November 15, 2024

Mabisang pantanggal ng kuto at lisa sa bata

Mga mommy minsan talaga may mga bata na likas lapitin ng kuto diba. Mapapansin mo nalang na yung ulo ng bata or ng baby may mga open wounds na hindi lang isa hindi lang pulo pulo halos buong ulo niya may may sugat na. Marmi ding mga karaniwang tanong ng mga magulang tungkol sa kuto ang sasagutin natin sa article na ito. At kung ang anak mo ay laging binabalikan ng kuto mahalagan mabasa mo ang article na ito.

Bakit Nagkakaroon ng Kuto ang bata?

Ang kuto ay isang parasite na tanging tao lamang ang host. Nagkakaroon tayo ng kuto kapag nahahawa tayo sa ibang taong may kuto. Narito ang ilang paraan kung paano ito nangyayari.

  • Paggamit ng suklay, cap, headband, o towel ng taong may kuto
  • Pagdikit ng ulo sa ulo ng taong may kuto
  • Paghiga sa unan na ginamit ng taong may kuto

Halimbawa ng Gamot sa Kuto ng bata

Isa sa mga epektibong gamot sa kuto ay ang permethrin shampoo. Narito ang tamang paraan ng paggamit nito.

  1. Tiyakin na walang open wounds sa ulo: Huwag gumamit ng permittrean kung may sugat at kung may allergies.
  2. I-shampoo ang buhok: Banlawan at patuyuin bago ilagay ang permittrean shampoo.
  3. Apply Permittrean Shampoo: Shake ang bote at ibudbod ang shampoo sa buhok ng bata.
  4. Gamitin ang shower cap: Takpan ang ulo at hintayin ng 10 minuto.
  5. Banlawan ang buhok: Hugasan ang shampoo pagkatapos ng 10 minuto.

Halimbawa ng Pagtanggal ng Lisa

Ang permethrin shampoo ay nakakapuksa ng adult kuto pero hindi nito napapatay ang mga lisa. Kaya mahalagang isa-isang tanggalin ang mga lisa sa buhok upang maiwasan ang pagdami muli ng kuto. Narito ang ilang tips.

  • Gumamit ng suyod: Regular na pagsuyod ng buhok para matanggal ang mga lisa.
  • Check ang buong pamilya: Kung may isang may kuto, posibleng mahawa rin ang iba.

Paano Maiwasan ang Pagbalik ng Kuto sa bata

  1. Gamutin lahat ng may kuto sa bahay: Upang hindi magkahawaan muli.
  2. Sabihan ang mga kalaro: Kung may kuto ang mga kalaro, ipaalam sa kanila para hindi sila magkahawaan.

Mga Alternatibong Gamot sa Kuto

May mga nagsasabing epektibo ang paggamit ng gata, langis, suka, o mayonnaise. Ngunit, para masiguro ang epektibong gamutan, mas mabuting gumamit ng mga napatunayan nang gamot tulad ng permethrin shampoo.

Pagiging Kalbo at Kuto sa bata

Hindi kailangan magpakalbo ng bata upang matanggal ang kuto. Ang importante ay mapanatiling malinis ang katawan at masusing gamutin ang mga may kuto.

Pagkakaroon ng Sugat sa Anit dahil sa kuto ng bata

Kapag ang bata ay may sugat-sugat na anit dahil sa kuto, kailangang unahin muna ang gamutan ng sugat bago gumamit ng permittrean shampoo. Narito ang tamang hakbang:

  1. Gamotin ang sugat: Uminom ng antibiotics at antihistamine para sa impeksyon at kati.
  2. Linisin ang sugat: Gamitin ang antiseptic tulad ng betadine.
  3. Magpakonsulta sa doktor: Upang masigurong tama ang gamutan at maiwasan ang komplikasyon.

Pagbabanlaw ng Alcohol o Betadine

Huwag gumamit ng alcohol sa sugat dahil masakit ito at hindi ito nakakatanggal ng kuto. Ang betadine ay antiseptic lamang at hindi pamatay ng kuto.

Conclusion

Para sa tamang impormasyon at gamutan sa kuto, laging kumonsulta sa doktor. Siguraduhing sundin ang mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat at pagbabalik ng kuto.

Iba pang mga Babasahin

Ano ang gagawin sa Pagsusuka ng bata: Dahilan, Sintomas at First aid

Gamot sa rashes sa pwet ng baby

Gamot sa Bulutong Tubig/Chicken pox sa bata: Home remedy

Gamot sa masakit na lalamunan kapag lumulunok ang bata

One thought on “Mabisang pantanggal ng kuto at lisa sa bata

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *