Pag-usapan natin sa ngayon kung ano ano ba ang tamang dosage ng paracetamol na pwede sa bata. Tandaan na guide lamang ito at mas mabuti padin na i-confirm sa pediatrician ang mga gamot na ibibigay sa bata sa panahon na magkaroon sya ng lagnat. Mahalaga ang dosage kasi dito magiging epektibo ang gamot at ng hindi din magkaroon ng problema sa kalusugan ng bata.
Kailan magbibigay ng paracetamol?
Number one, lagnat. Kailan ba sasabihin nating may lagnat ang bata? Check the temperature, Mommy. Hindi pwedeng pa-salat-salat lang tayo. Check the temperature of the baby. Kung 37.8 pataas ang kanyang temperature, may lagnat na siya.
Number two, kung siya ay merong masakit na dinaramdam, halimbawa bakunahan, masakit ang ulo dahil may sipon siya, or masakit ang ipin o masakit ang tenga naon tug nabukulan. Lahat yun pwedeng bigyan ng paracetamol.
Anong klase ng syringe o dropper ang dapat kong gamitin sa lagnat ng bata?
Alam na natin na may fever si Baby, nacheck na natin ang temperature niya, halimbawa 38, so above 37.8, so bibigyan na natin siya ng paracetamol. Importante rin na ma-approximate natin ng tama gamit ang mga tamang panukat ang paracetamol. Hindi na po medyo reliable ang mga kutsara ngayon kasi ang mga kutsara iba-iba po yung lalim niya.
Paano natin maibibigay ng tama ang paracetamol?
Merong mga 1 cc syringe na nabibili sa mga parmasya, o kaya naman po kasama ng mga vitamins natin yung mga dropper. So icheck po ninyo yung mga vitamins, may mga dropper yan mula sa taas, 0.1, 0.2, 0.3, 0.4, kasi sa mga maliliit na babies, baka mangailangan kayo ng mga 0.1 ml lang para ibigay ang paracetamol.
At sa dropper, may mga approximate yan na gitna, yung 3.6, 1.2, so from this, dito natin ia-approximate ang tamang dami ng preparation ng paracetamol na kailangan ng iyong anak. Importante alam natin din kung ilang taon sila, o mas maganda, ilang kilo ang timbang niya ng huling nakuhanan siya ng timbang sa center o kaya naman sa clinic ni Doktora, o kung meron tayong mga bathroom scale, pwedeng icheck ang timbang ng bata sa mga bathroom scale.
Isa pang suggestion, sa mas maliliit na bata, below two years old, gumamit tayo ng drops kasi ito ay mas concentrated kaya mas konti ang ibibigay natin.
Anong mga dapat kong alamin para magamit ko ng tama ang tabulated form ng paracetamol?
At dahil ang hirap ngang mag-multiply-multiply, gumawa na kami ng tableted form. Check lang po natin dun sa tableted na tables na ginawa natin yung kilo ng bata o timbang nakasaad dun.
Anong klase ng paracetamol ang ibibigay mo? Anong dosage ang paracetamol band dapat kong ibigay sa anak ko?
Gamitin ang drop, kahit anong klase ng or brands of paracetamol, basta ang milligram niya ay 100 milligram per ml. Ito ay drop, pag two to five years old naman, gumamit naman ng syrup na 120 milligram per 5 ml. Pag six years old pataas na ang bata, mas malalaki na sila, so ang gagamitin na natin ay yung syrup na 250 milligram per 5 ml.
Halimbawa kung ang inyong baby ay anim na buwan, karaniwan nasa 6 kilos to, ang 6 kilo babies, kailangan ng 0.6 ml ng paracetamol drops na may preparation na 100 milligram per ml.
Pano naman kung two to five years old? Para naman sa mga may babies na two to five years old na, kung ang gagamitin natin ay paracetamol na 120 milligram per 5 ml, eto yung gagamitin nating table. So kung siya ay three years old na at may timbang na 14 kilos, bibigyan mo siya ng 6 ml.
Eh yung six years old pataas? Kung ang anak mo naman ay above six years old na at ang paracetamol na para sa kanya at gagamitin mo ay yung paracetamol 250 milligram slash 5 ml, eto naman yung table na gagamitin mo. Kung halimbawa six years old na siya pero ang timbang niya ay 24 kilos na, so bibigyan mo siya ng 5 ml na.
Paano kung yung anak ko eh mabigat para sa edad niya, ano yung susundin ko?
So halimbawa, Mommies, kasi yung aking mga pamangkin mga ano yan, mga large sizes, yung aking four years old pero 30 kilos, well Mommy, ah i suggest yung base na paracetamol on the weight of your baby. So kung siya kahit na four years old pero 24 or 25 kilos na, use yung 250 milligram na paracetamol syrup at bigyan mo na siya ng 5 ml.
Importante ang paracetamol, four hours lang , wala nang epekto. So kung may lagnat ang baby, after four hours, by all means you can give another dose of paracetamol.
Kung halimbawa naman ay hindi kayo sigurado or meron kayong ibang concerns, importante magkonsulta sa ating pediatrician because ang fever ng bata, karaniwan may pinanggagalingan yan at paracetamol ay symptomatic relief, hindi ito ang pinakagamot. Kailangan malaman ano ang dahilan ng lagnat at kung kailangan ng antibiotics at ibang iba pang gamot, ikonsulta sa inyong pediatrician.
Iba pang mga babasahin
Sintomas at gamot sa Hand foot and mouth disease ng bata
Gamot sa foot and mouth disease sa bata: Senyales ng sakit