Ang gatas ng ina ang pinakamasustansyang pagkain para sa isang sanggol. Napakadaming benepisyo ng pagpapasuso sa isang sanggol hindi lang para kay baby kundi para sa nanay din ito. Ang mga dahilan at kung ano ano ba ang mga benepisyong ito para kay baby ay narito.
Pag-aralan natin sa article na ito ang mga benefits ng pagpapadede ng derekta sa nanay ang sanggol. Ilan sa mga kaalaman na ito ay makikita din sa sanggol.info.
Mga Benepisyo ng Breastfeeding o Pagpapasuso ng sa Sanggol
Una ang gatas ng ina na ito ay masustansya na walang makakatalo kahit anong formula milk or kahit anong brand ng formula milk mismo ay nagsasabi na walang makakatalo sa gatas ng ina.
Pangalawa ang breast milk ay may anti bodies na panlaban sa sakit kaya naman mababa ang tsansang nau ospital ang mga batang breastfeed, in short hindi sila sakitin
Pangatlo mababa ang chance nilang magka allergy asthma or eksema.
Pang apat hindi magiging malnourished si baby. Ibig sabihin hindi siya magiging underweight o kaya naman hindi siya magiging sobrang taba. Sakto sa edad ng baby ang magiging timbang nila.
Panglima ayon sa mga ibang eksperto ang breastfeeding ay nakakatalino.
Pang anim iwas sa pagkasamid or aspiration ito yung kondisyon kung saan pwedeng mapunta ang gatas sa baga dahilan upang mahirapan itong huminga.
Pang pito, iwas kabag o yung paglaki ng tiyan dahil sa naipong hangin. Ang kabag sa bata ay ang kadalasang dahilan ng walang tigil sa pag iyak ni baby kung breastfeeding si baby hindi siya magiging iyakin.
Mga Benepisyo sa nanay ng Breastfeeding
Sunod ang benepisyo para kay nanay, una itoy nakakatulong sa pagbawas ng timbang. Ang pagdagdag ng timbang sa nanay ay dulot ng pagbubuntis malaki ang tulong sa iyong pagbabawas timbang ang breastfeeding.
Pangalawa sa benefits ng pagpapadede ay ang pag bonding kay baby. Kahit masakit sa una ang breastfeeding isipin niyo na lang na ito ang bonding niyo ni baby.
Pangatlo maiiwasan ang labis na pagdudugo pagkatapos manganak dahil sa hormones na ilalabas ng iyong katawan habang nagpapasuso. Ang hormone na ito ay tinatawag na oxytocin na tumutulong sa pag contract o pagtigas ng matres para tumigil ito sa pagdudugo.
Pang apat iwas sa postpartum depression o sobrang kalungkutan pagkatapos manganak. Ito ay ayon sa ibang eksperto na ang breastfeeding ay nagbibigay ng kakaibang saya para sa nanay
Panglima ito ang pinakatotoo na hindi na kailangan ng ebidensiya mga mommy ang breast milk ay libre sobrang tipid nito kumpara kung ikaw ay mga formula milk. Di ba tipid na very accessible pa , nakakalungkot nga lang isipin na minsan merong mga nanay na hindi nabibiyayaan ng maraming supply ng gatas.
Paano dumami ang gatas ng Nanay?
Ito ang mga tips para dumami ang breast milk supply mo.
Number one irelax ang kaisipan huwag magpastress dahil kailangan ng katawan ng happy hormones para makapag produce ng breast milk.
Number two kumain ng masustansya at uminom ng maraming tubig. Halos seventy percent ng breast milk ay tubig kaya kinakailangan ng isang nagpapasuso ang madaming supply ng tubig para makagawa ang katawan ng kanyang sariling gatas.
Number three ang pagkain ng malunggay napakadaming produkto para sa pagpapasuso. Merong malunggay capsule cookies na may malunggay at inumin na may malunggay pero ang payo ko ay ang paghigop ng malunggay soup o kahit anong mainit na sabaw. Napatunayan ko din ito mga mommy.
Number four pagpahid ng maligamgam na tuwalya sa mismong suso at kapaligiran nito ang technique na ito ay hindi lang makakatulong sa pagdami ng supply ng gatas ito din ang paraan para maiwasan ang pagsakit ng suso habang nagpapadede
Always remember mommy gaya ng naririnig niyo sa tv commercials breast feeding is the best for babies.
One thought on “Kahalagahan ng Pagpapasuso/pagDede sa Bata”