November 13, 2024
Ubo

Pabalik balik at matagal na ubo o sipon ng bata: Dahilan at Sintomas

Bakit hindi nawawala ang ubo at sipon ng anak ko? Dalawang linggo na, tatlong linggo na minsan buwan, paulit-ulit. Narito ang mga posibleng dahilan na maaaring meron ang anak niyo at hindi napapansin.

Ang anak mo may ubo at sipon na pabalik-balik, pero masigla naman siya at para wala namang sakit

Isang posibleng dahilan, ito ay maaaring more than two to three weeks na nawalan ng sipon at ubo. Nagbibigay kayo ng gamot, gagaling sandali, babalik ulit. Ma plema ang bata, minsan may lumalabas na sipon, minsan wala. Kaya bibigyan niyo ng gamot paulit-ulit na lang di ba? Parang nakakasawa na bigyan ng gamot ang mga batang ito, pero ang bata ay okay, masigla, wala naman, kumakain naman. Iyan ang isang madalas ma-obserbahan sa mga bata.

May ubo at sipon ang anak mo, binigyan mo na ng gamot, tapos nawala sandali, tapos bumalik ulit, pero masigla siya, wala naman siyang lagnat, hindi naman siya hinihingal.

Mga mommies, isa sa pangkaraniwang dahilan ng paulit-ulit na ubo at sipon ay yung tinatawag na post-nasal drip. Ngayon mo lang ba narinig yun, mommy?

Kasi nga po, mommy, ang ating nasal passage ay konektado sa ating lalamunan, at kung merong plema dun na paulit-ulit sa maraming dahilan, siya ay paulit-ulit din na parang merong plema, may halak, minsan may lalabas na sipon, minsan barado ang ilong, minsan mawawala. So ang tawag po dito ay post-nasal drip, meaning yung mucus, manggagaling sa ilong at babagsak sa lalamunan.

Ano yung mga dahilan ng post-nasal drip?

So, number one mommy, ikaw ba ay nagbibigay ng gamot para sa sipon na paulit-ulit at more than five days na? Ikaw ba, mommy, nagbibigay ng mga mucolytic na dalawang linggo na, o kaya nagbibigay ng mga antihistamine more than two weeks na? O kaya naman, mga mommy, tumingin ka sa paligid, kasi itong nagluluto sa loob ng bahay, merong nagpipintura, may nagbabarnis, may semento, may alikabok, may aso, pusa, merong alagang manok, merong mga mababalahibo, yung mga dagang costa sa loob ng bahay, anything of that character or nature na pwedeng maka-irritate sa ating nasal passage, even yung masangsang na amoy, pabago-bagong mga panahon, malamig, sobrang lamig, pagkatapos sobrang init. Lahat yun, mommy, pwedeng mag-cause ng allergic rhinitis, ng allergic or environmental irritant, not necessarily infection.

Meron talagang hika ang anak ko at simula nung nakaraang buwan hanggang ngayon hindi pa din gumagaling ang ubo niya

Pangalawa, baka naman kayo ay may istorya na ng hika sa pamilya, or mga allergies. Meron isang mommy nagshare ng experience sa doctor. Sabi niya, doktora, na-kasalbutamol na kami, nakainom na kami ng montelukast, nakainom na kami ng antihistamine, nagne-nebulize na ko, paulit-ulit na lang every month, meron siyang atake ng hika.

Sa mga mommies na may anak na may hika, kung ang anak niyo ay umiinom na ng gamot para sa hika at more than one month na yung iniinom na gamot na paulit-ulit, ito ay hudyat na kailangan niyo na nang magpa check up.

Meaning dadagdagan na ng mga gamot para yung kanyang hika ay makontrol. Kaya kailangang bumalik kay doctor, sabihin kung meron siyang sintomas sa araw, sa gabi, kapag nag-e-exercise, biglang hinihingal, biglang dadalahitin ng ubo, even yung simpleng tawa ng tawa or iyak ng iyak, pwedeng mag-cause ng allergic reaction, nakakain ng something na allergic sa. Itong hika niya, ay kailangan nang mag step up ng treatment at magbigay nung mga controllers.

So hindi po enough, mommy, na kayo ay naka salbutamol kung siya ay talagang may hika at again, merong sintomas, hindi nawawala for four weeks or one month, kailangan nang ibalik sa espesyalista para mabigyan ng controllers at mamanage ang kanyang hika upang ang hika po niya ay hindi pabalik-balik.

Yung anak ko nagkaroon ng ubo at sipon kahapon, pero ngayon meron na siyang lagnat at napansin kong parang hirap at mabilis na ang paghinga niya, normal pa ba to?

Pangatlong reason kaya inuubu ng sipon eh, mommy, kapag ang ubo niya ma plema na, nakita mo, nilalagnat na, nagsusuka na, matamlay na, eh baka hindi lang simpleng ubo at sipon yan. Ang pangatlong dahilan ay pneumonia.

Yung anak ko nagkaroon ng tuyong ubo at kaya siya nagsusuka

Ito ang pang-apat na dahilan. Hindi ito very common sa lahat ng bata. Kung ang post-nasal drip at hika ay mga karaniwang sakit, eto hindi masyado karaniwan, pero maaari itong maging dahilan ng recurrent cough. Ito yung tinatawag na gastroesophageal reflux.

Ano yung gastroesophageal reflux na tinatawag ?

Sa taas ng stomach ng bata ay hindi pa well-developed, kaya pag puno ang kanyang tiyan dahil sa gatas o pagkain, may tendency na umakyat ang pagkain. Ito minsan ay hindi agad nakikita sa mga maliliit na sanggol, na nagpapakita ng sintomas na nagsusuka kapag labis na nabubusog. Ngunit sa ibang mga bata, ang dry cough ang sintomas nito, o parang tumataas na masakit ang dibdib ng bata. Kaya ang ibang mga mommy, natatakot dahil masakit ang dibdib ng bata, at pala may reflux siya. Ito rin ay isang dahilan kung bakit may recurrent cough ang bata.

Upang malaman kung ito ang dahilan, kailangan magpa-check up sa doktor upang ma-evaluate ang baby at kung bakit may recurrent cough. May ubo at sipon ang anak ko, at pinapainom ko siya ng gamot na dating nireseta ng kanyang doktor, pero matagal na at hindi pa din siya gumagaling. Bakit kaya ganito?

At isa pa, mga mommies, pag binibigyan kayo ng gamot ng inyong doktor, tinutuloy-tuloy niyo ba kahit tapos na ang nakasaad sa reseta? May ugali kasi tayong mga Pilipino na matitipid, kaya minsan ang dating gamot ng bata, naibigay ng doktor noon, ay ginagamit pa rin ngayon.

Ang nangyayari, nirerecycle natin ang gamot at minsan hindi na natin nasusundan ang tamang dosage. Kung lumaki na ang bata, ang dating gamot na ibinigay noon ay hindi na tama. At ang frequency ng pagbibigay ng gamot, may takda lamang itong oras na epektibo. Kaya hindi na rin eepekto ang gamot.

Mahalaga na hindi tayo nagrerecycle ng gamot. Dapat ang reseta, tama ang dosage at dalas ng pagbibigay ng gamot. Minsan, dahil hindi tayo sumusunod sa instructions ng doktor, nagkakaroon ng side effects o allergies. Minsan, ginagaya natin ang kapit-bahay, kahit hindi tama ang gamot para sa ating anak.

Mga mommies, alam kong gusto niyong makatulong, pero ang reseta na para sa inyo, huwag ibigay sa kapit-bahay dahil iba ang pangangailangan ng bawat bata.

Uulitin natin, ano ang mga karaniwang dahilan kung bakit paulit-ulit ang ubo at sipon ng bata? Hindi lang isang dahilan ang ubo at sipon. Narito ang mga posibleng dahilan: post-nasal drip, hika, pneumonia, gastroesophageal reflux, maling gamot na ibinibigay, at higit sa lahat, kailangan talagang magpa-check up dahil minsan may hindi pangkaraniwang sakit na maaaring maging sanhi ng ubo at sipon.

Iba pang mga babasahin

5 Tips para makatulog sa tanghali si Baby

5 dahilan kung bakit kailangan ng pediatrician sa check up ng Baby

Ano gagawin sa mataas na lagnat ng bata : Sintomas, gamot at Tips para gumaling agad

Mabisang gamot sa an-an sa Bata

One thought on “Pabalik balik at matagal na ubo o sipon ng bata: Dahilan at Sintomas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *