October 13, 2024

Paano mawala ang bungang Araw sa bata : Home remedies at mga Lunas

Ang anak mo ba ay may bungang araw o prickly heat? Ito yung marami, mapula, at makati na makikita sa balat. Ano nga ba ang sanhi nito? Ano ang mga gamot at lunas? Bakit nagkakaroon ng bungang araw? Tara na at pag-aralan natin sa article na ito ang mga paraan para malunasan ang mga ito lalo na sa mga bata.

Ang bungang araw ay common sa mga bata ngunit nangyayari din sa adults. Common ito sa mga bata dahil ang sweat glands ay hindi pa fully developed. Ang mga butlig na ito ay mga pawis na natrap sa kanilang mga balat. Napakakati nito at talaga namang hindi komportable kapag meron ang iyong anak.

Ilan sa mga sanhi ng pagkakaroon ng bungang araw

-Kapag sobrang mainit ang iyong paligid.

-Kapag masikip ang iyong suot na damit o kaya synthetic ang tela ng iyong suot.

-Kapag matagal ang bed rest at sobrang exercise.

Usually, hindi naman kailangang dalhin sa doktor ang mga may bungang araw. May mga treatments din para dito at iba pang paraan para gumaling agad ito. Narito ang mga pwede mong gawin at gamitin.

Home remedy para sa Bungang araw ng mga bata

Calamine lotion

Ang pinaka-common na natural remedy para sa bungang araw dahil naalis nito ang pangangati. Lagyan mo din ng moisturizer ang iyong balat para hindi ito masyadong magdry.

Cold compress

Isa sa pinakamabilis na paraan para gumaling at mawala ang pangangati ay ang paglagay ng malamig sa balat o cold compress. Mababawasan ang pamumula, pangangati, at pamamaga ng bungang araw kapag ginawa mo ito. Tandaan lang na wag ilagay ang yelo directly sa balat. Gumamit ng towel or tela.

Antihistamine

May mga over-the-counter antihistamine na pwede mong mabili sa botika na walang reseta. Ito ay makakatulong upang mawala ang pangangati at pamamaga ng iyong balat sanhi ng bungang araw. Take note lang na painumin ito bago matulog dahil ang mga antihistamin ay nakakaantok. Mas rekomendado padin na magtanong sa pediatrician kung gagamitin ito sa mga bata. Mayroon kasing tamang dosage ito para sa mga bata.

Hydrocortisone cream

Makakatulong ang cream na ito para mawala ang pangangati ng bungang araw. Maaari kang maglagay nito isa hanggang dalawang beses sa isang araw.

Aloe vera

Ang gel ng aloe vera ay napakaraming benepisyo sa katawan. Isa na rito ang anti-inflammatory effect nito. Iapply lamang sa bungang araw upang maiwasan at mabawasan ang pamamaga at pamumula ng iyong bungang araw.

Baking soda

Pwede mong ihalo ang baking soda sa iyong pampaligo upang mabawasan ang pangangati ng iyong balat dahil sa bungang araw. Makakatulong din ito upang hindi na ma-irritate pa o mas lumala pa ang iyong skin rashes.

Gumamit ng electric fan or aircon

Ang mga fan at air conditioners ay dapat mo nang gamitin sa napakainit na panahon. Kaya common sa atin ang bungang araw kapag summer. Gaya ng napag-usapan natin, ang init sa kapaligiran ang number one na nagcacause nito. Kung ikaw naman ay mag eexercise sa loob ng bahay, wag ng magtipid at buksan na ang aircon o kaya electric fan.

Maligo

Para na rin mabawasan ang uncomfortable na pakiramdam ng may bungang araw, maligo ka para na rin maibsan din ang pamamaga at mabuksan ang mga pores na nagclog sa balat. Dahan-dahan lang ang pagkukuskos na gagawin kapag naligo.

Magsuot ng maluwang na damit

Kung ang suot mo ay malaki at maluwang, mas makakaikot ang hangin sa katawan at balat. Mas magiging presko sa pakiramdam. Tandaan rin na icheck kung cotton ang susuotin dahil kapag synthetic ang tela, hindi ito masyadong presko at hindi ito makakatulong sa napakainit na panahon.

Oatmeal

Ang oatmeal ay nagtataglay ng avenanthramides, isang anti-inflammatory. Makakatulong ang oatmeal para mawala ang pangangati at pamamaga ng iyong bungang araw. Bukod pa yan, maganda sa balat ang oatmeal.

Gaano tumatagal ang bungang araw sa bata?

Kadalasan nawawala ito pagkalipas ng two days kapag nabigyan ng lunas at pansin ito.

Kailan kailangang pumunta sa doktor para sa bungang araw ng bata

Kung ikaw ay isang adult, pumunta na ng doktor kung nakakaranasan mo ang mga sumusunod.

  • Kung ang bungang araw ng bata ay tumagal na ng lampas isang linggo.
  • Kapag nilalagnat na ang bata dahil sa dami ng bungang araw
  • Kapag buong katawan niya may bungang araw.
  • Kapag lumalala ang sakit ng bungang araw.
  • At kapag nagdurugo na bungang araw ng bata.

Sa mga bata padin, pumunta na agad ng doktor o dalhin sila sa doktor kapag ang bungang araw ay lagpas na ng isang linggo. Kapag may kasamang lagnat ang bungang araw, may sore throat, masakit ang katawan, at mahirap sa paghinga.

Paano maiiwasan ang bungang araw sa bata?

Ang pinaka-effective na paraan para hindi magkabungang araw ay iwasan ang mga sitwasyon na ikaw ay maiinitan at magpapawis ng todo. Pwede mo din naman gawin ang mga sumusunod:

  • Pwede kang maligo two times a day lalo na kapag summer.
  • Gumamit ng mga damit at bedsheets, kumot, at punda na gawa sa cotton. Mas makakahinga at malamig kasi ito sa balat.

Iba pang mga Babasahin

Gamot sa Bungang Araw ng bata – Sanhi, sintomas at Prevention

Mabisang gamot sa Sipon at Ubo ng Bata: Paano ito mawala

Senyales na may Pneumonia ang bata : 5 Signs

Bakuna laban sa Flu ng bata: Kailan binibigay?

2 thoughts on “Paano mawala ang bungang Araw sa bata : Home remedies at mga Lunas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *