin na dengue yung sakit ng inyong anak at etoy ginagawa lamang sa mga highest laboratories or RITM/CDC.

Halimbawa ng tanong tungkol sa Dengue

Question 1 tungkol sa Dengue:

Ask ko lang po last Friday pa po ako nilagnat, nung four days, nagpa-CBC ako at two hundred eighty one ang platelet, kinaumagahan ulit nagpa-CBC ako at two or sixty, normal pa din. Madaling araw po nawalan na lagnat ko then may napansin po ako na red dots, di naman po siya masyado madami, ano po ibig sabihin nun? Ano po need gamutan bahay din po ako.”

Answer:

Una para mas maintindihan ang course o nangyayari sa dengue, kailangan nating malaman yung phases ng dengue.

Una yung febrile phase, yung unang dalawang araw hanggang pitong araw na may lagnat pa. Yung pangalawa yung critical phase, yun yung binabantayan, nakikita to kapag pawala na yung lagnat ng inyong anak at kadalasan kung walang komplikasyon, tumatagal to ng dalawang araw.

Ayon sa pagsasaliksik, isa sa bente na tao na may sintomas ng dengue ay maaaring maging severe dengue sa critical stage. Kailangan nating malaman kung ano yung warning signs dahil nga pwedeng sa loob lamang ng isa hanggang dalawang araw maging severe na yung form ng dengue at pwede kang mapunta sa ICU o kaya pwede mo tong ikamatay kung hindi naagapan kaagad.

Ang ikatlong phase ay yung convalescent phase o yung recovery phase, ito nangyayari kapag walang komplikasyon yung dengue. Dito din nakikita yung Herman’s rash, puti na nasa baybayin ng pula, so parang description niya quiet o na si Fred, subalit may mga pantal sa dengue na ayaw nating makita, yun yung nakikita natin sa critical phase ng dengue.

Para sa gamutan sa bahay ng dengue without warning sign, una dapat meron kang sapat na tulog, sapat na nutrisyon.

Question 2 tungkol sa Dengue

“Ano kaya pwedeng gawin para mawala yung kati ng rashes?”

Mukhang nagkaroon ka nung Herman’s rash. Kung hindi mo matiis yung kati, lalo na kung tapos ka naman nang maligo o kaya hindi naman masyadong mainit yung iyong lugar, pwede tayong uminom ng mga antihistamine, or yung mga laban sa kati. Pero pinapayo na kumunsulta sa iyong doktor kung ilang beses, gano kadami ang iyong dapat inumin laban dun sa pangangati, lalo na kung yung pasyente mo yung bata, kasi kinocompute hindi lamang siya basta binibigay kaya paconsulta sa pediatrician or sa inyong internist.

Question 3 tungkol sa Dengue

“Nilagnat anak ko Sabado gang two araw, nung pangatlong araw nawala tapos nilagnat ulit, pinatest namin sa dengue, nagpositive siya pero minonitor ang platelet niya, nung di na po pinaconfine ng doctor kasi kumakain naman daw po, minonitor na lang daw ang dugo, pinabalik kami”

Answer

Ang dengue pwedeng dengue without warning signs, nasa bahay lamang yung gamutan at meron ding dengue with warning signs. Pero nabanggit mo dito, meron din siyang UTI at ubo. Kadalasan kasi kapag may sakit o viral infection yung ating mga anak, bumababa yung resistensya niya kaya minsan nagkakaroon ng infection sa urinary tract o sa respiratory tract. Ay pag-uusapan natin sa ibang pagkakataon at ang inyong katanungan Daddy ay mas masasagot nung unang pediatrician na tumingin sa kanya kasi siya yung nakapag-interview ng medical history niya, siya yung nakapag-examine sa kanya. Kaya maigi din na magkaroon tayo ng open communication sa ating pediatrician, pwede nating tanungin lahat ng ating katanungan at sasagutin nila. 

Ano ang hitsura ng rashes sa Dengues?

Ang dengue rashes ay may dalawang pangunahing uri ng itsura na karaniwang lumalabas sa mga taong may dengue fever.

Petechiae (Maliit na Pula o Pink na Tuldok)

Ang unang uri ng dengue rash ay binubuo ng maliliit na pula o pink na tuldok na tinatawag na petechiae. Ang mga ito ay resulta ng pagdurugo ng mga maliliit na daluyan ng dugo sa ilalim ng balat. Ang petechiae ay madalas na hindi mawawala kapag pinindot, at maaaring makita sa buong katawan, lalo na sa mga braso, binti, at tiyan. Ang mga tuldok na ito ay maaaring mukhang maliliit na pasa o pantal.

Maculopapular Rash (Malalaking Pamumula o Pantay na Pantal)

Sa ikalawa o ikatlong araw ng lagnat, ang maculopapular rash ay maaaring lumitaw. Ito ay isang mas malawak na pamumula sa balat na maaaring magmukhang pantay at maaaring maging patse-patse o pantay-pantay. Ang pamumula ay maaaring maging mas kapansin-pansin sa mukha, dibdib, at likod, at maaaring magbigay ng “sunburn-like” appearance sa ilang pasyente. Ang puting bahagi ng balat ay maaaring makita kapag pinindot, na nagreresulta sa isang “blanching” effect.

Sa ilang mga kaso, ang dengue rashes ay maaaring magpakita ng “island of white in a sea of red,” kung saan ang balat ay may mga bahagi ng puti na napapalibutan ng mapulang balat. Habang ang mga rashes na ito ay maaaring makati, hindi lahat ng pasyente ay nakakaranas ng pangangati.

Iba pang mga babasahin

Lagnat ng bata paano malaman kung Dengue ito

Mga dapat gawin kapag nadapuan ng Dengue ang bata – Home remedy

Paano malaman kung may dengue ang bata: 5 signs

Ano ang gagawin para bumaba ang lagnat ng newborn o bata?

One thought on “Kailan lumalabas ang rashes ng Dengue – Paano ginagamot ito

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *