July 25, 2024
Ubo

Ano ba talaga ang gamot sa ubo at sipon ng bata?

Sa loob ng isang minuto, kung ang baby na above two months ay humihinga nang more than forty cycles o breaths per minute, isa itong hudyat na ang bata ay maaaring nagsisimula na ng pneumonia o impeksyon sa baga. Para sa kaalaman ng mga mommies, ang pinaka-pangkaraniwang dahilan ng ubo at sipon ay virus. Virus, eh san ba natin nakukuha yan? Totoo, isa yan, coronavirus, isa, adenovirus, rhinovirus. Yang mga virus na yan, madali itransmit, pare-pareho yan, talsik ng laway, talsik ng hatching, talsik ng ubo.

Kung tayo ay within one meter radius sa isang tao, makukuha natin yan. That answers the question, saan nanggagaling ang ubo at sipon. Hindi po sa paliligo sa gabi, hindi sa hamog, hindi sa nakakain kasi siya ng chocolate, at hindi dahil kumain siya ng ice cream.

Ano ba ang sintomas ng ubot at sipon sa mga bata

Ang usual viral infection, karaniwan yan tumutulo ang sipon, medyo namumulang mata o nagluluha, medyo may ubong tuyo, may kasamang konting lagnat, medyo walang panlasa ang bata, kaya medyo humihina ng konti ang pagdede o pagkain, at medyo matamlay.

Lahat yan makikita niyo sa first day pa lang ng sipon. So tumutulo ang sipon, matamlay ang bata, may konting sinat, medyo mahinang dumede o kumain, o minsan pa nagsusuka, kasi nga nasusuka nila yung sipon na matubig dito sa lalamunan. So makikita natin, since ito ay mga simpleng sakit, kailangan din ng mga simpleng solusyon.

Ano ang gamot sa ubo at sipon ng bata talaga?

So kung may lagnat, bigyan ng paracetamol, kung hindi kumakain, pwedeng bigyan ng mga supplemental vitamins, o itry natin ang mga soup, kasi nga wala ngang panlasa ang bata eh. You go with mga soup, hot soup, konting dagdag ng water, konting dagdag ng milk, pwede natin bigyan ng konting juices.

Kung parang baradong ilong, mag steam, yung water, lalagyan ng salt, at yung warm steam pwede pong langhapin ng bata, just make sure na malayo yung bata at hindi matatauban ng mainit na tubig. That would help para maalis yung pagbabara ng ilong ng bata. O merong mga sodium chloride nasal spray, sa tagilid ng bata, sprayan lang po, mabibili natin over the counter, sodium chloride nasal spray, nasal kasi para sa ilong, sprayan lang po, tapos actionin para yung kung ang sipon eh medyo marami, or medyo malapot at bumabara sa ilong ng bata, meron pong nabibiling na aspirators, ito po yung ginagamit ng mga midwives natin na pang-simsit ng sipon ng bata ng ilong, ng bibig habang pag pinapanganak, para po siyang bald na rubber, pwede po yung gamitin pang-sipsip ng ilong ng bata para matanggal yung bara.

Basically, everything is supportive for the next one to two days. Ngayon, obserbahan ang bata, lalo na yung mga bata na may istorya ng hika, may istorya ng allergies, mas malala yung hirap nilang paghinga sa pangalawang araw. Sa pangalawang araw niyo, mapapansin niyo kung siya ay inaatake na ng hika na nagsimula sa sipon, mas madalas na yung ubo, kada ubo, minsan may kasama ng pagsusuka, at hindi na makatake ng mga food yung bata.

At importante ito yung babantayan natin, isa sa mga sintomas ng lumalalang ubo at sipon, maliban sa hindi pagkain, pagsusuka, at pagiging mas matamlay ng bata, ay yung tumataas na lagnat, hindi na bumababa sa thirty-nine or thirty-eight.

Ano ang sintomas na nahihirapan ang baby o bata sa ubo at sipon?

Pansinin niyo yung paghinga ng bata, magsisimula kayo sa mukha, makikita niyo na yung ilong ng bata lumalaki yung butas, ang mga bata kasi nasal breather, so kung magbabara yung ilong, talagang they will exhale para makahinga, at then yung mouth, nakabuka na kasi they are gasping air, at then titingnan niyo dito kung lumalalim yung pulso, at then bibilangin natin yung paghinga.

Kung ang bata ay below two months, yung mga babies, mas mabilis talaga ang paghinga niya, so sasabihin mong fast breathing ang baby kung more than sixty breaths per minute ang isang below two months old.

Pero kung ang bata ay above two months na, ang kinoconsider nating fast breathing ay more than forty breaths per minute. Ano po yung breaths na tinatawag, yung isa pong cycle ng breathing ay isang inhale at isang exhale, so iyan po isang cycle ng breathing. So titingnan niyo yung orasan niyo, sa loob ng isang minuto, yung baby ba ay ang paghinga, yung cycles of breathing niya, eh inaabot ng more than forty breaths per minute. So tingnan niyo yung paghinga, pwede naandito kayo sa gilid, eto yung paghinga ng bata, bibilangin natin, so habang tinitingnan niyo yung orasan, sa isang buong minuto, bibilangin natin.

So sa loob ng isang minuto, kung yung baby na above two months ay humihinga more than forty cycles, isa itong hudyat na yung bata ay maaaring nagsisimula na ng pneumonia or impeksyon sa baga, o kung may asthma siya, maaaring lumalala na yung atake niya sa hika.

Ano ang gamot sa ubo at sipon dahil sa allergy ng bata

Para sa may mga allergies, alam naman ng mga mommies yan, kung sipon pa lang, pwede na po tayo magstart ng mga antihistamines, like cetirizine, depending sa edad ng bata ibinibigay. Meron pong drops preparation, may zero preparation, meron pong mga labels yan sa mga bottles nila, depende sa edad ng bata.

Paano kung ang ubo at sipon ng bata ay dahil sa asthma

Ngayon kung ang baby natin ay may asthma, karaniwan meron tayong mga tinatawag na inhaler, pwede niyo na simulan yung inhaler nila, at kung inuubo na sila, pwede na magsimulang magnebulize. Wag na hintaying hiningal na hingal yung bata bago simulan yung nebulization. Karaniwan ang pang-nebulize natin ay yung salbutamol, ito yung binibigay sa may mga hika.

At kung masusundan niyo yung nebulization niya na binigay na, karaniwan kung may history talaga siya ng mga hika na nung panahon ng ibang mga araw, meron tayong mga reseta, yung sa isang bata na humihika, pero kung nakapagpausok na kayo isa, dalawang beses at hindi pa rin nag-iimprove yung mga bata, kailangan na talagang pumunta sa pinakamalapit na emergency room para ma-evaluate yung baby o yung bata.

May cough syrup ba na maganda sa ubot at sipon ng bata?

Hindi usually nagbibigay ng mga cough syrup ang mga pediatrician ayon sa gamotsabata.com, lalo na sa below seven years old, kasi itong mga bata na to, hindi pa sila marunong maglabas ng plema, so ang tendency, lalong nagliliquify yung plema, nahihirapan sila sa ubo nila.

So ang tendency talaga is magsuka. Unless prescribe by your doctor at nababantayan nyo ang bata, or for some reason ay kailangan ng bata, maaari magbigay nito, pero under close doctor supervision.

At then usually kahit na viral infection, kung talagang papunta na ng pneumonia, that is the time that pediatricians give oral antibiotics. Pero karaniwan sa mga antibiotics na to, kung binigyan kayo ng mga doctors niyo, you have to continue and complete the dose.

Kung sinabing seven days, kahit na magaling na ng five days, please continue para tuluyang gumaling ang mga babies, wag stop. Kasi merong mga mommies after two to three days nawala na ang lagnat ng baby, inistop na rin lahat ng mga gamot. If the doctor say seven days, please continue seven days and then follow up.

Kasi ngayon sa mga ubo at sipon na napapansin natin, it’s taking a while, inaabot talaga ng mga two weeks, pero wag niyo hintayin ang two weeks, kung nakikita niyo may sign na ang bata ng fast breathing, hindi kumakain, nanghihina, at kung talagang hinihingal na siya, to prevent it, importante sa mga bata ang immune system, proper diet, try to give more fruits and vegetables, pansinin natin sa mga may allergies, saan ba allergic ang bata, kailangan as parents we are very keen to that, minsan kailangan. Ano ba, nakahigop ng usok, or allergic pa siya sa aso, pusa, or meron siyang allergy na certain kind of food.

So kung iyon ang problem, at nakainom na ng or naka-expose siya sa ganitong mga klase ng allergens, may tendency talaga lumabas yung allergy niya. So kung ang bata ay may allergy, yung mga antihistamine kailangan regularly, meron tayong stock sa bahay, para anytime lumabas yung mga rashes, ang mga allergic rhinitis, ibigay na natin, and then contact our pediatrician and follow them up kung hindi mag-improve in one to two days.

Iba pang mga babasahin

Mabisang gawin sa pabalik balik na ubo ng bata: 7 Tips iwas pulmonya

Gamot sa tonsil antibiotic ba? Mapula at masakit na tonsillitis sa bata

Gamot sa Tonsil ng bata at kung paano makaiwas sa sakit ng lalamunan

Sanhi ng singaw sa bibig ng bata : Paano makaiwas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *