September 11, 2024

6 reasons bakit bawal painumin ng tubig si Baby 0-6months old

Mahalagang malaman ng mga mommy na ang sanggol na 6 months and below ay hindi na kailangang painumin muna ng tubig kasi maliit pa lamang ang kanilang mga bituka para dito at nakukuha naman nila ang tamang nutrients kahit gatas lamang ang pinapainom.

Mga pagkakataon na napapa-inom ang Babay

Scenario number one two month old baby sinisinok si lola sabi agad painumin niyo ng tubig

Scenario number two seventeenth day old baby kakadede lang tapos umiyak ulit si tatay sabi niya hon tubig muna padede mo

Scenario number three five month old baby wala lang naglalaro lang siya and then random friend painumin mo na ng tubig pwede na yan alam naman natin na ang tubig ay mahalaga para mabuhay hindi mabubuhay ang mga bata at matatanda ng wala ito

Subalit sa mga baby na wala pang anim na buwan hindi pa pwede sa kanila ito.

Bakit bawal pa ang tubig kay baby edad zero to six months?

Simulan na natin ang mga may dahilan kung bakit bawal. Hindi dapat painumin ng tubig ang mga baby na wala pang anim na buwan. Narito ang mga dahilan kung bakit.

-Madaming water reserves

-Sapat na ang breastmilk

-Maliit ang tummy ng baby

-Water intoxication

-Pagkumbulsyon

-Increase risk ng infection

Number one si baby ay madaming water reserve sa katawan pinasusoso man o ibinibigay ng formula milk hindi pa kailangan ni baby ng tubig. Ang isang bagong sanggol kasi ay binubuo ng halos sixty to seventy percent water. Mas marami kumpara sa ating adults.

Number two ang breast milk at formula milk ay may sapat na tubig. Ang tubig na nasa gatas ng ina at formula milk ay sapat na para sa kalusugan ng sanggol. Kung isa sa alang alang ang tubig na nawawala dahil sa ihi dumi at baga.

Number three maliit lang ang sikmura ni baby. Ang tubig ay walang calories ngunit nakakabusog pa rin sa iyong sanggol kumpara sa matanda sobrang liit lang ng sikmura kasi ni baby. Ito ay makakapagpawalang gana sa kanyang uminom ng gatas. Ito rin ay maaaring magdulot ng pagbaba ng timbang at pagtaas ng bilirubin level sa katawan kung saan maninilaw si baby o yung tinatawag natin na dobles

Number four water intoxication. Maaari itong magdulot ng water intoxication ng isang mapanganib na kondisyon. Hindi pa kaya ng mga bato ng iyong sanggol na humawak ng masyadong maraming likidong tubig. Ang pagbibigay ng tubig para sa baby ay maaaring maging sanhi para ang mga bato ay magtanggal ng mga electrolytes at sodium sa katawan na siyang sanhi ng dehydration at electrolyte imbalance.

Kung inaakala mong makakatulong ito sa kanyang hydration nagkakamali ka dito lalo siyang manunuyot dahil sa sobra sobrang tubig ang napupunta sa katawan ni baby.

Number five pwede siyang magkumbulsyon. Uminom lang ng tubig tapos magsi-zessure na. Yes mommy may chance po talaga na mangyari kay baby ito. Ito ay dahil nga sa posibilidad na magkaroon si baby ng electrolyte imbalance o yung magkukulangan siya ng asin asin sa katawan. In medical term ito yung tinatawag na hypo na trim niya or mababa ang level ng sodium dahil nga sa dahilan na natatapon ito sa kidney at sobra sobra na ang tubig sa katawan

Kumbaga nalulunod na ang sodium sa tubig kapag sumobrang baba ang sodium sa loob ng katawan ni baby. Mataas ang chance na mangyari ito.

Sasabihin ng mommy ehindi naman nangyayari sa baby yan nung pinainom ko siya eh.  

Yes mommy swerte ang baby kapag ganun dahil syempre konting tubig lang naman ang pinapainom mo sa kanya pero paano kung naiipon ang tubig na pinapainom mo sa kanya doon mangyayari lahat ng mga sinasabi natin sa inyo.

Itong water intoxication hyponatrimia jaundice at yung posibleng magkumbulisyon si baby kaya please hintayin niyo ng magseven months si baby bago siya painumin ng tubig yun.

Number six increase risk ng infection. Pwedeng maging source ng gastro intestinal infection ang mga contaminated na tubig

Listahan ng prenatal Clinic sa Zamboanga

Ciudad Medical Zamboanga

  • Services: They offer comprehensive prenatal care, childbirth services, post-delivery maternal care, and other women’s health services.
  • Contact: Phone – 992-7331 to 35,
  • Location: Mayor Vitaliano Agan Avenue, Zamboanga City

Zamboanga Peninsula Medical Center

  • Services: The center provides prenatal check-ups, ultrasound services, and maternal health education.
  • Contact: Phone – (062) 991-7580
  • Location: Veterans Avenue Extension, Zamboanga City

Western Mindanao Medical Center

  • Services: Offers a range of prenatal and maternal health services, including routine check-ups and diagnostic testing.
  • Contact: Phone – (062) 991-3551
  • Location: Veterans Avenue, Zamboanga City

Iba pang mga Babasahin

Kabag sa bata at Treatment : Mga gagawin para hindi iyakin ang baby

Mga Hindi Normal sa Baby – Signs na kailangan ng Pedia

Mga babantayan sa bagong silang na sanggol -Danger Signs

Paano gamutin ang mga common rashes ng baby – Sintomas at Remedy

2 thoughts on “6 reasons bakit bawal painumin ng tubig si Baby 0-6months old

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *