December 29, 2024

Nahulog o nabagok ang bata, ano ang gagawin?

Ang pag-uusapan natin sa article na ito ay isa sa mga common emergencies ng mga mommies. Karaniwan itinatawag to sa pediatrician kahit dis oras ng gabi. Ano ito? Ito ang pagkahulog ni baby o ng bata sa kanilang kinalalagyan.

Mga dahilang ng pagkahulog o bagok ng baby

Maraming dahilan kaya nahuhulog si baby. Pwedeng nahulog sa kama, nahulog habang naglalaro, nahulog sa high chair, o kaya umakyat sa upuan sa table lahat bumabagsak. Syempre, ang bata kasi nga naman pagbagsak ng bata anong usually ginagawa? Sobrang lakas kung umiyak ng bata. Hindi lang yun, minsan nagsusuka, minsan the bad part is kung nawalan ng malay or worst hindi na magising o nagkumbulsyon. So di ba nakakatakot?

Kasi alam natin na pag nahulog ang bata pagkabagok ang kinakatakutan ng lahat ng mga mommies. Meron bang way to prevent it? Oo naman, mas magandang pine prevent ito kesa ginagamot. So importante, simulan natin. Saan ba usually nahuhulog ang mga babies? Karaniwan sa bed.

Ano ang dapat gawin para hindi aksidente mahulog ang baby?

Kaya ano ang suggestion namin? The baby has to sleep separately. Pag tulog na si baby, wag niyong patulugin sa dibdib o kaya sa tabi natin. Kung maaari lamang magkaroon siya ng separate na crib kung saan mas safe siyang matulog, or pwede naman sa mat, sa baba, sa floor kung iiwanan natin siyang natutulog mag-isa sa bed.

And if ang baby ay nasa high chair, stroller, or mga recliner, importante nakastrap siya properly kasi malikot ang baby pwede talagang lumusot at mahulog. Importante ding merong nagbabantay sa kanya all the time.

Ang mga toddlers natin, isa sa developmental milestone yan maglakad at umakyat sa tables, sa chairs, at sa hagdanan. Importante, kahit na sabihin pang namaster niya na ang pag-akyat at pagbaba sa chair, make sure merong adult supervision ang mga batang ito. Importante din na sa mga hagdanan, lalo na sa mga toddlers, kung ang inyong bahay ay may hagdanan, make sure meron siyang harang sa baba at sa taas. At kung ang bedroom niyo ay nasa taas, make sure yung door going out should also have harang para hindi siya maka-go through.

Ano ang dapat binabantayan once nahulog si baby?

Unang-una, pagbagsak ni baby anong oras ba yung nangyari? Saan ba nangyari? Tingnan si baby. Kamusta ba siya? Umiyak pagkatapos umiyak, ano ang nangyari? Nagsuka ba siya? Kinumbolsyon ba siya? Hindi na ba siya magising na parang tuliro at wala sa sarili?

Tingnan mo yung area na nauntog, ito ba ay namamaga, sobrang maga, malaki ang maga, may dugo, may hiwa. So all of that tingnan din natin yung ilong, may tumutulo bang clear fluid o may dugo? Sa tenga, meron din bang tumutulong na clear fluid o may dugo? Lahat yan importanteng makita natin. At kung meron pong sintomas na nasabi ko alin man doon, kinakailangan niyo na siyang dalhin sa ospital sa lalot madaling panahon.

Prevention is always better than cure.

Listahan ng Pedia clinic sa Tagaytay

Tagaytay Hospital and Medical Center

  • Address: Brgy. Silang Crossing East, Tagaytay City, Cavite
  • Contact: (046) 413-1270 to 74

Dr. Norman Callejas – Tagaytay Medical Center

  • Address: E. Aguinaldo Highway, Silang Crossing East, Tagaytay City
  • Clinic Hours: Monday, Thursday, and Sunday, 9:00 AM – 11:00 AM (by appointment)

Dr. Carmelita S. Montevirgen – Tagaytay Medical Center

  • Address: E. Aguinaldo Highway, Silang Crossing East, Tagaytay City
  • Contact: (046) 483-0300
  • Clinic Hours: By appointment

QualiMed Clinic – Tagaytay

  • Address: Fora Mall, Tagaytay City, Cavite
  • Contact: (046) 435-3512

Tagaytay Doctors Medical Center

  • Address: Tagaytay-Calamba Road, Tagaytay City
  • Contact: (046) 413-0500

Iba pang mga babasahin

Sipon at ubo ng 0-2 months old na Bata

Paano mawala ang bungang Araw sa bata : Home remedies at mga Lunas

Mabisang gamot sa Sipon at Ubo ng Bata: Paano ito mawala

Senyales na may Pneumonia ang bata : 5 Signs

One thought on “Nahulog o nabagok ang bata, ano ang gagawin?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *