December 2, 2024

Mabisang gamot sa an-an sa Bata

Kung ikaw ay kabilang sa mga taong naninirahan malapit sa dagat, ang halumigmig ay siguradong kilala mo na. Kahit na tayo ay tumatambay sa mga lugar na mayroong air conditioner, tayo ay pinagpapawisan pa rin. Ang kadalasang dulot ng tag-init sa atin ay ang iba’t ibang skin infections. Ang isa sa common dito ay ang tinea versicolor o an-an.

Sa article na ito, ating pag-uusapan kung ano ang kahulugan nito, mga sintomas, treatments, at home remedies na maaari mong gawin upang gamutin ito.

Ano ang An-an o tinea versicolor sa bata

Ang tinea versicolor ay isang fungal infection na nagdudulot ng maliliit na patches ng discolored spots sa iyong balat. Ang mga taong mayroong tinea versicolor ay nagkakaroon ng white, yellow, red, pink, o kaya naman ay brown spots sa kanilang balat. Ang mga ito ay nagmula sa isang type ng yeast na natural na naninirahan sa iyong balat. Kapag ang yeast na ito ay dumami at hindi na makontrol, ito ay nagdudulot ng skin disease.

Ang tinea versicolor ay hindi nakakahawa at kadalasan, ito ay nawawala pagkatapos ng full treatment. Ang skin disease na ito ay kadalasang makikita sa balikat, likod, at upper chest.

Signs and Symptoms ng an-an o tinea versicolor sa bata

Ang acidic bleach na dulot ng dumaraming yeast ay gumagawa ng ibang kulay kumpara sa kulay ng balat ng nasa paligid nito. Ang mga ito ay maaaring maging spots o kaya naman ay patches. Ang mga specific signs at sintomas ng infection na ito ay ang mga sumusunod:

  • Patches ng white, pink, red, o brown na maaaring mas maputi o mas maitim kaysa sa natural na balat ng isang tao.
  • Mga spots na mas nagpapakita kapag ikaw ay nagpabilad sa araw.
  • Mga spots na maaaring magpakita sa kahit anong parte ng katawan, ngunit sila ay madalas na nakikita sa leeg, chest, mga kamay, at likod.
  • Mga spots na tuyo, scaly, makati at masakit, o kaya naman ay mga spots na nawawala tuwing malamig ang panahon at lumalala naman kapag ito ay mahalumigmig.

Mabisang gamot sa an an o Tinea Versicolor ng bata

Ang treatment para rito ay kinabibilangan ng mga creams, lotions, o kaya naman ay shampoos na pwede mong ilagay sa iyong balat. Mayroon ding mga medikasyon o pills. Ang type ng treatment na iyong gagawin ay depende sa laki, lokasyon, at kapal ng infected area.

Tropical Anti-fungals

Inilalagay ito ng direkta sa iyong balat. Pwede silang nasa form ng lotion, shampoo, cream, foam, o kaya naman ay sabon. Kinokontrol ng mga ito ang pagdami ng yeast sa iyong balat.

Anti-fungal Pills

Ito ay para sa mga may mas malalang kaso ng an-an. Minsan ang mga doktor ay ginagamit ito dahil ang epekto nito ay mas mabilis. Kinakailangan mo ng reseta ng doktor para sa mga ganitong gamot. May mga side effects kasi ito kung ito ay iinumin mo kaya ang iyong doktor ay babantayan ka kung ikaw ay gagamit nito.

Natural Remedies sa an-an o tinea versicolor ng bata

Kung mas gusto mong gumamit ng home remedies at natural treatments, marami kang pwedeng pagpilian na madali mong mahanap sa iyong bahay.

Aloe Vera

Ang aloe vera ay isang halaman na gusto ng nakararami dahil sa mga benefits na binibigay nito. Ang aloe vera ay kilala sa pagsuot o pagpapakalma ng iyong irritated na balat. Mayaman ito sa vitamin B12 na maganda sa paggamot ng tinea versicolor. Ito rin ay mayroong anti-inflammatory at alkalizing properties. Ang mga properties na ito ay pinipigilan ang yeast sa iyong balat na dumami.

Neem

Ang neem plant ay mayroong mapait na mga dahon na talagang maganda sa paggamot ng mga impeksyon sa balat. Ito ay mayroong anti-microbial properties kaya ito ay effective na remedy para sa an-an.

Yogurt

Ang yogurt paste ay maaaring ilagay sa affected area at nakatutulong ito sa pag-neutralize ng yeast. Ang yogurt ay mayaman sa probiotics at ito ay nakatutulong sa pagkontrol ng pagdami ng fungi sa iyong balat.

Turmeric

Ang kitchen remedy na solusyon sa halos lahat ng problema. Ang turmeric ay maaaring gamitin upang gamutin ang an-an. Maglagay ng turmeric paste sa affected area, ito ay makatutulong sa pagtanggal ng iritasyon at pangangati ng iyong balat.

Dandruff Shampoo Containing Selenium

Ilagay ang shampoo sa iyong balat habang ikaw ay naliligo. Ibabad ito ng ilang minuto bago banlawan.

Baking Soda

Ang fungi ay hindi kayang makasurvive sa alkaline environment. Ang pH ng iyong balat ay kadalasang acidic. Ang baking soda ay ginagawa itong alkaline at pinapakalma nito ang iyong balat. Ihalo ang tatlong kutsara ng baking soda sa tubig at ihalo. Ilagay ang paste na ito sa affected area ng iyong balat at iwan ito for twenty to thirty minutes. Hugasan ang mixture pagkatapos.

Apple Cider Vinegar

Ang sukang ito ay malakas at effective na gamot upang malinis ang iyong balat. Maglagay ng isang bowl ng apple cider vinegar sa iyong bath water. Pwede ka ring maglagay nito sa iyong balat sa pamamagitan ng paggamit ng cotton ball na mayroong apple cider vinegar sa mga affected areas. Ito ay nakapagpapatuyo ng balat kaya siguraduhin na sundan ito ng mga bagay na nakapagmomoisturize ng iyong balat pagkatapos maglagay nito.

Natural na gamot sa an-an ng bata

Maaari mong maiwasan ang pagkakaroon ng an-an sa pamamagitan ng pag-iiba ng mga pagkain sa iyong diet.

Fruits and Vegetables

Kumain ng maraming prutas at gulay na maraming vitamin A, C, at E, minerals, at antioxidants. Ang mga ito ay siguradong nakatutulong sa paglaban sa mga impeksyon.

Probiotic Foods

Maglagay ng probiotic food sa iyong wholesome at well-balanced na diet. Ang probiotics ay ang mga good bacteria na nakatutulong sa digestion at immunity. Ang ilan sa mga best na mga pagkain na maraming probiotics ay ang mga yogurt at fermented na pagkain gaya ng kimchi, miso, kefir, at tempe. Maaari mong itanong ang iyong doktor upang humingi ng magagandang probiotic supplements na naglalaman ng maraming good bacteria.

Iwasan ang mga Sumusunod kapag may an an ang bata

Ang mga tao na laging nagkakaroon ng an-an ay pinapayuhan na iwasan ang mga yeast-promoting na mga pagkain. Ang mga ito ay ang mga pagkain na mayaman sa carbohydrates, sugar, alcohol, suka, at peanuts.

Lifestyle Tips for Managing Tinea Versicolor

Common na ang pagkakaroon ng episodes ng an-an. Maaari kang gumamit ng medicated na panlinis dito once a week for ten minutes upang maiwasan ang pagkakaroon nito muli. Upang matulungan kang mamanage ang an-an, maaari mong gawin ang mga sumusunod:

  • Iwasan ang paggamit ng oily skin products.
  • Iwasan ang pagbibilad sa araw. Ito ay nakapagtitrigger o nakapagpapalala lamang ng episodes. Mas nakikita rin ang mga an-an kung ikaw ay mangingitim dahil sa araw.
  • Gumamit ng anti-fungal na mga shampoo ng dalawang araw bago mo gawin ang isang aktibidad na kinakailangan mong mabilad sa araw.
  • Maglagay ng sunscreen everyday. Gumamit ng hindi oily na formula at hindi bababa sa SPF 30.
  • Magsuot ng maluwag na damit at breathable na mga tela gaya ng cotton upang maiwasan ang pagpapawis.

Kailan dapat itawag o dalhin sa doktor ang bata na may an-an

Kung ikaw ay mayroong an-an, maaari kang pumili sa paraan ng paggamot dito. Ang mga over-the-counter na anti-fungal na mga gamot ay maaaring matanggal ang mga patch sa iyong balat. Ngunit kung hindi pa rin ito nawawala pagkatapos mong gawin ang mga home remedy treatment, maaaring kailangan mo na ng reseta ng doktor upang makontrol ito.

Gaano katagal bago mawala ang an-an sa bata

Ang pagsunod sa iyong doktor sa paggamit ng anti-fungal treatment na sinasamahan ng maayos na self-care ay maaaring magamot ang impeksyon, pangangati, pagkatuyo, at scaly texture ng iyong balat ng dalawang linggo. Ngunit ang discoloration o ang pagkakaroon ng ibang kulay nito ay magtatagal. Maaaring abutin ito ng anim na buwan hanggang sa isang buong taon bago mawala ang marks sa iyong balat, depende sa consistency mo sa pag-aalaga mo sa iyong balat.

Iba pang mga babasahin

Mabisang pantanggal ng kuto at lisa sa bata

Ano ang gagawin sa Pagsusuka ng bata: Dahilan, Sintomas at First aid

Gamot sa rashes sa pwet ng baby

Gamot sa Bulutong Tubig/Chicken pox sa bata: Home remedy

2 thoughts on “Mabisang gamot sa an-an sa Bata

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *