Ano bang dapat alam ni Mommy at anong dapat lalo na sa mga first time moms? Ano yung dapat binabantayan natin pag nagstart tayo ng feeding ng baby, whether breastfeeding, mixed feeding, or formula-fed na baby? Allergy sa gatas ang isang pinakamahalaga na papansinin natin.
Para sa first time moms, ano yung mga sintomas na dapat bantayan kung may allergy si baby, lalo na ngayon at sa aming mga pediatrician na nag-aadvocate ng breastfeeding? Minsan kahit nagbabreastfeed, may mga kaso na nagkakaroon ng allergy ang baby. Pag-uusapan natin yan dito.
Feeding, whether breastfeeding, bottle feeding, or mixed feeding, pag-uusapan natin para sa mga baby na zero to twelve months kalalabas pa lang.
Anong papadede kay baby?
Una, tuturuan natin kailan talaga magtry ng breastfeeding, yung unang yakap na ginagawa natin paglabas ni baby, pinapasupsop talaga namin sa mga breast ng mga mommy yan paglabas pa lang. At right after that, may mga kaso na kailangan mag-supplement, kasi yung mga mommies, for some reason, kailangan.
Ano yung mga sintomas na pag nakita niyo, may milk allergy si baby ko, lalo na sa mga first time mom?
Number one dugo sa pupu. Most of these cases, ang tawag namin allergic colitis, nilalabasan sila two to three days from the time na nakainom sila ng milk. Pwedeng breastfeeding, kung si Mommy, syempre kung ano yung kinakain ni Mommy, nakakain na ni baby. Pwede talaga with breastfeeding magkaroon din ng milk allergy, or pwedeng tinatawag na cow’s milk allergy, ito yung mga bottle-fed baby na pag nakainom sila ng mga formula milk, paglabas ng pupu nila, may dugo.
However, marami ding dahilan ng bloody stools, kaya kailangan pag nakakita ng bloody stools sa pupu ni baby, especially immediately after birth, inform your pediatrician or your doctor, may bloody stools po. Kasi meron ding ibang symptoms na kasama yun, pwedeng related to other illnesses, hindi lang sa milk allergy.
Number two na nakikita natin, may mga bata after uminom ng milk, nagsusuka o kaya nagtatae. These are immediate symptoms na nakikita namin sa mga milk allergy cases namin. However, again, pwede ring maging ibang problem ang dahilan kaya nagtatae o nagsusuka si baby immediately pag nakainom ng gatas. Kaya also check with your pediatrician or your doctor.
Usually after a month or two nakikita sa mga pasyente, constipation, tinik-bibe, maliliit yung pupu, matitigas, hirap na hirap yung bata na nagsusugat na yung puwet. Pag gantong kaso, also inform your pediatrician or your doctor para ma-evaluate at ma-assess.
Pangatlong sintomas na yun, constipation, dugo sa pupu, pagtatae at pagsusuka. Isa pa, delayed reaction, hindi immediate, atopic dermatitis, so nagrarashes dito o sa mga singit-singit, yung mga usual, sa leeg na namumula, na kinukuskos ng bata. This is also another symptom na paulit-ulit, lalagyan ni Mommy ng ointments, painumin ng gamot, pero lumalabas pa rin. In some cases, pwedeng related to other allergies, but kung ang baby niyo walang ibang kinakain, first two to three months lumabas na to, please inform your pediatrician, baka kailangang i-evaluate siya for cow’s milk allergy.
At pang-apat at pang-lima, which is also lumalabas late, na be in three months, early signs of allergic rhinitis, or parang sinisipon palagi si baby. Again, marami ring dahilan and triggers ang allergic rhinitis, but this can be also symptoms of allergy to cow’s milk or other milk. Isa pa, later on, after nagkaroon ng skin allergies, allergic rhinitis, meron kaming mga kaso ng asthma. So pwedeng maging trigger ang cow’s milk or milk allergy going into asthma in some cases.
Minsan naman nag-breastfeeding ka, pure breastfeeding, how come yung baby mo merong symptoms ng mga allergies, may skin allergy, may allergic rhinitis at nilabasan pa ng hika, samantalang breastfeeding naman. Isang dahilan nun yung mga kinakain ng mommy. Tandaan niyo, whatever is kinakain ng mommy, pwedeng pumunta kay baby sa breast milk niyo. So check with your doctor, check with your diet, at observe carefully kung saan siya nag-aallergy.
Meron pa minor cases naman, is bloating or colic, it’s also a sign of food allergy. So parang malaki ang tiyan, parang palaging kinakaabangan. Those are minor signs na mawawala kung makikita yung reasons for the allergies.
In summary ito sintomas ng allergy sa dede si baby, may bloody stools, pagtatae, pagsusuka, constipation, skin allergy, colic or pagkabag, pagkakabag o parang bloated yung bata na iritable, iyak ng iyak, at later on, pwedeng lumabas ng allergic rhinitis and possibly hika, yung asthma and allergic rhinitis, plus atopic dermatitis. Eto yung mga allergies na pwedeng dalhin ng baby sa paglaki niya. Kaya importante ma-address yung milk allergy very early on.
That is why importante to check with your pediatrician, ma-assess kayo, ma-evaluate kayo, para yung milk allergy niya hindi pumunta sa sakit na dadalhin niya hanggang pagtanda niya.
Listahan ng pediatrician clinic sa Guadalupe
Ospital ng Makati (OsMak)
- Address: Sampaguita St., Guadalupe Nuevo, Makati, Metro Manila
- Contact Number: (02) 882-6316
- Services: Pediatric consultations, immunizations, and general child healthcare services.
St. Claire Specialty Clinic
- Address: 6244 Kalayaan Ave, Guadalupe Nuevo, Makati, Metro Manila
- Contact Number: (02) 882-0847
- Services: Pediatric care, routine check-ups, and immunizations.
Medicard Philippines Clinic
- Address: 2/F Gateway Center, 1300 Antonio Arnaiz Ave, Guadalupe Viejo, Makati, Metro Manila
- Contact Number: (02) 889-5258
- Services: Pediatric consultations, general health services, and HMO services.
Guadalupe Nuevo Health Center
- Address: 2nd St., Guadalupe Nuevo, Makati, Metro Manila
- Contact Number: (02) 881-2848
- Services: Pediatric care, immunizations, and general healthcare services for children.
Makati Medical Center
- Address: 2 Amorsolo Street, Legazpi Village, Makati, Metro Manila (near Guadalupe)
- Contact Number: (02) 8888-8999
- Services: Comprehensive pediatric care, specialty consultations, and full range of child healthcare services.
Iba pang mga babasahin
Ilang beses ang normal na ihi ng bata sa isang araw
Gamot sa tigdas hangin ng bata home remedy