October 12, 2024
Flu

Bakuna laban sa Flu ng bata: Kailan binibigay?

Marami sa mga mommies natin ay gusto ding malaman kung kailan nga ba binibigyan ng flu vaccines ang mga bata. Lalo na sa panahon ngayon na malapit na naman ang tag ulan ay madaling magkaroon ng sakit ang mga bata. Ang pagkakaroon ng protection para sa Flu ay mahalaga.

Pag-usapan natin sa article na ito din kung ilang beses ito binibigay o pwede ba siyang isabay sa bakuna ng pulmonya?

Ano ba ang sakit na Flu sa bata at ano ang Flu vaccine?

Ang flu vaccine ay bakuna na panlaban sa sakit na flu. Ang mga sintomas nito ay ubo, sipon, lagnat, pananakit ng lalamunan at kasukasuan. Sa bata, dahil hindi nila nasasabi ang nararamdaman nila, maaaring ubo, sipon, at lagnat lang ang maaari nating makitang sintomas.

Ang komplikadong flu ay pwedeng magdulot ng pulmonya o yung infection sa baga. Kapag si baby ay may flu infection, pinapababa nito ang immune system at nagdudulot ng iba pang infection gaya ng bacterial pneumonia o iba pang co-infection gaya ng virus. Dito pumapasok kung bakit mahalaga ang flu vaccine, panlaban sa nakakahawang sakit na COVID.

Ilang taong pwedeng mabakunahan ng flu vaccine si baby?

At six months of age, pwede nang mabakunahan si baby ng flu vaccine. Children six months to eight years old receiving influenza vaccine for the first time should receive two doses separated by four weeks.

In layman’s terms, nangangailangan ng dalawang dose ang mga batang anim na buwan hanggang eight years old ng flu vaccine. Ibibigay ang pangalawang dose pagkatapos ng apat na linggo o isang buwan. Pagkatapos ng dalawang dose ng flu vaccine, nirerekomenda na magpabakuna taon-taon, preferably between February hanggang October.

Bakit kailangang once a year may bakuna laban sa Flu ang bata

Ang influenza virus ay may kakayahang magpalit-palit ng strain every year dahil ito sa taglay niyang kakayahang mag-mutate. At oo, taon-taon ito nangyayari.

Pwede ba itong isabay sa ibang bakuna gaya ng PCV o yung pangpulmonyang bakuna?

Pwede. Ang pagbakuna ng flu vaccine at PCV na magkasabay sa iisang araw ay ligtas ayon sa CDC. Ngunit, kung nabakunahan si baby ng flu vaccine sa araw na ito at nakaligtaan na magpabakuna ng PCV, kinakailangang maghintay ng seven days para mabakunahan ng PCV ulit, at vice versa.

Ano ang side effects ng flu vaccine?

Katulad ng ibang bakuna, ang pinaka-common na side effects ng flu vaccine ay pain, kasama niya ng ibang sintomas katulad ng pamamaga, pamumula ng injection site, at lagnat.

Ang ilang bata ay maaaring makaramdam ng panlalamig ng kalamnan at pagkapagod samantalang sa bakunadong lugar ay maaaring magkaroon ng bahagyang sakit, pamumula, at pamamaga sa lugar ng iniksyon.

Ang malubhang side effects ay bihira. Sa napakabihirang pagkakataon, maaaring magkaroon ng allergic reaction (anaphylaxis), kaya’t kadalasang minomonitor ang mga bata ng ilang minuto pagkatapos mabakunahan. Ang mga benepisyo ng pagbabakuna sa pagpigil ng malubhang flu ay higit na mas mahalaga kaysa sa mga bihirang risks na ito.

Anong buwan dapat nagpapabakuna ng flu vaccine?

The best time to have a flu shot is between February to October. Ito kasi yung time na hindi pa nakakapag-mutate ang virus. So sa mga hindi pa nakakapag flu vaccine, kung hindi pa October ngayon, pwede pang humabol.

Marami nang nasasagip na buhay ang bakuna, hindi lang ang para sa flu kundi sa ibang sakit din. Nawa’y maging open-minded tayo sa mga opportunity na makakatulong naman sa atin.

Listahan ng Pediatrician clinic sa Quiapo

Dr. Amando Sabado

  • Address: 1558 Quezon Blvd, Quiapo, Manila
  • Phone: (02) 733-8558

Health Wise – Quiapo

  • Address: 938 Arlegui Street Corner Aguila Street, Quiapo, Manila
  • Phone: (02) 523-8900

Wellpoint Medical Clinic and Diagnostic Center

  • Address: Paterno St, Quiapo, Manila
  • Phone: (02) 736-7000

Dr. Ruby Acosta Clinic

  • Address: 857 Paterno St, Quiapo, Manila
  • Phone: (02) 734-3380

Quiapo Doctor’s Clinic

  • Address: 1575 Quezon Blvd, Quiapo, Manila
  • Phone: (02) 735-0800

Mercy Clinic and Diagnostic Center

  • Address: 1452 Quezon Blvd, Quiapo, Manila
  • Phone: (02) 734-2246

Doctor’s Clinic

  • Address: 1555 Quezon Blvd, Quiapo, Manila
  • Phone: (02) 733-6552

Iba pang mga babasahin

Paano malalaman kung Pulmonya ang sakit ni Baby

Bahing ng bahing si Baby 0-3 months old: Normal lang ba ito?

Pwede bang pagsabayin ang 2 Vitamins sa Baby?

Hirap tumae ang Baby : Mga gagawin kapag constipated

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *