November 21, 2024

Ano ang gagawin sa Pagsusuka ng bata: Dahilan, Sintomas at First aid

Ngayon ay ating pag-uusapan ang tungkol sa pagsusuka sa baby o bata. Ano-ano nga ba ang mga posibleng dahilan kung bakit sila nagsusuka at kung ano ang dapat nating gawin? Throwing up is no fun for kids, pati na rin syempre sa mga mommys at daddys. Narito ang mga dapat gawin kapag nagsusuka ang baby o bata.

Kapag may pagsusuka, lalo na pag may kasama itong diarrhea, maraming fluids ang nawawala sa kanilang katawan. Dapat bantayan at iwasan na ma-dehydrate ang baby o bata dahil ito ay lubhang delikado.

Mga sintomas ng dehydration

  • Pagkatamlay
  • Dry lips and mouth
  • Hindi umiihi o kaya darker yellow ang kulay ng ihi
  • Kaunti lang ang luha kapag umiiyak
  • Lubog na mga mata

Para maiwasan na ma-dehydrate sila, napaka-importante na mapalitan agad ang fluid loss as soon as possible. I-encourage silang uminom ng kaunting tubig maya’t maya. Pwedeng magbigay ng ice chips, tubig, o oral rehydration na mabibili sa botika gaya ng Infalite or Pedialyte.

Pagkatapos nilang sumuka, start with a small amount. Halimbawa, dalawang kutsara every ten minutes ang ibibigay mo. Pagkatapos, kapag nakayanan nila, maaari mo na itong unti-unting dagdagan.

Para sa mga newborn to one year old babies, wag na wag bibigyan ng tubig ang baby unless ito ay sinabi ng iyong doktor at may specific amount na ibinigay. Ang tubig kasi ay maaaring makasira sa balanse ng nutrients sa mga babies.

Kapag ang iyong baby ay three months old pa lamang at sumuka tuwing pinapadede mo ito, tumawag o kaya dalhin agad sila sa kanilang doktor.

Kapag ang iyong baby ay exclusively breastfeeding at sumuka, hindi lang niluwa ni baby ha, yung tipong lahat ng dinede niya ay sinuka or inilabas niya, maaari mong gawin ay mag-breastfeed ka ng mas maiksing oras, about five to ten minutes at a time every two hours. Pagkatapos ay maaari mo na itong dagdagan unti-unti kapag nakakaya niya ng dumede ng hindi nasusuka. Kapag sumusuka pa rin si baby, tumawag o dalhin na agad siya sa kanyang doktor.

Liquid diet para sa mga bata na nakakakain na

After ilang oras pagkatapos sumuka, pwede mong simulan na bigyan sila ng clear liquid diet. Bukod sa tubig at electrolyte drinks, mas madali kasi ito madigest at nakakapagbigay ng nutrients at energy sa bata. Pwede mong subukang bigyan ng cranberry juice, apple juice, popsicles, at jelly ace ay pwede rin.

Acupressure

Ang technique na ito ay effective at ginagamit matagal na ng ilan. Ito yung paglalagay ng pressure o diin sa isang bahagi ng katawan. Kung nais mo itong subukan sa isang nahihilo at naduduwal na bata, gamitin ang middle at index fingers para pisilin ang space sa pagitan ng dalawang malalaking litid sa loob ng wrist.

Dalhin agad sa doktor si baby o bata kapag makita ang ilan sa mga sumusunod

  • Kapag si baby ay twelve weeks old pababa lamang at sumuka ng higit sa isang beses
  • Kapag may sintomas ng dehydration
  • Kapag sa tingin mo ang dahilan ng pagsusuka ay dahil nakainom sila ng isang chemical
  • May bahid ng blood sa suka o dumi
  • Hirap gisingin
  • Matamlay more than eight hours ng sumusuka
  • May lagnat
  • Rashes
  • Masakit na tiyan at stiff neck

Maraming posibleng dahilan ang pagsusuka sa baby o bata. Ang kaalaman tungkol sa mga posibleng dahilan nito ay makakatulong para mas madali

mong malaman ang cause ng pagkakaroon ng upset stomach ng iyong anak at nang sa gayon ay mabigyan ng treatment na kailangan niya.

Posibleng dahilan ng pagsusuka ng bata

Stomach flu

Ito ang isa sa madalas na dahilan ng pagsusuka sa mga baby o bata. Ang stomach flu ay isang infection sa digestive tract, kilala din ito sa tawag na gastroenteritis. Madalas, sanhi ng pagkakaroon nito ay ang common viruses na naeencounter natin everyday. Maaari din itong makuha sa bacteria gaya ng E. coli at Salmonella. Bukod sa pagsusuka, may kasama din itong pagkahilo, masakit na tiyan, at diarrhea. Ang stomach flu usually ay hindi naman nagtatagal o hindi ganun kadelikado kapag nabigyan ng tamang gamot at naagapan. Para sa mga babies o infants na hindi masyadong nakakakuha ng maraming fluids, delikado ito sa kanila kaya mahalaga ang pagpapacheck up sa kanilang pediatrician para mabigyan ng tamang management at maiwasan ang dehydration at ibang malalang complications dulot nito.

Motion sickness

Kapag ang utak ng iyong anak ay nakakakuha ng magkahalong mga senyales tungkol sa kung paano sila gumagalaw, maaari silang makaramdam ng pagkahilo at masusuka na sila. For example, may ilang bata na nahihilo kapag nanonood ng movie. Yan ay dahil nakakakita sila ng motion o movement pero hindi naman nila nararamdaman na sila ay gumagalaw. Car sickness ay common din sa mga bata na masyadong maliit para makita ang bintana sa sasakyan. Ang motion sickness usually ay nagsisimula sa pagkakaroon ng masakit na tiyan. Ang ilang bata ay pinagpapawisan, nawawalan ng ganang kumain, at eventually magsisimula na silang magsuka. Alam mo ba na ito ay namamana? Ibig sabihin, mataas ang chance na magkaroon nito ang isang bata kapag isa sa kanyang magulang ay mayroon din nito.

Allergy sa pagkain

Minsan ang pagsusuka ay senyales na allergic ang isang baby o bata sa kanyang nakain. Ang pagsusuka ay maaaring may kasamang malalaking pantal, pag-ubo ng paulit-ulit, wheezing, hirap sa paglunok at nahihirapang huminga. Sinasabi na nine out of ten allergic reactions ay nalilink sa mga sumusunod na pagkain: peanut butter, nuts, isda, itlog, gatas, wheat, at soy.

Concussion

Kids hit their heads a lot. Hindi ito mawawala, talaga namang napakaliksi at active na mga babies at bata lalo na kapag nag-aaral pa lang silang maglakad o kaya pag naglalaro sila ng sports. Tandaan lamang na sa tuwing magkakaroon sila ng head injury, importante na obserbahan mo sila sa mga sintomas ng concussion o yung tawag sa atin ay nabagok. Kasama sa mga sintomas ng concussion ay pagsusuka, pagkawala ng malay, masakit na ulo, lumabong paningin, nahihirapang maglakad, pagkalito, hirap magsalita, at mahirap gisingin. Maaaring lumabas ang mga ito twenty-four to seventy-two hours after head injury. Agad na magtungo sa ospital kapag nakitaan sila ng alin man sa mga sintomas nito at kapag sumuka matapos magkaroon ng head injury ang isang bata o baby.

Problema sa intestine

Sa mga newborn babies, mahirap malaman kung sila ba ay sumuka o kaya niluwa lang ang gatas. Nandiyan ang doktor ng baby para matulungan ka kung alin sa dalawa ang nangyayari. Ngunit para magkaroon ka ng idea, ang pagsusuka usually ay may force o pwersa kumpara sa pagluwa o pag-spit up lang. Bihira lamang ang pagsusuka sa mga babies at madalas kapag mayroon ito, ito ay senyales ng blockage sa intestines o kaya maaari din ito dahil sa pagkakaroon ng makipot na stomach ni baby. Parehong mapanganib ang dalawang ito kaya dapat agad sabihin at dalhin si baby sa kanyang doktor.

Migraines

Yes, nagkakaroon din sila ng migraines. Posibleng mangyari ito sa mga bata as young as eighteen months old. Nagbibigay ito ng labis na headache dahilan para sila ay sumuka. Hindi pa maliwanag sa mga eksperto kung ano nga ba ang dahilan ng migraine sa mga bata. Pwedeng dahil ito sa bagay na madalas na nasa paligid nila o kaya genetic o yung namamana. Kapag ang iyong anak ay may pagsusuka, may lagnat, at sakit ng ulo, dalhin sila agad sa kanilang doktor.

May iniinom na gamot

Kung may iniinom na gamot ang iyong anak at walang laman ang kanyang tiyan, maaari itong maging sanhi ng pagsusuka. Minsan ang pagsusuka ay senyales din na too much na ang nabibigay mong gamot sa baby o sa bata.

Stress

Totoo yan. Ang ilang bata ay sumusuka kapag sila ay stressed. Maaaring ito ay dahil mayroon silang sakit na nararamdaman o kaya umiyak sila ng sobra-sobra. A good way to tell kung ang pagsusuka ng bata ay dahil sa stress ay kung nagsuka sila ng isa o dalawang beses lang at kapag wala namang kasamang ibang sintomas gaya ng diarrhea o stomach pain.

Iba pang mga babasahin

Gamot sa rashes sa pwet ng baby

Gamot sa Bulutong Tubig/Chicken pox sa bata: Home remedy

Gamot sa masakit na lalamunan kapag lumulunok ang bata

Nahulog o nabagok ang bata, ano ang gagawin?

One thought on “Ano ang gagawin sa Pagsusuka ng bata: Dahilan, Sintomas at First aid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *