Marami sa mga nanay na katulad natin ang nababahala sa mga rashes na dumadapo kay baby. Hindi maaaring ipagpaliban nito dahil mayroong rashes na lumalala, kaya naman kailangan ipaconsult agad sa mga doktor. Dahil napakarami ng klase ng mga rashes sa katawan ng iyong baby, pag-uusapan natin ngayon sa article na ito ang isa sa mga nakakahawang sakit na nagdudulot ng rashes sa kamay, paa, at bibig kay baby. Ito ay ang Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD).
Ano ang Hand foot and mouth disease sa bata?
Ang HFMD karaniwan nauuna ang rashes sa paa, paakyat sa kamay, hanggang sa maabot ang bibig at loob nito. Mapula-pula na maliliit na rashes na minsan ay may kasamang pagtutubig ang itsura nito. Sa katunayan, matuturing na health illness na ang sakit na ito na kung minsan may kasamang low-grade fever. Umaabot ng seven to ten days ang rashes ng HFMD, meron namang mga ibang kaso na umaabot hanggang tatlong linggo.
Ano ang gamot sa hand foot and mouth disease ng bata?
Wala pong specific treatment para sa HFMD, supportive treatment lang tayo, tulad ng paracetamol para sa lagnat, antihistamin para sa kati, at fluids para maiwasan ang dehydration. Kailangan din mapanatili ng malusog si baby sa pamamagitan ng pagpapainom ng maraming tubig sa kanya.
May bawal bang pagkain sa foot and mouth disease ng bata?
Sa tanong na ito ng mga pasyente o nanay ng pasyente kung may bawal kainin kapag nagkakaroon ng ganitong klaseng rashes, dahil hindi naman ito allergic reaction at isa itong viral exanthem, walang bawal kainin.
Ano ang mga sintomas ng HFMD sa bata
Bukod sa lagnat, maaari ding may kasamang rashes at pangangati sa may singit at pwetan ni baby. Kung sisilipin naman ang bunganga ni baby, maaaring makakita ng mga oral ulcers na katulad nito. Ito ang nakakapagwalang gana sa pagdede o pagkain kay baby dahil madalas masakit ang mga ito. Maaari tayong magbigay ng mga soothing gel sa bibig ni baby para maibsan ang sintomas.
Ang isa pang sintomas na maaaring makita sa bata ay ang pagbabalat sa dulo ng mga daliri, kasama na minsan ang mga apektado na kuko. Ang tawag dito ay periungual desquamation.
Nakakahawang ba ang hand foot and mouth disease ng bata?
Oo, very contagious ang sakit na ito. Kaya naman once na magkaroon ng ganito ang iyong baby, kinakailangan niyang mag-isolate hanggang sa mawala ang mga rashes. Kung may kasamang mga ibang bata, kapatid, pinsan, kalaro ang pasyente, mas mabuti ng ilayo mo na sila sa kanya.
May bakuna na ba sa HFMD ng bata?
Wala pang naaaprubahan na bakuna para sa HFMD. Ito ay kasalukuyang inaaral pa at mababasa sa ibang mga journal na may inaaral na bakuna against Enterovirus at Coxsackievirus, ang virus na nagdudulot ng sakit ng HFMD, na nagsasabing epektibo ito base sa randomized case trial. Ngunit ang efficacy nito upang labanan ang sakit ng Hand, Foot, and Mouth Disease ay hindi pa ganun kailinaw.
Paano makakaiwasa sa hand foot and mouth disease sa bata
Sa lahat ng pag-aaral patungkol sa sakit na ito, isa lang ang sinasabing paraan upang maiwasan ang viral exanthem na ito, ito ay ang panatilihing malinis ang kapaligiran ni baby. Dahil nakukuha ang virus via direct contact, kaya naman kinakailangan din na punasan o linisin ang mga bagay na laging nahahawakan ni baby, gaya ng crib o baby toys niya. Wag ding kalimutan ang proper hand washing dahil napakalaki ng role talaga nito pagdating sa kalinisan.
Iba pang mga babasahin
Delikado ba ang halak sa bata: 5 Signs na Halak ito
Paano mawala ang halak ng baby: Sintomas at Dahilan
Mabisang gamot sa halak at ubo ni Baby para mawala
Pabalik balik at matagal na ubo o sipon ng bata: Dahilan at Sintomas
2 thoughts on “Gamot sa foot and mouth disease sa bata: Senyales ng sakit”