October 9, 2024

Paano mawala ang halak ng baby: Sintomas at Dahilan

Isa sa usual na pangamba ng magulang sa pagkakaroon ng halak ay ang mga kumplikasyon na kaakibat nito. Ang pinaka worse dito ay pwedeng magderetso sa pulmonya ng bata lalo na kung hindi nailalabas ng baby o bata ang kaniyang halak. Pwede kasing maipon ito sa baga at maging dahilan ng kaniyang impeksyon.

Ano ang dapag gawin kapag nakita na may halak ang baby dahil sa labis na pagdede?

Kung ang halak ay napapansin niyo dahil nag-ooverfeeding kayo, so ang pwede po nating gawin diyan, pwede po nating iburp ang bata midway and after feeding. Dapat din alam din natin kung bakit nag-oover, baka nag-ooverfeeding na talaga kaya hindi kaya ng bata na yung milk na natetake niya dun sa size ng tummy ng babies. Dapat yung age lang nila, alam natin kung how much yung dapat na itake nila na milk. But as I said, kailangan para maiwasan natin yan, don’t overfeed. Also, pwede natin silang idevide ang pagbibirth midway and after feeding.

Merong halak tuwing nakatihaya, pero pag nakadapa naman siya o nakatagilid wala naman

First of all, kailangan alam natin kung ano yung age ng bata kasi kung yung halak na ito ay posisyonal at ang anak mo ay nag-umpisang magkaroon ng noises, especially at around two months and older, may posibilidad na yung halak na ito ay may congenital problem na.

And for this, mas nangangailangan ito ng proper diagnosis. So kailangan dalhin niyo yung anak niyo sa or sa pulmonologist na kakilala niyo para malaman kung ito ay talagang halak ordinaryong halak ba ito or noisy breathing na may problema sa daanan ng hangin. May halak na dahil pinanganak yung mga bata na may problema sa daanan ng hangin or nagkaproblema sila sa pagkapanganak nila, nakulangan ng oxygen ng kanilang brain or along the way, nagkasakit sila na nakulangan din ng oxygen ng brain, naapektuhan ang kanilang throat at yun ang naririnig natin na parang halak.

Matagal ng may halak si baby, pero ngayon wala siyang may lagnat. Dapat ko na ba siyang dalhin sa doktor?

Kung ang halak ay dahil sa impeksyon, syempre ang halak na ito ay may kasama pang ibang sakit, like pag nilalagnat niya, pwedeng nahihirapang huminga or may shortness of breath, mabilis ang hinga. Then pag ganito ang sintomas, ay pwedeng ito ay sintomas na ng pulmonya. So kapag napansin niyo na yung anak niyo ay may ganitong mga sintomas, kailangan niyo nang dalhin ito sa doktor o sa pedia niyo para mas maigi sa amin yung anak niyo at mag makapagpagawa pa ng ibang laboratoryo para maconfirm ang pulmonya ng anak mo.

May lahi kami ng asthma at ibat-ibang klase ng allergy, may kinalaman ba yun sa madalas na pagkakaroon ng halak ng anak ko?

Halak ng allergy like yung hika, alam naman natin sa hika, sumisikip ang daanan ng hangin. Nagkakaroon tayo ng maraming plema kaya nahihirapan silang huminga at doon ang isa sa mga nakikita ng nasakit sa hika ay yung madaming plema. So halak din yun.

So kung ang anak mo ay may allergy at hindi lang yung anak mo ang may allergy, may family history talaga rin ang allergy, like allergy sa skin, allergy sa nose or tinatawag nating asthma, then most likely baka yung anak mo talaga ay may hika.

Ano pa bang kasama nitong halak na ito kapag may hika?

So usually kapag hika lang or mabilis lang ang history ng bata, kapag nakaamoy siya like ng mga perfume or ng may nagsisigarilyo at smoking, pwede rin naman yung may mga pets and dogs, mag-iisneeze na yan tapos uubuhin na sila, tapos magkakaroon na sila ng ubo, magkakaroon na sila ng plema at mahihirapan nang huminga.

May cerebral palsy ang anak ko, tapos on and off yung halak niya

Yung mga halak dahil sa may mga cerebral palsy na anak, hindi natin maiiwasan yun kasi naapektuhan yung kanilang paglolo kaya nagpupull talaga yung kanilang mga saliva or laway sa kanilang throat. So ang pwede lang nating gawin dito, kapag nagpapakain tayo sa kanila kailangan talaga naka-upright position sila para maiwasan natin mag-aspirate ang milk or food dun sa daanan ng hangin na pwede ring maging cause ng palaging may halak dun sa daanan ng kanilang hangin at lagi niyong maririnig na may halak ang inyong anak.

Lalo na yung mga babies na magkaroon ng cerebral palsy na diagnose na cerebral palsy, kailangan talaga pag nagpapamilk kayo sa kanila o nagbibigay ng milk, dapat naka-upright position kasi in order to avoid aspiration. Ito yung pwedeng maging ng pneumonia, mahihirapan silang huminga, pwede silang mangitim at mag-a-antibiotic pa yung anak niyo at madadala niyo pa, syempre madadala niyo pa sila agad sa emergency room.

Yung baby ko madalas magkaroon ng halak pagkatapos magsuka o maglungad

Sa kaso na ganito nagkakaroon ng micro aspiration, ibang milk napupunta sa daanan ng hangin at nagkakaroon dun ng reaksyon, yun ang pwedeng maging sanhi ng alak. So pag ganitong kondisyon, probably may reflux yung anak mo. What you can do, pwede siguro magfeed ka small frequent feeding and talagang dapat mong gawin naka-recline position siya in one to two hours to avoid yung reflux. Then if magpursige yung ganitong kondisyon, nagrereflect pa rin, bumabalik pa rin yung milk or yung food na binigay mo, I think it’s time na dalhin mo na siya sa doktor para malaman natin kung ano pa ang pwede nating gawin.

Ano bang mga red flags o senyales na dapat ko ng dalhin sa doktor o hospital ang baby ko na may halak?

Kung ang anak niyo ay may sakit pa rin for three days, like yung ubo nila lumalala, hindi na sila makakain, bumibilis ang paghinga, mataas ang lagnat, hindi na maganda yung kanilang activity, kailangan na nating dalhin yun sa kanilang doktor o sa emergency room. So sa mga may hika naman na diagnose talagang may hika yung anak niyo, magnenebulize na kayo sa bahay ng every six hours. Pero hindi pa rin, gumagaling yung anak mo despite ng nebulization, hirapan ng huminga yung anak mo, mabilis na yung paghinga, hindi na rin makakain, di na rin maganda yung activity, tapos lalo na kung nagkaroon ng sinosis o pangingitim sa labi, kailangan niyo ng dalhin sa yung anak niyo sa hospital or sa doktor niya.

Sa mga batang may problema dun sa mga yung noisy breathing, lalo yung mga infants na may noisy breathing, napapansin niyo lumalakas yung kanyang noisy breathing, hindi niyo kailangang maghintay ng matagal, pwede niyo siyang dalhin agad sa sabihan niyo agad sa inyong doktor na napapansin niyo papalakas ng papalakas yung noisy breeding niya or yung traydor na tinatawag para madiagnose na talaga kung ito ba ay upper airway problem o pinanganak ba sila silang may problema talaga sa upper airway kaya mas naririnig niyo pa yung ganitong tunog sa anak niyo na tinatawag nga po nating istraydor.

Wala namang ubo o sipon ang anak ko, pero meron siyang halak

Meron tayong tinatawag na transmitted sounds sa throat, parang yun yung naririnig niyo dun sa chest nila. Ang isa pang dahilan kung bakit parang may naririnig rinig kayong parang halak, pwede rin naman yung nose nila ay barado no, baka may dumi sa ilong nila. Kasi seventy percent ng ating airways ay pag nabarahan yung ating nose, nahihirapan po silang huminga, lalo na sa mga small babies and ito para probaby yung naririnig niyong tunog na natatransmit dito sa kanilang baga. It’s not necessarily naman na halak, but if you are not comfortable, pwede niyo dalhin yung anak niyo sa inyong pediatrician to confirm halak ba talaga yun para mapakinggan po ng inyong pediatrician yung naririnig niyo na halak.

Yung baby ko may halak ng pagtulog, pero pag gising wala naman.

May iba pa tayong naririnig na halak sinasabi ng iba na halak, bat it’s not actually halak, it’s more of snoring. With snoring naman, maraming pwedeng dahilan kung bakit sa gabi niyo lang naririnig yung pag halak na yun , it’s possible na baka yung anak niyo ay merong sleep apnea na tinatawag. So ano ba ang mga reasons ng sleep apnea? Pwede na malaki yung kanilang tonsils, malaki bata na may obesity. So pag ganito na meron silang snoring, kailangan din nating ipacheck up para mabigyan sila ng lunas kung ano ba yung cause ng kanilang snoring.

May mga pagkakataon na naririnig ko ang halak ng anak ko kapag naglalaro siya o nagiging active

Kapag naririnig mo ang halak ng anak mo sa panahon ng paglalaro o pagiging active, maaaring ito ay sintomas ng exercise-induced asthma. Ito ay isang uri ng asthma na binibigyang-puwang ng mga sintomas tulad ng paghingal, ubo, at halak sa panahon ng pagpapakilos ng katawan. Ang mga bata na may ganitong kondisyon ay maaaring kailangan ng preventive na gamot bago magsimula ang kanilang mga aktibidad upang maiwasan ang mga sintomas. Konsultahin mo ang doktor ng iyong anak para sa tamang pagtukoy at gamutan.

Paano ko malalaman kung ang halak ng anak ko ay dahil sa alerdiya o sa ibang dahilan?

Upang malaman kung ang halak ng anak mo ay dahil sa alerdiya, mahalagang suriin ang mga posibleng sanhi ng alerdiya sa paligid ng bata. Ito ay maaaring kasama ang mga hayop na may balahibo, alikabok, pulbos ng miti, at iba pang mga alerdiyeng-sanhi. Kung napapansin mong ang halak ay lumalala sa tuwing nakakapaligiran ng mga ganitong bagay ang iyong anak, maaaring ito ay dahil sa alerdiya. Konsultahin ang doktor para sa tamang diagnosis at para malaman ang mga paraan kung paano maiwasan ang mga alerdiyang sanhi.

Anong mga natural na paraan ang maaari kong gawin upang maiwasan ang halak ng anak ko?

Mayroong ilang natural na paraan na maaari mong gawin upang maiwasan ang halak ng iyong anak:

  1. Palamigin ang lugar kung saan natutulog ang bata, dahil ang init ay maaaring maging sanhi ng paglala ng halak.
  2. Siguraduhing malinis ang paligid ng bata, lalo na ang kanyang kwarto, upang maiwasan ang alerdiyeng-sanhi.
  3. Gamitin ang mga hypoallergenic na unan at kumot upang maiwasan ang alerdiya.
  4. Iwasang magpalaro ng bata sa mga lugar na may maraming usok o polusyon.
  5. Hikayatin ang bata na uminom ng maraming tubig upang palambutin ang plema at maiwasan ang pagkatuyo ng laway.

Gayunpaman, kung ang natural na mga paraan ay hindi nakakatulong, mahalaga na humingi ng payo sa doktor para sa tamang gamutan.

Conclusion

Sa mga magulang at tagapag-alaga, tandaan na ang maagang pagtuklas at tamang pagpapagamot sa halak ng inyong anak ay mahalaga upang maiwasan ang mga komplikasyon at mapalusog ang buhay ng bata. Huwag hayaang lumala ang kondisyon bago ito ipa-check up sa doktor. Ang maagang konsultasyon ay maaaring maging desisyon na makabubuti sa kalusugan ng inyong anak.

Iba pang mga Babasahin

Mabisang gamot sa halak at ubo ni Baby para mawala

Pabalik balik at matagal na ubo o sipon ng bata: Dahilan at Sintomas

5 Tips para makatulog sa tanghali si Baby

5 dahilan kung bakit kailangan ng pediatrician sa check up ng Baby

One thought on “Paano mawala ang halak ng baby: Sintomas at Dahilan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *