October 9, 2024

Sintomas ng dehydration sa pagtatae ng bata: 9 Signs

Ang pag-uusapan natin ngayon ay kung ano yung signs ng dehydration ng isang batang nagtatae at nagsusuka. Ito yung mga batang kailangan na nilang ma-sweruhan para maiwasan natin ang komplikasyon ng dehydration. Ang dehydration ay isang seryosong kondisyon na maaaring maranasan ng mga bata kapag sila ay nagkakaroon ng madalas na pagtatae. Sa pagtatae, ang katawan ng bata ay mawawalan ng malaking halaga ng tubig at mga electrolytes tulad ng potassium at sodium na mahalaga para sa normal na pag-andar ng katawan.

Sintomas ng dehydration sa bata

Number one sintomas ay kung matamlay na si baby, kahit ilang beses pa siyang nagtae, at nakita yung matamlay na si baby, isang senyales yun.

Number two, kung umiiyak siya, wala na siyang luha. So, tignan niyo kung meron pa siyang luha, okay habang umiiyak si baby.

Number three, it’s either gusto niyang uminom o ayaw na niyang uminom ng tubig. Kung uhaw na uhaw na siya, kasi halos nadehydrated si baby, pero mas malala ang dehydration niya kung ayaw na niyang uminom ng tubig.

Next signs of dehydration is yung bilis ng tibok ng puso at kung mabilis siyang huminga. So, kung na naririnig niyo o naramdaman niyo na mabilis ang pintig ng puso ni baby, isang senyales na dehydrated na ang iyong anak.

Isa pang senyales yung lalim ng mata, so makikita niyo sa eyeball na sila, pero may mga babies kasi na natural lamang na malalim ang kanilang mga mata. Yung iba, mapupungay lang talaga, so tinatanong naman sa mga mommies kung natural lamang na malalim ang mata ni baby. Pero may mga babies talaga na halatang halata na dehydrated sila by looking at their eyes.

Isa pang check niyo sa baby ninyo is kung malalim na rin ang bunbunan, lalo na yung mga eighteen months below, dahil hindi pa close ang kanilang bunbunan. Malalaman mo kung dehydrated na si baby kung pag tinapik niyo yung kanyang bunbunan, is malalim. So, either gutom na siya, uhaw na uhaw na siya, at dehydrated na si baby.

Next is yung ihi niya. So, dapat nakakaihi si baby within forty-six hours. So, kapag matagal na siyang hindi umiihi, pag more than six hours na siyang hindi umiihi, hindi basa ang diaper niya, that’s a sign of dehydration. So, i-check niyo po kung nagtatae si baby at nagsusuka si baby, i-check niyo yung wetness ng diaper ni baby.

Kung nagtatae siya at nagsusuka at lagi namang umiihi, good sign pa din iyon. Ang next sign of dehydration is yung tinatawag naming capillary refill time, chinecheck namin yun kapag hinahawakan namin yung skin ni baby or yung dulo ng daliri ni baby.

Kapag more than two seconds ang capillary refill time ni baby, kapag sobrang tagal yung pagbabalik niya ng kulay nito sa normal, that’s a sign of dehydration. Medyo mabagal yung pagbalik ng balat niya kapag tinry mong ipull yung balat niya, and then mabagal yung balik, pero ano na yun eh, sa doctor na yun, , medyo mahirap kapag tinuro natin sa mga parents.

Conclusion

Ang babantayan niyo mommy, kapag sa bahay, kapag nagtatae or nagsusuka si baby, yung kanyang activity, kung matamlay siya, yung kanyang heartbeat, yung paghinga niya, yung sa mata, bunbunan para sa mga eighteen months and below, and yung ihi. So, kailangan within six hours, nakakaihi si baby.

Listahan ng Pedia clinic sa Tagaytay

Tagaytay Medical Center

  • Address: Maharlika West, Tagaytay City, Cavite
  • Telepono: (046) 483-5507

Ospital ng Tagaytay

  • Address: E. Aguinaldo Highway, Maharlika East, Tagaytay City, Cavite
  • Telepono: (046) 413-2849

Tagaytay Doctors Hospital

  • Address: E. Aguinaldo Highway, Silang Junction South, Tagaytay City, Cavite
  • Telepono: (046) 413-6310

Casa Marikit Clinic

  • Address: Maitim 2nd West, Tagaytay City, Cavite
  • Telepono: (046) 483-4965

Molino Doctors Hospital – Tagaytay Branch

  • Address: Brgy. San Jose, Tagaytay City, Cavite
  • Telepono: (046) 860-1795

Tagaytay City Health Office

  • Address: Tagaytay City Hall Complex, Tagaytay City, Cavite
  • Telepono: (046) 413-3535

Iba pang mga babasahin

Pabalik balik na lagnat sa gabi sa bata

Sanhi ng sore eyes sa bata : Sintomas at gamot

Mabisang gamot sa sore eyes ng bata: Importanteng malaman ito

Mabisang gamot sa masakit na lalamunan ng bata: Tonsilitis

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *