November 13, 2024

6 Sintomas ng tigdas sa bata

Ang tigdas (measles) ay isang nakakahawang sakit na sanhi ng virus na kumakalat sa pamamagitan ng hangin o direktang pakikisalamuha sa mga taong may sakit. Ito ay maaaring maging mapanganib lalo na sa mga bata kung hindi agad na naaagapan.

Bakit ba kayo nababahala sa tigdas? Nakakatakot ba ang tigdas? Nagagamot ba ang tigdas? Nakakamatay ba ang tigdas? So yan yung mga answers na kailangan nating sagutin.

Ano ang karaniwang sintomas ng measles o tigdas sa bata

So first symptom, high grade fever. Kung may rashes si baby at wala siyang fever, hindi tigdas yon. So kailangan meron talagang fever si baby, usually three days yan. And then high grade, may times na hindi bumababa ang lagnat niya.

Number two symptom, yung rashes niya, nag-uumpisa mukha, usually dito sa noo or basta sa mukha, tapos pababa po yan. So kung yung rashes ni baby ay nagstart sa tiyan, hindi po yan missiles or hindi po yan tigdas.

Number three symptom na baka may tigdas si baby, conjunctivitis or namumula ang mata. Kung may rashes si baby at hindi naman namumula ang mata, baka hindi po tigdas iyan, okay, baka ibang viral infection po yan.

Number four na symptom na baka tigdas yang rashes ng baby mo, meron siyang Koplik’s spots dito sa loob ng bibig. Ang tawag don, Koplik’s spots, para siyang lesions sa loob ng mouth ni baby, banda siya sa may ngipin.

Tinitingnan ito ng pediatrician, pero hindi na yan nahahabol kasi usually lumalabas yan before lumabas ang rashes. So paano niyo mahuhuli yun? Kung na-expose si baby sa may tigdas, and then nilalagnat na siya, wala pa siyang rashes, tignan mo na agad yung kanyang oral. Kung meron siyang Koplik’s spots or lesions.

Yan, another symptom, meron siyang ubo. Usually may ubo ang mga tigdas. So baka akala niyo lagnat lang yan at tsaka rashes, hindi, meron din siyang ubo. Maraming viral infections, ang ibig sabihin ng viral infection, ito ay sakit ng isang bata or kahit matatanda, na ang symptoms niya ay rashes talaga, na ang nag-cause ay virus kaya viral infection.

Kapag may mataas na lagnat ang bata. Kapag ang lagnat ay mataas masyado na pwedeng umabot ng 40 degree celsius, malaki ang tsansa na tigdas ito.

At luckily, meron tayong bakuna para dito, binibigay ito sa mga health centers at nine months, pero kung may outbreak sa Philippines or kahit saan, pwede nang ibigay ito as early as six months of age. At meron din siyang booster ito, yung binibigay sa mga barangay, yung mga iba kumakatok pa sa inyo, binibigyan pa kayo ng booster. At tanggapin natin ito dahil iniiwasan ng DOH ang pagkalat ng tigdas.

Malala ba na sakit ang tigdas, nakakamatay ba ito?

So once na magka-measles ka na, ang pine-prevent na lang natin is magkaroon ka ng measles pneumonia. Gumagaling naman ang tigdas, hindi naman siya mag-iistay sa katawan mo, mawawala din yan. So ang iniiwasan lang natin ang complication, which is yung pulmonya, dahil ang measles hindi po nakakamatay, ang nakakamatay po is yung measles pneumonia.

Ang doctor na nagtingin sa inyo, usually bibigyan ka rin niya ng antibiotics panlaban dun sa ubo or dun sa pneumonia mo. Second gamot is yung Vitamin A, sa mga health centers, kahit wala kayong tigdas, binibigay na ito sa bata yung Vitamin A.

So kung tatanungin natin ang pedia kung malala ba ang tigdas, serious infection ito.

Kung mild lang naman ang ubo, wala siyang symptoms ng pneumonia, pwede siya sa bahay, basta naka-isolate, dahil nakakahawa talaga ang tigdas. Pero kung meron siyang senyales ng pamamaga, like nahihirapan siyang huminga, ma-plema ang ubo, nilalagnat, ahydrate fever, magpa-admit na kayo sa hospital.

Listahan ng pedia clinic para sa Tigdas sa Manila

Philippine General Hospital (PGH)

  • Address: Taft Avenue, Ermita, Manila
  • Telepono: (02) 8554-8400

Manila Doctors Hospital

  • Address: United Nations Avenue, Ermita, Manila
  • Telepono: (02) 523-8131

St. Luke’s Medical Center – Quezon City

  • Address: E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City (malapit sa Manila)
  • Telepono: (02) 8723-0101

ManilaMed (formerly Medical Center Manila)

  • Address: United Nations Avenue, Ermita, Manila
  • Telepono: (02) 523-8131

University of Santo Tomas Hospital

  • Address: España Boulevard, Sampaloc, Manila
  • Telepono: (02) 731-3001

Iba pang mga babasahin

Sintomas ng dehydration sa pagtatae ng bata: 9 Signs

Pabalik balik na lagnat sa gabi sa bata

Sanhi ng sore eyes sa bata : Sintomas at gamot

Mabisang gamot sa sore eyes ng bata: Importanteng malaman ito

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *