July 24, 2024

Pabalik balik na lagnat sa gabi sa bata

Pag-uusapan natin yung lagnat sa gabi, lalo na yung mga toddler. Madalas mangyari sa mga baby o bata ito kung saan pupunta yan sa clinic or sa emergency room, ang complain nila is naglalagnat, lalo na pag gabi. Okay siya sa umaga, okay sa tanghali, naglalaro, pero pagdating ng gabi, mainit, tapos titignan mo yung thermometer, i-check yung temperature, may fever nga, which is 37.8 o mas mataas pa.

Bakit nangyayari yun? Ano ang gagawin? Ano yung mga possible process?

Tag-ulan na naman at ang dami-dami na namang bata ang inuubo, sipon at lagnat. Pero dun tayo mag-focus sa lagnat sa gabi.

Ano ba ang dahilan kung bakit sa gabi lang nilalagnat ang bata

Dahil nga uso ang sipon, lalo na yung mga naulanan, or after swimming, kahit swimming lang nila sa bahay at kapag nasobrahan sila ng swimming or nababad sa ulan sinisipon sila.

Ang problema sa bata kasi hindi sila marunong magblow kapag may sipon, so kailangan i-assist lang natin sila.I-assist natin kung pano magblow. Ang madalas na ginagawa ng ibang mga doktor, yung mga ibang mommies, inii-sprayan nila ng sodium fluoride solution yung ilong ng baby para mailabas niya yung sipon.

Kasi, mommy, pag naipon ang sipon, mapupunta yan sa throat, magiging ubo, dun mag-iistart ang kanilang possible lagnat, possible upper respiratory track infection, or worse case mapulmonya.

So, bakit nga sa gabi nilalagnat ang bata, although masigla naman siya sa umaga, or tanghali, or hapon? Kasi, una sa lahat, hihiga na yan sa gabi, patutulugin na baby si baby diba, kaya kung gravity ang pinag-uusapan, yung mucus na naipon sa ilong mapupunta yan sa throat, so nagrereact na yung katawan natin, kaya sila nilalagnat, tapos magkakaroon pa ng stuffy nose.

Lahat ng ito sa posisyon lang ng bata kaya sila umiinit or nilalagnat.

Pangalawa, syempre dahil gabi na at pagdating ng time na ito ay hindi ka na busy, hindi na rin masyadong busy yung anak mo, kaya napapansin mo na siya. Doon mo na narealize na mainit-init pala yung bata. Malay mo, kanina pa pala siya mainit pero dahil meron tayong ginagawa, busy tayo, hindi lang natin napapansin.

Pero dahil nga katabi mo na siya, wala ng masyadong ginagawa, settled na kayo, doon napapansin mo na na nga siya na mainit na.

Hindi talagang gabi lang talaga nilalagnat ang bata?

Yun na yung reason, kasi nga nagkaroon tayo ng postnasal drip, yun yung mucus napupunta sa throat at dun nagrereact yung katawan natin. Doon na nagrereact yung katawan ng baby, at dun na siya inuubo, yung mga iba nga di ba, ubo ng ubo pagdating ng gabi or pag patulog na, dahil nga nakahiga na siya.

Ano ang gagawin sa lagnat ng bata?

Kapag mataas ang lagnat ng bata at pwede na siyang uminom ng gamot makakatulong ang paracetamol.

Tapos iibahin niyo yung posisyon nila, kung maaari, bigyan niyo ng dalawang pillow para ma-elevate na yung bed ni baby, at i-observe niyo pa rin yung lagnat niya. Kung three days na siyang naglalagnat, ipa-check up niyo na sa kanyang pediatrician. Kung wala pang pediatrician, at malapit sa inyo yung health center, sa health center, mas maganda ipa-check niyo yung CBC niya, kung kinakailangan niya ng antibiotics.

Kadalasan kasi sa viral infection, lalo na sa panahon ngayon, maka-viral infection lang yan, mawawala din. Pero syempre, kailangan pa rin natin i-assist ang mga bata sa sipon nila, kasi ang ayaw natin, mapunta yan sa baga at maging pulmonya na yung mga pasyente na naaadmit at kailangan ng swero.

Ang ayaw natin na dahilan ng lagnat sa gabi, tapos matagal, as chills at night, baka primary complex or tuberculosis, so pag ganito, pediatrician niyo naman ang magrerequest kung kailangan i-confirm na TB, or primary complex. Pero ang pinaka-common naman talaga lang is yung sipon, yung dahilan kung bakit nilalagnat sa gabi si baby.

Isa pang dahilan, viral infection, lalo na ang dengue. Kung three days ng naggaganito si baby mo naglalagnat siya during the night, tsaka si baby pa, CBC i-check kung viral infection siya or kung bacteria, which is kailangan na niyang mag-antibiotics.

Listahan ng Pedia clinic sa Quirino

Quirino Memorial Medical Center (QMMC)

  • Address: Project 4, Quezon City, Metro Manila
  • Telepono: (02) 8721-0846

National Children’s Hospital

  • Address: E. Rodriguez Sr. Ave., Quezon City, Metro Manila
  • Telepono: (02) 8981-0300

Quirino Avenue Health Center

  • Address: Quirino Avenue, Quezon City, Metro Manila
  • Telepono: (02) 8361-9248

Quirino Health Center

  • Address: Quirino Highway, Quezon City, Metro Manila
  • Telepono: (02) 8364-2411

Barangay Quirino Hall Health Center

  • Address: Quirino Highway, Quezon City, Metro Manila
  • Telepono: (02) 8364-3638

Philippine Children’s Medical Center (PCMC)

  • Address: Quezon Avenue, Quezon City, Metro Manila
  • Telepono: (02) 8291-5200

East Avenue Medical Center

  • Address: East Avenue, Quezon City, Metro Manila
  • Telepono: (02) 8922-0611

Iba pang mga babasahin

Sanhi ng sore eyes sa bata : Sintomas at gamot

Mabisang gamot sa sore eyes ng bata: Importanteng malaman ito

Mabisang gamot sa masakit na lalamunan ng bata: Tonsilitis

Mabisang gamot sa tonsil ng bata: Tips at Home remedy

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *