January 24, 2025
Flu

Ano gagawin sa mataas na lagnat ng bata : Sintomas, gamot at Tips para gumaling agad

Naglalagnat tayo dahil nilalabanan ng impeksyon tulad ng bacteria at virus. Pinapadami ng katawan ang white blood cell, ito yung sundalo ng katawan panglaban dito sa bacteria at virus. Agad na papataasin ang ating temperature para tayo ay gumaling at proteksyon sa ating katawan. Pag-aralan natin sa article na ito ang mga sintomas ng mataas na lagnat at tips na pwedeng gawin ng mommies para maagapan ang anumang kumplikasyon na dulot nito.

Mga Sintomas na kasama ng lagnat na mataas

May mga sintomas na kasama kapag tayo ay nilalagnat. Maaaring may sipon, masakit ang lalamunan, masakit ang kasukasuan, masakit ang muscle, yung mata natin parang mahapdi din. Meron ding mga singaw sa bibig, nagtatae, nagsusuka, mabilis ang heart rate o ang tibok ng puso, pati na ang paghinga, medyo hilo, nangangaligkig o yung tinatawag na nagchichills, maputla, nagpapawis, tsaka parang pagod at mahina ang katawan.

Ano ba ang Normal na Temperature?

Ang normal ay thirty six hanggang thirty seven point two. Meron na tayong sinat kapag thirty seven point three hanggang thirty eight point three. May lagnat na kapag higit sa thirty eight point four hanggang thirty nine point seven, at napakataas na ho kapag umabot na sa kwarenta ang lagnat ng isang tao. So kailangan na ho talagang magpatingin sa doktor kapag ganun.

Bakit ba Nagkakaroon ng Paglalagnat?

Dahil nga sa impeksyon dulot ng virus at bacteria. May impeksyon sa ilong, merong impeksyon sa lungs o nagpupulmonya, nahihirapang umihi, may UTI, masakit ang lalamunan baka namamaga ang tonsils. Yung iba naman kaya medyo nagsisinat eh bagong galing sa bakuna. Marami pa hong mga iba’t ibang dahilan o mga sakit bakit naglalagnat ang isang tao. Pwedeng nagka-chickenpox, pwede ring nagkaroon ng measles at iba pang mga impeksyon, pulmonya, at minsan kahit pigsa nagkakaroon din tayo ng mga paglalagnat. Tsaka yung sa mga may edad nga itong mga sexually transmitted diseases kasi nilalabanan nga.

Ano ang Home remedy pwede gawin sa lagnat ng bata sa bahay

Una sa lahat, siguraduhin na nakakainom ng sapat na tubig. Bukod sa tubig, pwede rin ang mga tsaa tulad ng chamomile. Kapag tumataas ang temperature, pwede ho tayong maglagay ng bimpo o labakara dito sa may noo, dun sa may leeg, sa may kili-kili, dun sa may bandang paa, sa may ala-alakan.

Pwede ding umabsent sa eskwelahan ang bata para sa sapat na rest. Kailangan ng pahinga at maraming tulog para gumaling agad. Pwedeng mabilis at maligamgam na pagliligo kung talagang gusto para maginhawaan yung katawan. Tapos, yung kwarto ng bata kailangan medyo malamig.

Kasama na rin yung suot ng bata, kailangan medyo manipis lang ang kanyang damit. Wag nang pasuotin ng pagkakakapal ng mga damit dahil lalo lamang tataas ang kanilang temperature. Pwedeng painumin ng gamot tulad ng paracetamol. Wag na wag niyong bibigyan ng aspirin kasi hindi pa natin alam ang sakit. Paracetamol lang ang safe lalo na sa bata.

Yung inyong kwarto mas maganda bukas ang bintana o kaya mag-electric fan o kaya ay mag-aircon kung meron. Wag ho muna tayong makihalubilo sa mga kasama sa bahay o kaya ay lalabas ng bahay. Mag-mask at maghugas ng kamay palagi.

Kailan Tayo Pupunta sa Doktor?

Kapag sobrang taas na ang lagnat sa loob ng forty-eight hours o kaya isang linggo na balik-balik. Napakasakit ng lalamunan, napakasakit ng ulo, o kaya nga minsan di mo maibend dun sa may leeg. Ingat na tayo pag ganun.

Syempre kung ang sanggol ay laging nilalagnat, ipatingin sa pediatrician. Yung mga bata kapag panay ang pull o hawak dun sa kanilang tenga, kailangan dalhin sa ENT baka may middle ear infection. Tapos yung mga tao na nakakapa nyo, mga malalaking lymph nodes o kulani, kailangang dalhin sa doktor.

Ito ho yung mga plemang yellow, green o kaya mapula na baka kailangan ng antibiotics, kailangan silang makita din ng doktor. Yunng mga nagtatae at suka ng suka, kailangan dinng makita ng doktor, o kaya yung masakit umihi.

Yan hyung mga dahilan kaya kailangan nating pumunta sa doktor lalo na kung nagkaroon ng rashes o yung mga patchy-patchy sa balat, may nana sa balat, may sugat. Lahat yan kailangang dalhin sa doktor para maresetahan kayo ng tamang gamot kasama na yung antibiotics.

Iba pang mga babasahin

Mabisang gamot sa an-an sa Bata

Mabisang pantanggal ng kuto at lisa sa bata

Ano ang gagawin sa Pagsusuka ng bata: Dahilan, Sintomas at First aid

Gamot sa rashes sa pwet ng baby

One thought on “Ano gagawin sa mataas na lagnat ng bata : Sintomas, gamot at Tips para gumaling agad

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *