December 7, 2024

Kabag sa bata at Treatment : Mga gagawin para hindi iyakin ang baby

Nagiging iyakin na ba si baby lately at minsan sobrang tagal bago tumahan? Frustrated ka na dahil hindi mo mapatahan si baby kahit anong gawin mo?

Hindi kaya kabag yan mommy? Sumasakit ang tiyan niya kaya iyak siya ng iyak.

Alamin natin kung ano nga ba ang kabag, pano malalaman kung kabag nga ito, at ang mga paraan upang maiwasan at magamot ang kabag ni baby.

Ang kabag ay nangyayari kapag magkakaroon ng maraming hangin sa tiyan ni baby. Nagiging sanhi ito ng discomfort at incessant crying kay baby. Dahil ito sa nalulunok na hangin tuwing dumedede si baby sa bote.

Datapwat maaari din naman niyang makuha ang hangin sa pamamagitan ng breast feeding. Pano malalaman kung kabag na ito?

Mga sintomas at senyales na si baby ay may kabag

Number one iyak ng iyak si baby.

Number two kung medyo lumaki ang tiyan ni baby at matigas.

Number three may kakaibang tunog na parang tambol kapag tinatapik tapikan ng tiyan.

Number four ang pag uunat ng baby ng kanyang mga paa at pagsasarado ng kanyang mga kamao. Kapag hindi ito nalunasan  nagdudulot ito ng pag iyak ni baby

Number five nagiginhawaan ng bahagya kapag umutot ng umutot o dumighay.

Ano ang mga dapat gawin para hindi kinakabag at iyakin si Baby?

Una siguraduhing tama ang paraan ng breastfeeding  o pagpapasuso. Maaaring isang dahilan ng kabag ay ang pagsagap ng maraming hangin ni baby kapag sumususo. Nangyayari ito kapag mali ang kanyang pagsuso

Number two tamang pagdighay kay baby. Sinasabing ang madalas na pagdighay habang nagpapasuso ay nakakaiwas sa kabag.  Sundin ang oras ng magpapasuso kay baby  at tiyakin na napapadighay siya pagkatapos dumede

Pangatlo iwasan ang stress kay baby. Ang pagkakaroon ng sobrang taas ng emosyon ay naghuhulog ng stress kay baby. Kung sa tingin niyo ay naiistress si baby sa kanyang kapaligiran maingay o may mga pangyayari na bago sa kanya hayaang makapagpahinga si baby sa tahimik na kwarto. Ihile siya at hayaang makaidlip.

Maaari ring maistress si baby kapag sobrang tahimik lalo pat nasanay siya sa mga naririnig habang siya ay nasa sinapupunan ni nanay. Katulad ng tibok ng iyong puso ang tunog ng iyong tiyan habang siya ay nasa loob at tunog ng iyong boses makakatulong ang pagkakaroon ng malumaling na ingay kagaya ng iyong pagkanta o tunog ng tv.

Maging ang tunog ng kotse habang siyay nakasakay ay magandang paraan upang patahanin si baby. Kung siya ay kinakabag nagpapakalma kay baby ang steady heartbit sound

Pang apat iwasan ni nanay ang nakaka allergy na pagkain.

Kahit walang history ng food allergy mula sa ina at ama may twenty five percent tsansa na magkakaroon ng food allergies ang sanggol at lalong malaki ang tsansa na magkaroon siya ng food allergy. Kung ikaw si mister o kayong dalawa ay may food allergy paalala kay nanay ano man ang iyong kakainin ay makakaapekto sa iyong gatas kabilang sa mga pagkain .

Pwedeng makaapekto sa iyong gatas ay ang dairy products kagaya ng ice cream, yogurt, cheese at gatas sa cakes at kuhis. Kasama na rin ang mani, itlog, seafood, shellfish, soya at iba pang process soy products at dagdag pa rito ang repolyo, sibuyas, broccoli at kape.

Panglima iwasan ang paninigarilyo. Pwede ring makaapekto ang paninigarilyo ni nanay. Kung ikaw ay naninigarilyo maaaring maexpose si baby, mapanganib na second hand smok kahit hindi kalat basta nagpapasuso

Pang anim ang tummy time. Hindi lang nakakatulong ang tummy time para mawala ang kabag kundi nagpapatibay rin ito ng digestive system, immune system, at muscles ni baby. Tummy time helps your infant legs, arms and neck. Nakakatulong din ito sa mental health ni baby katulad ng pag roll over. Maraming benefits ang tummy time for baby.

Pampito iwasang ma-stress si mommy. Alam naman natin na pagkauwi ni mommy mula sa trabaho ay may mga naghihintay pang obligasyon sa kanya sa bahay gaya ng pagluluto at paglilinis. Idagdag pa niya ang kakulitan ng bata tapos sasabayan pa ng pagkakaroon ng kabag ni baby.

Dahil sabay sabay mga pangyayaring ito hindi malayong maistress si mommy at maaaring makasama ito kay baby na nagpapaluba sa kanyang kabag. Kung stress si mommy magiging huminga muna ng malalim. Humingi ka rin ng tulong kay mister kahit ilang saglit lang para mahimasmasan ka.

Isipin ang kapakanan ni baby. Kapag nakarecover ka na mabibigyan na ng tamang pag aaruga si baby.

Ano naman ang gamot sa kabag sa baby?

Kung ano man ang nagiging sanhi ng kabag ni baby maigi na bigyan siya ng tender loving care sa pamamagitan ng baby massage. Iba pa rin talaga ang haplos ng isang ina. Ayon sa pag aaral ang haplos o touch therapy ay nagpapabilis ng paggalinh lalo na sa mga kinakabag na babies. Ang mga batang minamasahe o hinahaplos ay mas relax. May mas matibay na immune system at higit sa lahat sinasabing naiibsan nito ang kabag at nagpapakalma sa sanggol.

If hindi mawala ang kabag sa kabila ng ating pag iiwas maaaring painumin ng Simethicone  si baby. Humingi ng reseta sa kanyang pediatrician ukol dito.

Gumamit din ng bote na idinisenyo upang mabawasan ang paglunok ng hangin kung gumagamit ng formula. Ito ang mga tinatawag na anti-colic bottles.

Kung nagpapasuso, iwasan ang mga pagkain na kilalang nagdudulot ng gas tulad ng mga produktong gawa sa gatas, broccoli, at caffeine.

Listahan ng Pedia clinic sa Cebu

Cebu Doctors’ University Hospital

  • Address: Osmeña Boulevard, Cebu City, 6000 Cebu
  • Contact Number: (032) 255-5555

Chong Hua Hospital

  • Address: Don Mariano Cui St., Fuente Osmeña, Cebu City, 6000 Cebu
  • Contact Number: (032) 255-8000

Perpetual Succour Hospital

  • Address: Gorordo Avenue, Cebu City, 6000 Cebu
  • Contact Number: (032) 233-8620

Visayas Community Medical Center

  • Address: 85 Osmeña Blvd, Cebu City, 6000 Cebu
  • Contact Number: (032) 253-1901

UCMed (University of Cebu Medical Center)

  • Address: Ouano Avenue, North Reclamation Area, Mandaue City, 6014 Cebu
  • Contact Number: (032) 517-0888

Cebu Velez General Hospital

  • Address: F. Ramos St, Cebu City, 6000 Cebu
  • Contact Number: (032) 253-3127

Cebu City Medical Center

  • Address: N. Bacalso Ave, Cebu City, 6000 Cebu
  • Contact Number: (032) 255-7141

MyHealth Clinic – Cebu

  • Address: Ground Floor, Oakridge Business Park, A.S. Fortuna St., Banilad, Mandaue City, Cebu
  • Contact Number: (032) 505-8600

Iba pang mga Babasahin

Mga babantayan sa bagong silang na sanggol -Danger Signs

Mga Hindi Normal sa Baby – Signs na kailangan ng Pedia

Paano gamutin ang mga common rashes ng baby – Sintomas at Remedy

Ano ang dapat gawin kapag inaatake ng Seizure o Epilepsy ang bata?

2 thoughts on “Kabag sa bata at Treatment : Mga gagawin para hindi iyakin ang baby

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *