July 24, 2024

Ilang araw tumatagal ang beke ng bata: Sanhi at Gamot

Paano nga ba nagkakaroon ng beke? Nakaakahawa nga ba ito? At kung ano ang mga pwedeng gawin sa bahay para guminhawa at gumaling ang beke. Ang beke ay isang viral infection na naaapektuhan ang salivary glands natin, matatagpuan ito doon sa likod ng pisngi, na nasa gitna ng tenga at panga. Kaya ito ang nagiging dahilan ng pag-umbok ng isang parte o magkabilang gilid ng mukha, ito yung pinaka sign ng beke. Madalas sa isang side lang yung namamaga, pero may ibang mga kaso din na parehong side ang lumalaki o namamaga.

Ilang araw nga ba tumatagal ang beke sa bata?

Sa mga bata, ang mga sintomas ng beke ay karaniwang lumalabas 16 hanggang 18 araw pagkatapos ma-expose sa virus, ngunit maaaring magtagal ng 12 hanggang 25 araw bago lumitaw ang mga sintomas. Ang karaniwang sintomas ay ang pamamaga ng mga parotid glands, na nagiging sanhi ng pamamaga sa isang gilid o magkabilang gilid ng mukha, kasama ang lagnat, pananakit ng ulo, sakit sa kasu-kasuan, at kawalan ng ganang kumain

Mga sintomas ng beke sa bata

Narito ang mga sintomas ng beke: typically lumalabas ang mga ito fourteen to eighteen days after magkaroon ng infection. Mayroon tayong hindi normal na paglaki o pamamaga ng pisngi, pananakit ng namamagang pisngi malapit sa tenga, lagnat, pananakit ng ulo at kalamnan, panghihina at sobrang pagod, kawalan ng ganang kumain, hirap sa pagnguya, paglunok, at pagsasalita.

Tulad ng ibang karamdaman, iba-iba ang mga sintomas na pwedeng maramdaman o maexperience kapag nagkaroon ng beke. Ang ilan, nakakaranas ng mild symptoms, gaya ng sipon, minsan nga wala ding sintomas. Sa ibang kaso naman, bihira lang ito, malala ang mga sintomas ng beke, na nagkakaroon pa nga ng complications.

Mga dapat tandaan at gawin kapag nagkaroon ng beke ang bata

Mag-isolate, wag muna lumabas ng bahay, kung maaari, sa kwarto ka muna, yan ay para hindi ka na makahawa sa iba. Magpahinga at magpalakas. Ang beke ay walang gamot, gaya ng aking nabanggit, ito ay isang viral infection, kaya hindi kailangan ng antibiotics. Mostly sa mga bata at matanda, kapag uncomplicated ang beke, nakakarecover din after two weeks.

Hanggat maaari, kumain ng malalambot na pagkain para maging madali yung pagnguya at paglunok. Iwasan din ang pag-inom ng maasim o yung mga acidic juices para mabawasan ang sakit at nakakadagdag din kasi ito ng stress sa salivary glands.

Warm or cold compress: hindi dapat tina at suka ang inilalagay sa beke. Pamilyar ka ba diyan? Yun yung minsan purple pa nga di ba? Mali ang nakagawiang panggagamot na ito ng mga Pinoy. Mas mainam ang paglagay ng ice pack o cold compress, o kaya warm compress sa bahagi ng mukha na namamaga. Makakatulong ito sa sakit na dala ng pamamaga ng glands.

Luya, kung kaya ng bata, pwedeng maghalo ng kaunting katas ng pinakuluan ng luya sa malamig na juice. May anti-inflammatory at anti-viral properties ang luya, nakakatulong din itong makabawas sa pananakit na nararamdaman. Pwedeng kainin, o kaya dikdikin ang luya hanggang maging paste, at pwede itong ipahid sa pisngi.

Uminom ng over-the-counter pain relievers, gaya ng Advil, Tylenol, at iba pa. Makakatulong ito para guminhawa ang pakiramdam ng may beke.

Ang mga tao na nagkaroon ng beke, ay forever immune na dito. Kapag may beke, bantayan kung may mga senyales ng complications at tumawag agad sa doktor kapag mayroon ang mga sumusunod: lagnat na umaabot sa thirty-nine degrees Celsius o higit pa, hindi makakain o makainom, may confusion or disorientation, may kasamang sakit ng tiyan, sa mga lalaki naman, kapag sumakit at namaga ang itlog.

Nakakahawa ba ang beke ng bata?

Yes, ang beke ay mabilis makahawa kung makalat ito sa pamamagitan ng direct contact sa laway or droplets mula sa bibig, ilong, o lalamunan ng tao na mayroon nito. Ibig sabihin, kung ikaw ay may beke, pwede kang makahawa sa iba kapag ikaw ay umubo, humatsing, o magsalita, ikaw ay nanghihiram o nakikishare ng gamit, gaya ng baso o water bottles, kapag nakipaglaro ka sa iba o nakihalubilo sa iba.

Sino-sino nga ba ang mataas ang tsansa na mahawa at magkaroon ng beke?

Mga bata na hindi nabakunahan laban sa beke at naexpose sa infected na tao. Kaya importante yung pagpapabakuna sa mga bata. Sa katunayan, nabawasan yung cases ng beke simula nung nagkaroon na ng vaccine para dito. Ito yung tinatawag na MMR na vaccine sa mga bata. Ang ibig sabihin ng MMR ay measles, mumps, rubella, panlaban ito sa tigdas, beke, at German measles.

Bakuna para sa beke o mumps ng bata

Ang first dose nito ay binibigay sa twelve to fifteen months old, at ang second dose naman ay binibigay sa four to six years old. Mga bata na nasa edad two to twelve, madalas nagkakaroon ng outbreak nito kapag taglamig.

Madalas ang tanong ng marami, “Nagpabakuna naman ng MMR laban sa beke, pero bakit nagkaroon pa rin?”

Ang MMR vaccine po kasi, gaya ng iba pang vaccine, ay nakakatulong para maiwasan ang malaking tsansa ng pagkakaroon ng sakit, gaya nga ng beke, at complications na dala nito. Ibig sabihin, kahit nagpavaccine ka na, may chance ka pa rin na magkaroon ng beke, mas mababa na ang tsansa dahil may panlaban ka na dito, at kung magkaroon man ay mas mild ito at maiiwasan ang pagkakaroon ng complications.

Narito yung ilang complications na dala ng beke: meningitis or encephalitis, ito yung inflammation o pamamaga ng membrane na bumabalot sa utak at spinal cord, o kaya pamamaga ng utak, pagkabingi, or kaitis.

Listahan ng pedia clinic sa Albay

Dr. Maria Remedios Lipa

  • Location: KidsHealth Pediatric Clinic, Landco Business Park, Near Pacific Mall / Gaisano Mall, Legazpi City
  • Phone: Not listed, appointments via SeriousMD
  • Clinic Hours: Monday to Thursday, 8:00 AM – 5:00 PM; Friday to Saturday, 1:00 PM – 5:00 PM

Albay Doctor’s Hospital

  • Location: Rizal St., Legazpi City, Albay
  • Phone: (052) 480-7081
  • Services: General pediatrics, emergency care

Estevez Memorial Hospital

  • Location: Brgy. Bitano, Legazpi City, Albay
  • Phone: (052) 481-0282
  • Services: Pediatric consultations, inpatient care

Aquende Medical Clinic

  • Location: Quezon Ave, Legazpi City, Albay
  • Phone: (052) 480-7388
  • Services: Pediatric consultations, diagnostics

Ziga Memorial District Hospital

  • Location: P. Diaz St., Tabaco City, Albay
  • Phone: (052) 487-5295
  • Services: Pediatric services, emergency care

Iba pang mga babasahin

Ano ba talaga ang gamot sa ubo at sipon ng bata?

Mabisang gawin sa pabalik balik na ubo ng bata: 7 Tips iwas pulmonya

Gamot sa tonsil antibiotic ba? Mapula at masakit na tonsillitis sa bata

Gamot sa Tonsil ng bata at kung paano makaiwas sa sakit ng lalamunan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *