Usually, ginagamit natin ang term halak to refer to a sound na naririnig o nararamdaman natin bandang dibdib at parang galing sa plema ang katunog nito. So, paano natin malalaman kung normal o hindi ang halak? The best way para malaman, is to consult your doctor.
Paraan paano malaman kung ang kondisyon ng bata ay dahil sa halak
Kapag ang doktor ay gumamit ng stethoscope at narinig niya na malakas yung halak o malakas yung sound sa bandang baga, usually, more of abnormal ito. Pero kung yung sound na naririnig na halak is mas malakas sa ilong, sa bandang lalamunan kaysa sa baga, then mostly, mas less worrying yung ganun.
Pangalawang criteria is yung onset o kung kailan ito nag-umpisa. So kung ang halak ay narinig at birth o few days after birth, mas okay yun kaysa sa dating walang sound and then months old na o ilang years old na yung pasyente bago magkakaroon ng halak. Mas worrying yun and mas mga abnormal causes of halak ang iisipin namin, like pneumonia o tuberculosis. Depende na rin sa presence pa ng other criteria.
Kung mas maraming criteria na hindi siya papasa, then more of abnormal yung iisipin namin.
Pangatlong criterion ay ang character. So ano mismo yung sound na naririnig niyo? Ano yung description? Para ba itong tunog baboy? Para ba itong pumuputok na plema? Best kung kaya namang marecord yung sound, mas maganda para pag nagpacheck-up kayo, ma-play niyo ito sa doktor tapos siya magdedecide kung normal to o hindi.
Minsan kasi, sa bahay niyo lang siya naririnig. Pagdating niyo sa doktor, wala namang kahalak-halak yung pasyente, so ang hirap for the doctor to say kung talagang normal to o hindi kasi wala nga during that time. In addition, minsan kasi, tulad ng sinabi ko kanina, hindi kasi fixed ang definition natin ng halak. So minsan sasabihin ng parents halak ito, din pag doctor pala ang nakarinig, hindi pala halak para sa kanya. Pwedeng rales pala o wheezing, which is syempre hindi na normal yun.
Ang apat pong criterion ay ang associated symptoms. Ibig sabihin, may mga ibang sintomas ba nakasabay yung halak? Syempre, ayaw natin na may mga signs of infection tulad ng lagnat, ubo, sipon, hirap sa paghinga, mabilis na paghinga, pagsusuka, o any other signs ng infection. Pag may mga ganun wag nang isipin na normal pa yung halak kasi most likely, yung halak is related dun sa ibang sintomas. Mas safe po pacheck-up na lang kayo. Yan ang pinakaimportante na criteria kaysa sa mga ibang nabanggit natin sa article na ito.
Ang last na criteria na kailangan nating icheck ay ang timing and exacerbating factors. Ang ibig sabihin nito, kailan ba nangyayari yung halak at ano yung mga factors na tila nagpapalala ng sound na naririnig niyo? Usually, yung mga normal na halak mas malakas during feeding. Habang dumedede si baby, may naririnig kayong halak, mostly that’s normal. Pero for example, yung sound ay nangyari o lumabas few days after exposure sa pasyenteng may sakit, then mas nakakaworry yun. Isipin natin baka infection yung cause ng halak.
Kung may history naman na allergy yung pasyente or may history ng mga allergy sa pamilya, tapos na-expose yung patient sa nakaka-allergy na bagay, for example alikabok, usok, malakas na amoy, tapos biglang nagkasipon, mga ganyan, syempre isipin natin allergy. Hindi na normal na halak yun. Baka may sipon pala na hindi na tumutulo, baka barado yung ilong, mga ganun, hindi na po normal yan.
Yung mga halak naman na matindi after feeding tapos ang tindi ng paglungad ng pasyente, then yung weight gain is masyadong matindi, masyadong mataba yung baby, masyadong over na yung weight, then isipin natin baka overfeeding naman.
Kailan nga ba dapat ipacheck-up ang halak?
Syempre, kung may features ng abnormal tulad ng nabanggit na, dapat nang ipacheck-up. Kung may naririnig kayong sound na halak pero wala kayong nakikitang kakaiba sa pasyente, so wala siyang ibang sintomas, normal ang findings niya, komportableng pasyente, then mas more abnormal yun or less worrying, so hindi naman siya urgent na kailangan ipacheck-up kaagad.
Minsan kasi may mga parents na pag nakarinig ng halak, itatakbo kaagad yung pasyente sa emergency room tapos pagdating ng ER, sasabihin ay normal lang naman yan. So ayaw naman nating mangyari yun. Kailangan talaga importante ibabalance niyo yung panic. Kung may halak lang, puro sound lang, wala namang any other problems, then pwedeng isabay naman sa well-baby check-up yung mga routine check-ups niyo. Di naman kailangan na agad-agad ipatingin sa doktor.
Iba pang mga babasahin
Paano mawala ang halak ng baby: Sintomas at Dahilan
Mabisang gamot sa halak at ubo ni Baby para mawala
Pabalik balik at matagal na ubo o sipon ng bata: Dahilan at Sintomas
One thought on “Delikado ba ang halak sa bata: 5 Signs na Halak ito”