December 27, 2024

Gamot sa mabahong tenga ng bata : impeksyon sa tenga

Ano itong impeksyon sa tenga? Alamin natin ang mga sanhi, mga sintomas, at gamot para dito. Ang impeksyon sa tenga ay nangyayari kapag ang bacteria o virus ay nakapasok at nakakapinsala sa middle ear, sa gitnang bahagi ng tenga, sa likod mismo ng ear drum. Ang impeksyong ito ay talagang masakit dahil sa pamamaga ng tenga na dala nito, kasama na ang pagkakaipon ng fluid sa gitnang bahagi ng tenga.

Mga klase ng impeksyon sa tenga ng bata

May dalawang uri ng impeksyon sa tenga: una ay ang acute ear infection, ang tawag sa impeksyon kung ito ay napakasakit subalit hindi lang nagtatagal; chronic air infection naman kung ito ay hindi agarang nawawala o kaya ay pabalik-balik lamang. Ang chronic ear infection ay maaaring mauwi sa permanenteng pagkasira sa middle ear, na dahilan ng pagkabingi.

Narito ang sanhi ng impeksyon sa tenga ng bata

Ang impeksyon sa tenga ay nangyayari kapag ang isa sa mga Eustachian tube ng tenga mo ay mamamaga o mabarahan, na dahilan para maipon ang fluid sa gitnang bahagi ng iyong tenga. Ang mga tubong ito ay siyang kumukonekta sa tenga at sa likod na bahagi ng iyong lalamunan. Ang mga dahilan ng pagbabarang ito ay ang mga sumusunod.

  1. Mga allergy sa sipon
  2. Impeksyon sa sinus, dala ng sobrang plema
  3. Paninigarilyo
  4. Pamamaga ng tonsil
  5. Pagbabago ng pressure, sa hanging change in air pressure

Narito naman ang mga sintomas ng impeksyon sa tenga ng bata

Una ang pamamaga ng tenga, bahagi ang pananakit na nararamdaman sa loob ng tenga, pagiging matamlay kung sanggol ang pasyente, paglabas ng nanang tubig galing sa tenga, pressure sa tenga na hindi naalis, pagkabingi.

Ang mga sintomas na ito ay maaaring mawala at magbalik. Ang mga sintomas ng pamamaga ng tenga ay pwedeng maranasan sa isa o dalawang tenga. Ang pananakit ay mas malala kung dalawang tenga ang may impeksyon. Ang mga sintomas naman ng chronic air infection ay maaaring hindi gaanong halata kumpara sa acute air infection.

Ang mga sanggol na anim na buwan kulang pababa na may lagnat o impeksyon sa tenga ay dapat na ipatingin sa doktor. Kumunsulta agad sa doktor kung ang iyong anak ay may lagnat na mas mataas sa one hundred two degrees pa rin height o kung ang pananakit ay napakalala.

Bakit mabaho ang impeksyon sa tenga ng bata?

Ang impeksyon sa tenga, partikular na ang otitis media o otitis externa, ay maaaring magdulot ng mabahong amoy dahil sa pagdami ng mga bacteria o fungi sa loob ng tenga. Kapag may impeksyon, ang immune system ng katawan ay nagre-react upang labanan ang mga pathogens, at nagreresulta ito sa pamamaga at produksyon ng nana o pus.

Ang nana ay binubuo ng mga patay na selula, bacteria, at iba pang debris. Ang kombinasyon ng mga ito, lalo na ang mga by-products ng bacterial metabolism, ay maaaring maglabas ng hindi kaaya-ayang amoy. Ang trapped moisture at warm environment sa loob ng tenga ay nagiging perpektong lugar para sa paglaki ng mga microorganisms na nagiging sanhi ng impeksyon at mabahong amoy.

Narito naman ang gamot sa impeksyon sa tenga ng bata

Karamihan sa mga hindi naman malalang kaso ng impeksyon sa tenga ay kusa na lamang na gumagaling kahit walang gamutan. Pero may magagawa ka para mabawasan ang pahirap na dala ng mga sintomas ng impeksyon. Narito ang ilan sa mga ito.

  • Pagpahid ng kapirasong tela na isinasawsaw sa mainit na tubig, alisin ang sobrang tubig bago ipunas sa namamagang tenga.
  • Pag-inom ng mga pain reliever.
  • Ang paggamit ng over-the-counter o iniresetang eardrops.

Paalala lang na kapag hindi gumagaling ang iyong impeksyon sa tenga o pananakit nito sa mga gamot na nabanggit, mas mabuti na magpakonsulta sa doktor para mabigyan ng tamang gamot at eardrops.

Iba pang mga babasahin

Gamot sa masakit na tenga ng bata : Otitis externa

Gamot sa nana sa tenga ng bata: Masakit na impeksyon

Gamot sa luga sa tenga at Home remedy

Mabisang gamot sa pulmonya ng bata para hindi na lumala pa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *