December 7, 2024

Paano malaman kung may dengue ang bata: 5 signs

Ang dengue ay minsan naghahide sa ibang sakit. Halimbawa, isang pasyente ay na-admit dahil sa pulmonya, may lagnat, UTI, at iba pang sintomas na maaaring magmix at magdulot ng pagkalito. Kaya minsan, huli na natin nalalaman na may dengue pala ang pasyente.

Paano malaman na may dengue ang bata

Laging ipinapayo ng doktor sa mga magulang, kahit anong sabihin ng doktor, na halimbawa tonsilitis, UTI, o kahit sabihin nilang full moon niya, sa likod ng inyong isip, kailangan niyong bibilangin ang mga araw.

Kung pangatlong araw na ng lagnat at ang pasyente niyo, na sinabi ng doktor na pulmonya, ay hindi pa rin naglalaro at nakahiga pa rin, maaari ninyong sabihin sa doktor, “Dok, pwede pong magpa-CBC ngayong araw? Pangatlong araw na kasi ng lagnat, para lang masigurado, baka dengue.”

Kahit naadmit na ang pasyente, maaari ninyong irequest sa doktor ang bagay na ito. Kasi minsan, na-admit agad sa unang araw, at normal pa ang mga resulta. Ang doktor ay maaaring magsabi na UTI dahil sa mataas na nana sa ihi, pero ang ending, dengue pala.

Dahil hindi na-detect agad, maaaring madehydrate ang pasyente at maging sanhi ito ng severe bleeding dahil hindi niregulate ang fluids. Dapat palitan ang fluids, at iba ang paraan ng pangangalaga sa dengue kaysa sa regular na sakit.

5 Signs na may dengue na ang bata

Mataas na Lagnat

Ang biglaang pagtaas ng lagnat, na kadalasang umaabot sa 40°C (104°F), ay isa sa mga pangunahing sintomas ng dengue. Ang lagnat ay maaaring magtagal ng dalawa hanggang pitong araw.

Severe Headache

Matinding sakit ng ulo, lalo na sa likod ng mga mata (retro-orbital pain), ay karaniwang nararanasan ng mga taong may dengue.

Joint and Muscle Pain

Ang dengue ay kilala rin bilang “breakbone fever” dahil sa matinding pananakit ng kasukasuan at kalamnan. Ang mga pasyente ay maaaring makaranas ng malubhang sakit na tila “nabibiyak” ang mga buto.

Rashes

Ang mga rashes ay karaniwang lumilitaw sa katawan ng pasyente. Ang mga ito ay maaaring magsimula bilang maliliit na pulang tuldok na nagiging mas malinaw habang tumatagal ang sakit. Ang rashes ay maaaring lumitaw sa ikalawang araw ng lagnat at magtagal ng ilang araw.

Nausea and Vomiting:

Pagduduwal at pagsusuka ay madalas na kasama ng iba pang mga sintomas. Ang mga ito ay maaaring magresulta sa dehydration, kaya’t mahalaga ang tamang hydration sa mga pasyente ng dengue.

Ano ang dapat gawin kapag suspetsang may dengue ang bata?

Ang pinakamahalaga sa dengue ay ang pag-hydrate sa pasyente, dahil kung hydrated siya, may laban siya para hindi maging severe ang dengue. Kaya kailangan ang tulong ng mga magulang, kahit anong sakit, bilangin ang mga araw.

Minsan, nakakalimutan natin na mag-repeat ng mga test, kaya kayo mismo ang magsasabi sa doktor, “Doc, pangatlong araw na, pwede pong magpa-repeat?”

Ito ang karaniwang payo ng doktor, at kung kinakailangan, sabihin ninyo sa nurse, “Humihingi ako ng pang-catch ng ihi para masubaybayan.” Dapat ninyong isulat ang oras at dami ng ihi, dahil kung umabot na ng six o seven hours na hindi umihi ang pasyente, ito ay isa na namang delikadong senyales ng dehydration.

Iinform ninyo rin ang nurse o doktor. Ibig sabihin, ito ay isang team effort. Hindi natin iaasa lang sa doktor o nurse, kundi may role din ang mga magulang. Madali lang naman ang inyong role, na bilangin ang mga araw at magmonitor ng ihi.

Kaya hydration, monitoring din ng platelet counts, at syempre isasama diyan ang nutrition para mas maging maayos ang kalagayan ng pasyente. Dahil alam natin, walang gamot ang dengue. Kahit ang flu, may antiviral na, pero ang dengue, wala. Kaya talagang supportive at self-limiting ang treatment.

Mga karaniwang gamot na binibigay ng doktor sa mga may dengue

Ang paggamot sa dengue ay pangunahing nakatuon sa pamamahala ng mga sintomas at pagpapanatili ng hydration ng pasyente, dahil walang tiyak na antiviral na gamot laban sa dengue virus. Narito ang mga karaniwang gamot at hakbang na ginagamit sa paggamot ng dengue.

Pain Relievers at Antipyretics

Paracetamol (Acetaminophen)

Ito ay ginagamit upang maibsan ang lagnat at pananakit ng katawan. Iwasan ang paggamit ng aspirin at non-steroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs) tulad ng ibuprofen dahil maaari itong magdulot ng pagdurugo, na isang seryosong komplikasyon ng dengue.

Hydration

Oral Rehydration Solutions (ORS)

Mahalaga ang hydration upang maiwasan ang dehydration, lalo na kung ang pasyente ay may mataas na lagnat at pagsusuka. Ang mga solusyon sa oral rehydration ay tumutulong sa pagpapanumbalik ng mga nawalang electrolytes.

Intravenous (IV) Fluids

Sa mga malalang kaso ng dengue, lalo na kung mayroong mga senyales ng shock o severe dengue, maaaring kailanganin ang IV fluids upang mapanatili ang tamang hydration.

Monitoring and Supportive Care

Regular na pagmonitor sa mga vital signs ng pasyente, kabilang ang blood pressure at pulse rate, ay mahalaga upang masubaybayan ang kondisyon at agad na matugunan ang anumang komplikasyon.

Ang pagmonitor sa platelet count at hematocrit levels ay mahalaga rin upang matukoy ang kondisyon ng dugo at pagdurugo.

Rest

Ang sapat na pahinga ay mahalaga upang matulungan ang katawan na labanan ang impeksyon at makabawi mula sa sakit.

Iba pang mga babasahin

Ano ang gagawin para bumaba ang lagnat ng newborn o bata?

Paano mawala ang sinok ng baby

Ano gagawin kapag naglulungad ang baby?

Bulutong tubig sa bata nakakahawa ba? Sintomas, sanhi at gamot

One thought on “Paano malaman kung may dengue ang bata: 5 signs

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *