July 24, 2024

Mabisang gamot sa tonsil ng bata: Tips at Home remedy

Sa tuwing mayroong nagkakasakit sa ating pamilya, lalo na sa mga bata, hindi natin maiwasan na mag-worry, mastress, at maparanoid. Kaya mahalaga na magkaroon tayo ng kaalaman sa mga ibat-ibang karamdaman na karaniwang dumadapo sa atin, nang sa gayon ay mas maiintindihan natin ito at makakapag-isip tayo ng maayos.

Kaya naman ang ating pag-uusapan ngayon ay ang isa sa mga karaniwang sakit na nakukuha ng mga bata, ang tonsilitis. Mga sintomas nito, saan at bakit nagkakaroon ito ang mga bata, mga dapat gawin at gamot para sa tonsilitis ni baby.

Signs and symptoms ng tonsilitis sa bata

Ang normal na kulay ng ating tonsils ay pinkish. Kapag ito ay naging mapula at namamaga, ito ay tanda ng infection. Bukod sa pamumula at pamamaga ng tonsils, minsan mayroong makikita na mga white or yellow patches sa isa o parehong tonsils. Mayroong masakit na lalamunan, paos o namamalat ang boses, nahihirapan silang lumunok. Mapapansin na tumatangging kumain o uminom ng gatas ang isang bata na may tonsilitis. Mayroong paglalaway, yan ay dahil sa masakit na lalamunan kapag sila ay lumulunok. Mas nagiging iritable ang bata, may tender lymph nodes sa gilid ng leeg, o sa Tagalog tinatawag natin itong kulani. May lagnat, bad breath, minsan mayroong kasamang pananakit ng tiyan, masakit na leeg, at masakit na ulo.

Sa lahat ng karamdaman, mahalaga na malaman kung ano ang nagko-cause o kung ano ang ugat ng pagkakaroon nito, kung ito ba ay sanhi ng isang virus o bacteria. Ito ay importante dahil doon nakasalalay kung paanong approach ng treatment o gamutan ang gagawin at magiging effective.

Ang tonsilitis na sanhi ng isang virus ay maaaring gamutin sa bahay at madalas, kusang bumubuti ang pakiramdam ng batang may sakit after seven to ten days. Kapag ang tonsilitis naman ay sanhi ng isang bacteria, kailangan ng antibiotic na gamot para gumaling ang bata.

Home remedy sa pangangalaga ng batang may tonsilitis

Kung ang tonsilitis ay sanhi ng isang virus, hindi na magre-reseta ng antibiotic ang doktor ng iyong anak. Usually, gagaling at bubuti ang pakiramdam ng bata sa loob ng seven to ten days.

Antibiotics

Kung ang tonsilitis ay sanhi ng isang bacteria, ang doktor ng iyong anak ay magbibigay ng reseta at instruction kung paano ang pagpapainom, kung ilang ml, kung ilang beses sa isang araw, at kung hanggang kailan.

Warm liquids

Ang maligamgam na tubig o gatas ay makakatulong para marelax ang nananakit at dry na lalamunan ng bata.

Broth

Ang mga sabaw at soups ay makakatulong para mabawasan ang kirot sa lalamunan na nararamdaman ng bata, lalo na at ang mga may tonsilitis na bata ay hindi palakain ng solid foods. Kaya effective ang mga sabaw para makakain pa rin sila ng mga nutrients na kailangan ng kanilang katawan.

Water with honey

Ang maligamgam na tubig na may honey ay makakatulong upang mabawasan ang discomfort na nararamdaman ng bata na may sakit. Nakacoat kasi ng honey ang lalamunan, kaya naman nababawasan ang irritation and inflammation ng lalamunan ng bata. Take note lamang po na ang honey ay hindi ina-advise ibigay sa mga bata na may edad one pababa.

Ice pops

Yes, pwedeng-pwede, lalo na kung ayaw ng bata ng mainit-init o maligamgam na tubig. Makakatulong ang ice pops para maibsan ang dryness at discomfort na nararamdaman ng bata dahil sa tonsilitis. Make sure lamang po na iwasan yung masyadong matatamis o mga flavored ice pops na makakairritate lalo sa lalamunan ng bata.

Pwede ang ice cream at frozen yogurt.

Rest

More rest and sleep, yan ang kailangan ng isang may sakit, lalo na sa mga energetic na bata. Mas nabuboost ang immune system ng katawan tuwing tayo ay natutulog at mas makakapag-focus ang katawan sa paglaban sa bacteria at healing.

Maraming tubig

Painumin ng maraming tubig ang iyong anak, makakatulong ito upang mabawasan ang kirot at para mapanatiling moist ang lalamunan ng bata. Mainam rin ito para maiwasan na ma-dehydrate si baby.

Salt water gargle

Kung kaya na ng bata ang magmumog, pwede mong gawin itong pang-gargle sa kanya. Paghaluin ang kalahating kutsaritang asin at eight ounces ng maligamgam na tubig, makakatulong ito para mabawasan at mabilis na mawala ang pananakit ng kanilang lalamunan. Maaari itong ulitin every hour or as needed.

Air humidifier

Ang dry air ay nakaka-irritate ng lalamunan, kaya naman makakatulong ang air humidifier para maging cool ang hangin. Nakakatulong rin ito para mas maging komportable ang tulog at paghinga ng bata. Maraming mabibili ngayon na humidifier kahit saan, ngunit ang cool mist humidifiers ang pinaka-effective para sa bata na mayroong tonsilitis.

Mga gamot na maaaring kailanganin para sa bata na may tonsilitis

Pain relievers

Ito ang mga gamot para sa pamamaga at kirot, helpful sa bata na may tonsilitis.

Throat spray

Maraming pang-spray para sa lalamunan na pwede na sa mga bata na may edad two years old pataas, very helpful and effective para mabawasan ang kirot ng kanilang lalamunan. Kung hindi komportable ang bata, wag mo itong pilitin, subukan na lang ang ibang ways.

Nasal spray

Kung barado ang ilong ng bata na may tonsilitis, malaki ang maitutulong ng nasal spray or drops para mawala ang bakado at dryness ng ilong ni baby.

Gamot para sa lagnat at kirot dahil sa tonsilitis ng bata

Sundin lamang ang instruction ng pedia ng iyong anak kung tuwing kailan dapat inumin ang gamot para sa lagnat at sakit ng lalamunan. May mga gamot kasi na para sa lagnat na ibibigay every four hours, mayroon naman kailangan ay six to eight hours ang pagitan. Wag mahihiyang magtanong sa doktor para sa mga bata na mayroong karamdaman gaya nitong tonsilitis.

Para sa mga bata na mayroong karamdaman gaya nitong tonsilitis, masakit ang kanilang lalamunan at hirap silang lumunok, kaya naman expect mo talaga na ma-chachallenge ka sa pagpapakain at pag-aalaga sa kanila. Be patient lang po, kaya mo yan, Mommy or Daddy.

Makakatulong kung ipapaliwanag mo sa kanila kung bakit nila kailangang kainin o inumin ang mng mga ino-offer mo, at once na-realize at naintindihan nila na ito ay para sa kanila, para mawala yung sakit, para tulungan ang “soldiers” inside their body, ay susundin ka nila. At para sayo na matiyaga na nag-aalaga, wag mo rin kakalimutan na alagaan ang iyong sarili, laging maghugas ng kamay, at kumain sa tamang oras.

Iba pang mga Babasahin

Gamot sa ubo ng baby 0-6 months old: Wastong kaalaman sa lunas

Home remedy sa Sipon at maplema na ubo ng bata

Chicken pox sa bata: Ano ang gagawin?

Gamot sa lagnat ng bata : Tamang paggamit ng paracetamol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *