July 25, 2024

Gamot sa rashes ng baby

Nagkaroon po ba ng rashes si baby katulad nito sa litrato natin? Hindi niyo alam yung gagawin niyo kasi first time mommy kayo, or kahit second time mommy na, nagkaroon pa rin ng ganitong rashes si baby. Ano ba ang pwedeng gawin, ano ang pwedeng ipahid, kailan niyo siya sila dadalhin sa doktor?

Maraming nai-stress kapag may ganitong rashes si baby kasi kawawa talaga siya at gusto niyo siyang maging makinis.

Ano ang pwedeng gawin para mabawasan ang rashes ng baby?

Kung kayo ay isang breastfeeding mommy, gagawin niyo rin ito. Syempre yung breast milk, alam niyo totoo yun kasi ginawa ko na ito sa first baby ko, pinahiran ko siya ng breast milk and then kinabukasan hindi naman talaga nawala pero bahagyang nawawala na siya. Isang araw lang ng breast milk and then pinaliguan ko siya, kinabukasan wala na agad. And then of course maintain ko lang na tuyo lagi si baby, hindi siya napapawisan tsaka hindi na naiinitan.

Dalawa lang talaga yung ginawa ko sa neonatal acne ng aking baby, fresh milk tapos paligo. Napaka importante ng pagpapaligo kay baby everyday at dahil nga summer na itong March, April hanggang May, two times hindi siya naliligo, morning around ten AM dahil mainit na yun, and bago siya matulog or bago siya masettle, and that’s around five PM hanggang seven PM, yun dun siya naliligo, hindi lang siya punas-punas.

Pero kung talagang late na siya nasesettle, mga around nine PM, pinupunasan ko na lang pero minimake sure ko na laging good hygiene si baby kasi ang sangkap naman ng neonatal acne is yung pawis tsaka mainit, and kapag nagkaroon ng bacterial infection or infestation, magkakaroon ng superimposed bacterial infection, mangangailangan ka pa ng antibiotics, ang ayaw natin yung neonatal acne plus eczema.

Ganito yung itsura ng neonatalacne plus eczema, kapag ganyan nagbibigay tayo ng pampahid, it’s either cream lang na hindi naman steroid ha, kasi kung steroid yan, malalang eksema na yun.

Kung ang baby meron siyang atopic dermatitis, pwede siyang gamitan ng steroid.So idiscuss lang natin ang neonatal acne sa bata. Ang neonatal acne is one of the normal variants nga sa baby.

Saan nakukuha nag neonatal acne

Dahil nga normal variant siya, natural lamang na magkakaroon siya ng ganito dahil sa pawis or dahil mainit or hindi siya napaligo. So pano siya mawawala? Eventually mawawala din yan, mawawala din yung neonatal acne basta napapaliguan at tuyo lagi si baby.

Of course, aalisin mo lang naman yung cause niya.

Kailan mo dadalhin sa pedia ang rashes ng bata?

Kapag meron na siyang kasamang atopic dermatitis or merong superimposed bacterial infection na.

Pareho lang ba ang neonatal acne sa infantile acne?

Okay dun, base sa kanilang pangalan, ang neonatal acne is nangyayari lang kapag newborn siya, so usually at two weeks of age nagkakaroon siya ng ganito and then nawawala din after one week, kahit wala kayong gawin, pero mas maganda paliguan siya. Magkakaroon ng dalawa hanggang tatlo doon magkakaroon ng rashes na ganito.

So luckily, kung yung baby mo hindi pa nagkaroon ng ganito, malalaman kung neonatal acne nga siya. Usually ang itsura nito ay maliliit na pula-pula na minsan merong nana pero madalang lang yun, and wala siyang ibang kulay kundi red lang.

Next question, yung pagkikiss ba sa newborn nagkaka-cause ng neonatal acne?

Yes, kung sensitive yung balat ni baby, pero kung hindi naman siya sensitive hindi naman, lalo na kung wala naman bigote si Daddy at walang hormonal changes na nangyayari kay baby. Actually kasi to ni neonatal acne yung sinabi ko is cause ng pawis, mainit, hormonal changes.

Paano tanggalin ang neonatal acne?

Kung home remedy lang ang tinatanong ninyo, ito yung advice natin, pwede i-try ang breast milk, pangalawa proper hygiene, ligo mild soap plus yung sabon, tapos keep it dry, so kung pinapawis siya, punasan agad and then dalhin siya sa malamig na lugar. Pangatlo, kung kailangan na niya ng steroid or antibiotics, dalhin niyo na siya sa kanyang pedia. Of course, hindi niyo pwedeng over the counter lang ang mga gamot na ito, kailangan ng prescription.

Masakit ba ang neonatal acne sa baby?

Usually hindi naman, di naman nila iniyakan yan, katulad natin, hindi naman kapag meron tayong pimple, hindi naman talaga masakit unless kung putukin or ah yung mamanipulate. So wala po kayong dapat gawin diyan kung hindi sa mga sinabi kong treatment or home remedy.

Iba pang mga babasahin

Tamang paraan ng pagpapadede ng sanggol: 0-12 months old

Punasan ng warm compress ang bata

Senyales ng diabetes sa bata

Solusyon kapag nabulunan ang bata

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *