July 24, 2024

Antibiotic para sa Beke ng bata – Kailangan ba talaga?

Ang beke o ang mumps ay isang uri ng impeksyon. Ito ay impeksyon ng salivary glands, o yung tinatawag na katasang laway. Ang salivary glands ay naglalabas ng laway para sa pagtunaw ng ating pagkain at para mabasa-basa ang ating bibig. Tatlong salivary glands ang makikita: yung parotid gland sa harapan ng tenga, submandibular gland dito sa may panga, at sublingual gland o sa ilalim ng dila.

Kailan lumalabas ang beke pagkatapos mahawa ng bata

Ang sintomas ng beke ay lalabas, ah, labing-apat hanggang dalawampung-apat na araw pagkatapos kayong ma-expose o mahawa. Madalas yung mga five to ten years old na bata ang nagkakaroon ng beke, pero pwede din sa teenagers o sa adults. Pag bata, madalas mild o katamtaman lang ang nagiging sakit, pero sa thirty percent ng tao ay parang walang sintomas na naramdaman.

Ang sintomas na makikita natin pagdating sa beke, masakit doon sa harap ng tainga, dito sa ating picture kanina, ah, dito, sumusakit diyan at mamamaga sa harap ng tainga mga isang linggo, lalo na kapag kayo ay ngumunguya o lumulunok ng mga maaasim tulad ng kalamansi, suka, o dayap. So yun yung mga unang sintomas, pwedeng magkaroon ng lagnat, magkakaroon din ng lagnat, ah, pwedeng sinat lang o hanggang kwarenta ang magiging temperatura niyo, masakit ang ulo, masakit ang tainga, sinabi nga natin, ah, panghihina, masakit yung testicles o bayag, kasama na rin yung pagsakit ng breast o tiyan.

Mga dapat bantayan, at bakit kailangan dapat mag-konsulta agad kapag sobrang sakit ng ulo, nagkakumbulsyon, o nagstiff neck, masakit ang testicles o yung bayag, masakit ang tiyan o nag at nagsusuka, nahihilo at hindi makarinig, tapos higit na sa tatlong linggo yung pamamaga ng pisngi, at yung mga buntis, lalo na sa unang apat na buwan ng kanilang pagbubuntis, dapat mag-konsulta na tayo sa doktor.

Ang beke ay isang sakit dulot ng virus

Dahil ito ay dala ng isang virus, ang ating mumps o beke, supportive lang ang gamutan, wala talagang antibiotics na papatay dun sa inyong virus. So ang mga dapat gawin, magpahinga, mag bed rest, at mag-isolate, o huwag lalabas ng bahay hanggang siyam na araw.

So kung kailangan niyong mag-absent sa eskwela o sa trabaho, paracetamol ang ilan ang ibibigay kapag may lagnat o kirot, huwag bibigyan ng aspirin, damihan ang inom ng tubig, at malalambot kasi mahirap nga lumunok eh, so malalambot lamang ang inyong ipapakain at masasabaw na pagkain, tulad ng mga lugaw, oatmeal, sopas, dinurog na kamote, itlog. Ahmm, iwasan yung maaasim tulad ng nabanggit ko, kalamansi, suka, dayap.

Cold compress dun sa inyong singit o iskor tong kapag namamaga. Meron tayong mga prevention tips pagdating sa beke o sa mumps. Unang-una, aba eh, kailangan laging maghuhugas ng kamay, takpan ang bibig at ilong kapag kayo ay umuubo at bumabahing, kasi yung virus ay pumapasok sa bibig at sa ilong, at ang virus ay nasa laway, dugo, at ihi, so pumupunta siya sa ibang organo.

Ihiwalay yung mga baso, tasa, plato, kubyertos, at yung pagkain, kasi nasa laway nga ito ng tao.

Bakuna laban sa beke ng mga bata

Sa bahay lang mag-absent, sa trabaho, mag bed rest, at ang pinaka-mainam na prevention ay ang pagbabakuna. Kailangan talaga magbakuna tayo. Ibinebibigay ang MMR o yung mumps, measles, rubella sa edad one year old hanggang fifteen months, at yung second dose sa edad apat hanggang anim na taong gulang. Wala pong side effect ang bakuna, ah, kapag nagkaroon ng beke, meron na kayong lifelong immunity, ibig sabihin hindi na ito uulit, o habang buhay na itong hindi uulit.

Kailan ginagamitan ng antibiotics ang batang may beke?

Ang beke ay hindi dahilan ng pagkabaog, iba po ang naging dahilan ng inyong pagkabaog, hindi dahil sa beke. Magbibigay lamang ng antibiotics ang mga doktor kung meron na na mga komplikasyon, yung komplikasyon nga na matagal doon sa testicles, ah, nagkaroon ng mga, ah, sintomas sa ibang organo. So pupunta tayo sa doktor, dahil sila lamang ang magbibigay ng antibiotics.

Anong klase ng doktor ang specialist sa beke ng bata

Kung itatanong niyo, sinong doktor naman ang mga pwedeng puntahan, ang mga doktor na pwedeng puntahan, ENT o yung Ear, Nose, and Throat doctor, kapag adults, Infectious Disease doctor ang tawag sa kanila, at kapag bata, yung inyong mga pediatrician. 

Iba pang mga babasahin

Ilang araw tumatagal ang beke ng bata: Sanhi at Gamot

Ano ba talaga ang gamot sa ubo at sipon ng bata?

Mabisang gawin sa pabalik balik na ubo ng bata: 7 Tips iwas pulmonya

Gamot sa tonsil antibiotic ba? Mapula at masakit na tonsillitis sa bata

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *