October 16, 2024

Solusyon kapag nabulunan ang bata

Pag-uusapan natin sa article na ito ang isa pang emergency na talagang karaniwan, itinatawag sa mga doktor na medyo minsan hysterical ang mga mommies. Ano ‘to? Choking o para silang nabubulunan. Minsan sa pagpapakain, food items, minsan naman kung anong sinubo, laruan.

Paano maiiwasan na mabulunan ang mga bata

Ang sad thing is yung mga gamot, dapat itinatago niyo ‘yan, kasi minsan kung ang kulay nila ay pink at mukha siyang pagkain, isinusubo ng mga bata, lalo na yung mga four to six months, lahat ‘yan sinusubo sa bibig. Minsan madumi, minsan delikadong kemikal na yung naiinom o nakakain nila.

Kaya paano natin iiwasan ang mga ito?

Una sa pagkain, kung tayo nagpapakain ng food, make sure appropriate yung preparation ng food na ginagawa natin. Kung months old lang siya, dapat mga mashed. Minsan yung mga lola or tita, dahil nga ang bata, lahat ng isinusubo, nganga ng nganga, natutuwa sila. Kaya lang merong mga pagkain na hindi pa para sa isang infant. Isa dito yung mga hard candies, marshmallows, hard nuts, o kaya mga vegetables na medyo matitigas. Minsan nagstock ‘yun sa bibig at pwedeng mabulunan ng bata. Okay lang kung maisusuka, paano kung hindi?

Pangalawa, mga laruan. Iwasan natin karaniwan ang mga toys dun sa boxes, pinakalagay kung pang-ilang edad sila dapat nilalaro. May dahilan yun, kasi yung mga small parts, may tendency yung mga batang isubo. Paano na lang kung naisubo at bumara dito sa lalamunan? Okay lang kung bumaba ulit, eh paano kung bumara dito sa kanyang higaan? So that could lead to choking.

Pangalawa, hindi lang ‘yun, pati beads isinusubo, pati coins isinusubo. Meron kaming mga kaso na pag nag-X-ray kami, andun pa yung coin sa kalagitnaan ng kanyang esophagus, kung kaya lahat ng kinakain niya isinusuka niya. Isa pang problem, yung mga inilalagay niyo sa mga bote ng soda o bote ng juice ng mga chemicals. Isa na dito kay Rosie, o kaya kung anong mga liquid detergents na ang maaaring kulay pink, kulay puti, mapagkakamalan ng batang tubig. Kaya ilayo ang lahat ng mga chemicals sa mga maaabot ng mga bata.

Isa pa, please Mommy, when you give medications, huwag ituring na candy. May instances sa mga pasyente, dahil nga nasarapan dun sa kanyang medication, kinain niya yung labing-limang tableta. Hindi lang choking ang magiging problem natin. Kung makakain niya ‘to na hindi karapat-dapat, pwede ring mag lead to poisoning.

Okay, mommies, so importante lahat ng mga bagay na kinakain at isinusubo, malinis, pangalawa may adult supervision, tama sa edad yung itsura, lambot at laki, at importante kung halimbawang ayan na nga, nagchoke na nga ang bata, presence of mind sa mommy. Kung yung pagkain o yung bagay, makikita niyo na andito lang sa labas at pwedeng tanggalin, maaari niyong gawin ang finger-sweep technique, ibig sabihin pwede niyo siyang tanggalin.

Paano kung mabulunan ang bata pero walang makita sa bibig?

Ngunit kung ang bata ay nagchoke na at wala kayong nakikita sa bibig, wag na pong itry na tusukin at pasukahin ang baby, baka lalo niyo maipush yung pagkain o yung foreign body going dun sa kanyang daanan ng paghinga, then mas mahihirapan tayo. Meron din tinatawag na Heimlich maneuver para sa malalaking bata, ito yung ginagawa natin kung saan pwede po nating palabasin sa kanyang bibig yung nalunok na niyang bagay. Ngunit kung halimbawa sa mga babies, ang ginagamit naman ay back blows.

Okay, if the cause of choking is a solid particle or a food particle or a toy that you can see in the mouth, can do the finger-sweep technique, so you just move it using your finger. Forever, if you cannot see the material that’s causing the choking, you can do the back blow technique. So support the body of the child, if you’re depending if you’re left-handed or right-handed, move him slowly, make sure that you are giving back blows that we push the air out, pushing the foreign body to come out. Again, check the shoulder blades in between that, and then you would ask somebody to call for medical help. You can do that twice, tries for the next seconds, and then check again on the baby.

Conclusion

O kaya naman dalhin sa pinakamalapit na ospital. Mommies, presence of mind, hindi pwede tayong mataranta. Yung gagawin natin in the first few minutes na nagchoke ang bata, is life-saving para sa kanya. At kaagad kung nagchoke, kung anong magagawa natin sa mga first aid na ipapakita ko later on.

Iba pang mga babasahin

Ilang beses ang normal na ihi ng bata sa isang araw

Gamot sa tigdas hangin ng bata home remedy

Gamot sa mabahong tenga ng bata : impeksyon sa tenga

Gamot sa mabahong tenga ng bata : impeksyon sa tenga

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *