July 25, 2024

Gamot sa luga sa tenga at Home remedy

Pag-uusapan natin ang mga dahilan ng impeksyon sa tainga, lalo na ang pananakit ng tenga o luga. Ang luga ay karaniwang sanhi ng pagiging iritable ng bata o sanggol, ngunit maaari ring makaapekto sa mga matatanda. Kadalasan po talaga ito ay nakikita sa mga bata.

Ano nga ba ang sanhi ng luga sa tenga ng bata?

Ang impeksyon sa gitnang bahagi ng tainga, o ang espasyo sa likod ng eardrums kung saan ang mga maliliit na buto ay sumasagap ng mga vibration at inihahatid sa loob ng tenga, ay kadalasang kasama ng sipon, trangkaso, at iba pang impeksyon sa respiratory system. Kaya asahan po natin na kapag ang bata ay palaging may sipon at ubo, at may plema, kadalasang magkakaroon ng luga sa tenga.

Ito ay dahil ang gitnang bahagi ng tenga, o ang middle ear, ay konektado sa itaas ng bahagi ng respiratory tract sa pamamagitan ng isang maliit na daanan na tinatawag na Eustachian tube. Ang mga mikrobyo na nabubuhay sa ilong at sinus ay maaaring umakyat sa tubong ito at makapasok sa middle ear, at lalo pang dumami.

Maliban sa regular na check-up, kailangan po nating makita palagi kung sila ay laging may problema sa ubo, sipon, at respiratory problem. Kailangan gamutin na po talaga natin yan kung yan ba ay dahilan ng mga virus at bacteria. Minsan kailangan lang na mailabas ang mga plemang yan at kailangan matanggal talaga yan diyan. Hindi po pwedeng manatili dahil kung hindi, pagdadami ang bacteria na magiging dahilan ng luga.

Alam niyo ba na kung gaano kadalas magkaroon ng luga ang isang bata, ganun din dito sa mga matatanda? Kaya’t meron tayong tamang pag-aalaga at uri ng pag-aalaga sa ating tainga. Kailangan lamang na maiwasan ang mga sitwasyon na nagdudulot ng luga, tulad ng pagpapasok ng tubig sa tainga.

Home remedy para sa luga sa tenga ng bata

-ituloy ang breastfeeding sa mga 6 months old below

-mga fruit juice o natural syrup

-palakasin ang immune system

-pag-ingat sa pagpapadede kung bottle fed

-hot and cold compress

-steam inhalation

-mainit na suka sa cotton buds

Dahil sa wala pang sapat na panlaban ang mga bata sa bacteria kapag pumapasok ito sa tenga, at dahil ang development ng immune system ay talaga namang mas mahina pa sa mga bata, kailangan talaga ng supplement dito.

Para sa mga mommies na nagbe-breastfeed, tuloy-tuloy lamang po ang pagpapainom dahil ang breastfeeding ay nakatutulong talaga malabanan ang anumang impeksyon sa kanilang katawan at maraming sakit ang maaaring maiwasan kapag sila ay breastfeeding.

Kapag may mga sakit sa lalamunan, barado ang ilong, kailangan mas tugunan yan. Napakasimple lamang ano po ba ang pwedeng gawin? Natural na syrup, lalo na sa mga batang may problema na ng ganito.

Ang ating gamutan ay nasa loob at labas. Palalakasin natin ang immune system, at may mga gamot sa sipon, plema, at ubo na napaka-natural. Nandiyan ang oregano, malunggay, ampalaya, at iba pa. Ano-ano ba ang edad ng inyong mga anak? Makatutulong yan para mailabas nila ang plema.

Kapag nanatili ang plema sa sipon o ubo, magdudulot ito ng pagdami ng bacteria. Kailangan lamang na iwasan, maingatan na hindi mapasukan ng luha kung ang bata ay bottle-fed.

Minsan, salpak na lang tayo ng salpak ng dede, padede tayo ng padede, lalo na kung medyo malaki ang butas ng nipple. Hindi natin napapansin na pumupunta sa tainga ang luha, at kapag nalagyan na ng tubig yan, magkakaroon na ng luga ang inyong mga anak.

Kailangan, lalagyan po yan ng towel sa tenga kung sila ay nangungupad o mas maganda para pigahin niyo yung bata ninyo o baby ninyo bago niyo padedehin. Sa gabi naman, kailangan gising talaga, huwag padedehin ang inyong mga anak kung bottle-fed din sila ng hindi natin hawak ang bote.

Dahil ang tainga ay hindi dapat magkaroon ng infection, napakaimportante na hindi magkaroon ng impeksyon ang tenga dahil gamit natin sa pandinig, lalo na sa ating mga anak. Kapag ito ay dulot ng virus, kailangan ang pagpapainom ng mga natural na panlaban sa virus. Ang tanging panlaban sa anumang problema sa virus ay ang immune system, kaya kailangan palakasin ang immune system ng inyong mga anak sa simula pa lamang.

Kung nakakaranas na sila ng sakit sa tenga o may luga, kung paano ba ang gagawin dahil may mga maiinom naman yan, may mabibili tayo na makatutulong para maibsan ang sakit. May hot and cold compress, pwedeng pwede yan.

Towel na medyo mainit-init ay ilalagay dun sa tenga, o pwede yung olive oil na hinihit ng konti at ipapatak sa tenga, then hihiga lamang ng bata. Ang gilid, pwedeng pwede para lumabas yung luga ng natural.

At also, steam inhalation at marami po tayong mga juices, tulad ng kalamansi, sibuyas with bawang. Pwede yang ipaghalo, then ipainom sa bata, depende po kung ilang taon. Iyan ay natural na antibiotics na hindi kayo magkakaroon ng anumang complication dahil natural yan.

At also yung cotton, lalagyan mo lang ng konting ininit na suka, okay then yun ang ilalagay sa labas ng tenga o sa medyo sa loob, makatutulong yan. Napakarami pong pwede nating gawin para sa magkakaroon ng luga para hindi magkaroon ng infection. Kung may lagnat, gamutin, kung may sipon, gamutin para hindi magdulot ng problema sa mga bata o matatanda.

Pag lalagyan ng tubig, tatayo lamang ng straight then igaganyan po yung tenga para pwedeng ma-drain yung tubig na hindi magkaroon ng problema sa tenga, o pwedeng isara niyo yung kabilang tenga, mamaya lalabas po yung tubig na yan.

Kung merong sobrang pamamaga at talagang masakit itouch ang parte ng tainga ng inyong anak, wag pong hahawakan kundi paiinumin po natin sila ng natural na antibiotics.

Para sa pagkakaroon ng sakit sa tenga, wala pa silang problema sa tainga, wag po silang pagbibigyan ng pacifier at kung may polmonia, trangkaso, o sipon, kailangan gamutin agad para maiwasan ang luga.

At kung may naninigarilyo sa paligid, pakiusap na lumayo muna dahil kailangan ng mga bata ng fresh air lalo na kung may ganiyang karamdaman.

Paano maiwasan ang luga sa 2 – 7 years old na bata?

Para sa mga dalawang taong gulang hanggang pitong taong gulang na inyong mga anak, para hindi tayo laging nagkakaroon ng problema sa kanila, kailangan niyo pong painumin sila ng supplement palagi at pakakainin ng masustansya. Ang Yummy Meat syrup ay may natural na anti-virus, nandiyan ang Vitamin A na proven para makaiwas sa anumang infection ang inyong mga anak.

Para sa dalawang taong gulang, 2.5 ml once a day every morning, at para sa pitong taong gulang hanggang labing limang taong gulang, 5 ml once a day every morning.

At lagi po natin silang pakakainin ng mga citrus fruits, tulad ng kalamansi, para maging malakas ang immune system ng inyong mga anak.

Iba pang mga babasahin

Mabisang gamot sa pulmonya ng bata para hindi na lumala pa

Gamot sa ubo ng bata na walang reseta

Antibiotic para sa Beke ng bata – Kailangan ba talaga?

Ilang araw tumatagal ang beke ng bata: Sanhi at Gamot

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *