Isang malaking stress para sa nanay ang makita na may lumilitaw na rashes sa kanyang baby maging ang nanay at isang pediatrician ay sobrang nalulungkot kapag may mga lumilitaw na rashes sa kanilang mga anak.
I-discuss natin ang mga common na russia sa bata pano ang gagawin at ano ang dahilan ng mga ito.
Mga Common rashes ng Baby
1. Milia
2. Neonatal Acne/Baby Acne
3. Erythema toxicum
4. Eczema
5.Heat Rash/Bungang araw
6. Cradle Cap/Seborrheic Dermatitis
7. Insect Bite
Number one Milia, karaniwan ito nakikita sa kapapanganak na sanggol. Ito ay maliliit na puti o dilaw sa mukha ng baby. Madalas sa ilong ito makikita o kaya naman sa baba. Isa siya sa mga normal variant ng newborn. Ibig sabihin walang dapat ikabahala mawawala din ang rashes na ito at wala namang kailangan na ipahid o gamot na iinumin.
Number two neonatal acne or baby acne. Makikita ito sa baby na two to six months old. Ito ay mga mapupula o mapuputing parang tigyawat na kadalasang matatagpuan sa noo, pisngi o ilong ng baby
Kung ikaw ay magtatanong tanong sa ibang mga nanay, kadalasang gatas ng ina ang pinapahid nila dito
Hindi pa ito naaaral ng mabuti ng mga eksperto, ngunit sa aking experience nawala agad ang neonatal acne ng aking anak pagkatapos ko itong pahiran ng breast milk gamit ang bulak.
Sa mga pediatrician pinapayuhan ng hugasan ang mukha ni baby gamit ang wet cloth at mild soap. Wag na wag pahiran ng kung ano anong cream o ointment kung hindi pa nakapagpa konsulta sa inyong pediatrician.
Number three, gamutin mga Erythema toxicum kung isa din itong normal variant sa newborn. Ito ay mga mapupulang bahagi ng balat na may puti o madilaw na bukol. Madalas itong matatagpuan sa mukha dibdib o mga hita sa mga unang araw matapos mapanganak. Kusa itong mawawala matapos ang ilang lingo at hindi na bumabalik sa pagtanda.
Number four heat rash o bungang araw. Nakikita ito sa bata tuwing tag araw. Ito ay maliliit na pulang mga rashes na nakikita sa balat ng baby. Dulot ito ng pawis na hindi makalabas ng balat dahil sa mga baradong pores. Walang kailangang gamot sa bungang araw.
Panatilihin lang na presko ang damit ni baby at hindi tuyuan ang pawis.
Number five eczema. Ang eczema ay isang sakit sa balat na pwedeng namana sa mga magulang. Isa itong pahiwatig na may allergy sa balat ang iyong baby. Nakikita ito bilang nanunuyo namumula at makakating bahagi ng balat sa mga baby. Talaga namang nakakastress hindi lang para kay baby kundi para kay mommy din lalo na kapag di natatanggal ang klase ng rashes na ito.
May mga gatas na naaayon kay baby para dito meron din gamot na pinapahid upang makatulong sa pagmoisturize sa mga rashes na ito.
Marami akong sinubukan para sa aking baby dahil siya din ay nagkaroon nito pabalik balik ang eczema lalo na kung lagi siyang hinahalik halikan.
After gamutan makinis na naman si baby. Paano mawala ang eksena ni baby?
Kailangan muna nating malaman kung ano ang trigger kung bakit sumusumpong ang rashes ni baby, baka kasi may allergy siya sa pagkain o kaya naman sa init baka sa mismong gatas niya or seasonal. Kung hindi nawawala ang eczema ni baby o mahirap siyang gamutin mag isa
Mas mabuting kumunsulta sa kanyang pediatrician.
Number six, cradle cap o Seborrheic Dermatitis . Ang cradle cap ay rash na kadalasang natatagpuan sa anit ng mga bata. Subalit maaari rin itong kumalat sa pisngi at paligid ng mga mata at ilong. Mapapansin ang makapal na maputi o madilaw na parang kaliskis o balakubak sa bumbunan at iba pang bahagi ng ulo ni baby. Minsan meron din sa kilay, pilik mata, tenga sa tabi ng ilong, batok kilikili o sa diaper area.
Madalas napapagkamalan itong eksema ngunit ang dalawang kondisyong ito ay magkaiba. Bagamat maaaring magkaroon ng sabay sa mga batang may eksema o dry skin. Mas makati lang. Ito ay maaaring sanhi ng over production ng skin oil o sebum sa oil guns at hair follicles.
Ang ibang factors tulad ng biglang pagbabago ng panahon mainit biglang lumalamig magkaroon ng oily skin problema sa immune system. Pati na stress at iba pang sakit sa balat tulad nga ng eksema ay maaaring maging sanhi din, at minsan mawawala ito kahit wala kang gawin
Wag na wag babakbakin o kakamutin dahil mas makakalala ito sa baby makakatulong din ang pagligo kay baby sa ulo. Tandaan na kapag pinapaliguan si baby sabunin din ang ulo ng may kasamang banayad na pagmamasahe. Mild shampoo lang na para sa baby ang gagamitin. Lagyan ng baby oil or mineral oil ang buhok bago paliguin.
After paliguin si baby suklay suklayin ang buhok at tiyak na mawawala din ang cradle cap. Kapag ito ay napabayaan pwede itong magkaroon ng bacterial infection na pwedeng ikalala ni baby. Antibiotics ang maaaring gamot dito. Dalhin sa pediatrician kapag ito ay nangyari.
Number seven, insect bite. Ibat ibang itsura ng rashes sa baby kapag may kagat ng insekto, marami din namang produkto ang pwedeng ikaskas sa kanya at narito ang mga produkto nasabok ko na din.
Mga Rashes na Delikado sa Baby
Kundi ka sigurado sa klase ng rashes na nakikita sa baby o bata, kailangan po nating ipa-check up sa pediatrician ang mga ito. Halimbawa ng mga delikado na rashes ay ang sumusunod.
-Meningococcal Rash
-Kawasaki Disease Rash
-Measles (Tigdas)
-Chickenpox (Bulutong)
-Scarlet Fever Rash
-Hand, Foot, and Mouth Disease
-Erythema Multiforme
Listahan ng mga Pediatrician sa Cubao
Dr. Elisa N. Tongson
Address: St. Luke’s Medical Center, E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City
Telepono: +63 2 8723 0101
Dr. Amelita T. Castillo
Address: World Citi Medical Center, 960 Aurora Blvd, Project 4, Quezon City
Telepono: +63 2 8913 8380
Dr. Marivic Alcordo
Address: Hi-Precision Diagnostics Plus, Ground Floor, E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City
Telepono: +63 2 8365 7918
Dr. Miriam G. Ledesma
Address: Providence Hospital, 1515 Quezon Ave, West Triangle, Quezon City
Telepono: +63 2 8373 8686
Dr. Lourdes T. Tan
Address: Cubao Doctors Hospital, 64 New York St., Cubao, Quezon City
Telepono: +63 2 8912 5788
Dr. Aurora G. Libadia
Address: UERM Memorial Medical Center, 64 Aurora Blvd, Quezon City
Telepono: +63 2 8715 0861
Dr. Enrico G. Jurado
Address: UERM Memorial Medical Center, 64 Aurora Blvd, Quezon City
Telepono: +63 2 8715 0861
Dr. Maria Rhoda D. Salonga
Address: Quirino Memorial Medical Center, Katipunan Avenue, Project 4, Quezon City
Telepono: +63 2 8924 6611
Dr. Ma. Cristina L. Gutierrez
Address: De Los Santos Medical Center, 201 E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City
Telepono: +63 2 8893 5762
Dr. Felicitas O. De Asis
Address: Dr. Jesus C. Delgado Memorial Hospital, 7 Kamuning Road, Quezon City
Telepono: +63 2 8921 4927
Iba pang mga Babasahin
Ano ang dapat gawin kapag inaatake ng Seizure o Epilepsy ang bata?
Paano ang Tamang Paglinis sa Pusod ng Sanggol : Umbilical cord cleaning
One thought on “Paano gamutin ang mga common rashes ng baby – Sintomas at Remedy”