October 10, 2024

5 Tips para makatulog sa tanghali si Baby

Malikot ba ang iyong toddler at nahihirapan ba siyang matulog sa hapon? Maraming mga nanay ang nahihirapan na makatulog ang kanilang mga anak dahil sa sobrang likot at pagiging playful ng mga ito. Pag-usapan naman natin sa artilce na ito ang best practices ng ilang mommy kung paano nila napapatulog ang kanilang sanggol. Alam natin na mahalaga ang pagtulog pagkatapos ng tanghalian para hindi lamang sa kanilang paglaki kundi pati na rin sa kanilang kalusugan.

Magset up ng quiet time bago matulog

Ito ay upang maintindihan ng bata na kinakailangan na niyang mag-afternoon nap. Ipasok siya sa kwarto, patayin ang ilaw, at ihanda ang kanyang higaan. Maaari ding magbukas ng music pampatulog o lullaby upang makuha agad ni baby ang kanyang antok.

Siguraduhing busog at nakaligo bago matulog

Sinisigurado ko na nakakain na ng tanghalian ang aking anak at nakaligo na din. Katulad din nito sa mga bagong panganak na mas mahaba ang tulog kapag nakadede na at naligo bago matulog.

May sariling sleeping area o kama para sa mga bata

Para sa mga bata na kasamang matulog ang kanilang mga nanay o magulang, sa aking experience, ginawa ko ng sariling kama ang baby ngunit magkatabi pa rin kami. Mas maganda na nasa dulo siya o sulok dahil gusto lagi ng mga bata na secured ang kanilang nararamdaman. Maaari mo siyang yayain na, “Go to your bed, it’s your sleeping time.” Sa ganitong paraan, bibigyan natin siya ng responsibilidad at disiplina kahit bata pa lamang. Ang pagsasabi ng “Go to your bed” ay isang paraan upang mafeel nila na meron silang sariling espasyo at mahikayat silang humiga at matulog.

Iwasan ang sobrang panonood sa TV

May mga ibang nanay na ginagawa pampatulog ang TV sa kanilang mga anak, hindi nila alam na nakakasama ito sa personal na interaction nilang mag-nanay. Sa aking experience, mas nakakatulog ang aking anak sa aking sariling lullaby kaysa sa mga lullaby galing sa TV. Ayon pa nga sa pag-aaral, mas nakakatulong pa sa pagtulog ng mabilis ang iyong anak ang sariling boses, presensya, at amoy ng isang ina kaysa sa panonood ng mga nalalabay na kanta sa TV, tulad ng mga videos galing sa YouTube.

Hayaan mag-isa matulog ang bata

Sa lahat ng paraan, ito talaga ang nag-work sa aking baby dahil ayaw ko siyang isanay sa karga. Hinahayaan ko lang nakahiga ang baby habang ako naman ay nakabantay lang sa kanya. Ganito na siya mula nung newborn hanggang sa ngayon. Never pa siyang nagpahele dahil hindi siya sanay. Nung isang araw, sinubukan ko siyang ihele, pero nakumpirma ko na mas gusto niya talagang matulog mag-isa dahil nagpapababa siya.

Yan ang mga tips natin sa inyo kung paano patulugin ang inyong toddler sa hapon, dahil mahalaga ang afternoon nap. Kapag kulang sa tulog ang sanggol, mataas ang chance niyang magkasakit dahil bumababa ang immune system niya, panay siyang iritable at hindi na makakalaro ng aktibo, plus hindi rin bibilis ang paglaki niya.

Iba pang mga babasahin

5 dahilan kung bakit kailangan ng pediatrician sa check up ng Baby

Ano gagawin sa mataas na lagnat ng bata : Sintomas, gamot at Tips para gumaling agad

Mabisang gamot sa an-an sa Bata

Mabisang pantanggal ng kuto at lisa sa bata

2 thoughts on “5 Tips para makatulog sa tanghali si Baby

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *