Masakit ba ang tenga ng anak niyo, tapos pati panga niya masakit na? Merong tinatawag na sakit na otitis externa, ito yung sumasakit yung butas ng tenga niya. Makikita niyo may pamamaga, tapos kapag hinawakan niyo dito sa may tenga niya, masakit yan o kaya dito sa ilalim, tapos yung pain pumupunta hanggang dito sa kaniyang panga. Kung saan parehong kung saang tenga, dun din sa panga na yon sasakit yung kanyang panga, tapos parang may lumalabas dun sa tenga niya, mamasa-masa may lumalabas.
Sintomas ng otitis media o masakit na tenga ng bata
Magkakasama yun, makati din, may discharge ang tawag dun, tapos kapag hinawakan niyo itong itaas ng tenga niya, eh medyo masakit.
Pano ba nasasabi na may pamamaga dun sa butas ng tenga?
Ito ay dahil sa impeksyon o bacteria. May tinatawag na acute, sa loob ng anim na linggo, pero kapag tatlong buwan na ang nakakalipas, at chronic na ang ibig sabihin nun. So makikita niyo parang maga yung doon sa loob ng tenga, masakit, makati, tsaka parang may nakabara dun. Pwedeng may naririnig kayo o pwedeng wala, pero ang nakikita nga, sumasakit na rin dun sa same side kung saan masakit yung tenga, masakit na rin yung panga.
Lalo na kapag hinahawakan ninyo, minsan naglalagnat na rin. Ito pa yung kung merong mga nararamdaman sa tenga, bukod dun sa masakit, sa loob, sa labas, makati, pati yung labas ng ating tenga, mapapansin niyo namumula na rin, tapos pag sinilip niyo yung bilog dun, yung butas, minsan nagsasara na yan, may lumalabas na puti, minsan yellow, minsan parang kulay gray. Maaaring nabibingi na rin ang bata o kaya minsan may maingay dun sa tenga.
Marami sa atin nakakaramdam niyan, hindi pinapansin. May tinatawag na swimmer’s ear, ito yung otitis externa na hindi ahil nagswimming kayo, pero nangyayari kasi ito doon sa mga bata o matanda na galing sa swimming, kasi nababad ng tubig, baka yung tubig na pumasok sa tenga ay may bacteria, at tsaka dun sa loob ng tenga natin, meron talagang mga nakatirang mga bacteria o fungus dun. Kaya lang dahil mahina ang ating immunity, mas tumubo o dumami sila, so mapapansin niyo, makati, ah, namamaga dun sa tenga, pati labas at loob ha, tapos nakita mo pag hinatak nga naman yung earlobe, na masakit, tapos pwede niyong amuyin, baka may amoy yung lumalabas na discharge, tapos hindi malinaw yung mga naririnig niya.
Pag tinanong niyo, pwedeng bagong swimming, o yung iba naman kasi nag-iisport sila, so pag nag-iisport sila, laging mamasa masa o may pawis dun sa loob ng kanilang tenga, pwede niyong tanungin, baka naman naglinis ng sobra dun sa kanilang tenga.
Ano ba pakiramdaman niya, sa labas, sa gitna ba o doon sa loob talaga masakit? Ibat-iba, pero sa ngayon ang pinapaliwanag natin yung outer ear lang, yung otitis externa.
Ano ang mga paraan para maprotektahan natin ang tenga ng mga bata?
Bakit ba nagkakaroon, kasi may prevention din para hindi dumating sa impeksyon ng tenga.
Unang-una, wag hayanan ang bata na tinutusok o sinosobrang linis ang kanilang tenga gamit ang cotton buds yan, tapos yung mga earbuds, lilinisin palagi ng alcohol kung gumagamit kayo niyan sa pagtulog. Mga Pilipino na bata madalas, takip ng ballpen sinusuot sa tenga, minsan yung kuko, pag nangangati, kinakamot, hairpin, posporo, paalalahanan lagi ang mga bata na wag nilang ipapasok sa loob ng tenga nila, kasi kapag nagkaroon ng sugat yan, yun na yung simula ng pagpasok ng bacteria o ng punggos.
Tsaka wag hong sobrang linis, kasi nga mapapasok doon maninigas yung tutuli o yung tinatawag na earwax eh, kaya nga siya tinawag na earwax, proteksyon niyo yan dapat, kasi dun sa loob ng tenga natin mababa yung pH, kung baga, acidic, para hindi tumubo yung bacteria o kaya yung fungus.
Ngayon, kapag nagkaroon ng moisture, lagi kayong pawis o may tubig, laging ma masa masa sa tenga, hindi tinatanggal yung tubig, lalo na sa babies, hindi alam ng mga mommies, napapasukan pala ng tubig, so tataas yung pH, mabubuhay yung bacteria or yung fungus na, tapos sa sobrang linis pa nung tenga, nawala na yung proteksyon ng earwax, kaya nga wax ang tawag dun.
Doon na magsisimula ang impeksyon sa loob ng tenga, so wag lagyan ng tubig, kung maaari ingat, lalo na sa pagpapaligo ng bata.
Pag nagpaparamdam ang mga bata na masakit sa tenga, medyo agahan niyo ang pagpunta agad-agad sa doktor, importante yan, lalo na kapag mga 1-2 years old ang inyong pasyente, tapos mababa pa mga immunity nila emergency na yun.
Sinong doktor ang pupuntahan dapat ng mga bata na masakit ang tenga?
ENT, otorhinolaryngologist, kasi sila lang ang kayang sumilip hanggang sa loob ng tenga ng mga bata. Syempre paglabas ng bata, bumayad pa tayo ng newborn screening para malaman baka may problema sa pandinig ng inyong babies, kapag may ubo, may sipon, wag masyadong babahing ng malakas ah, ipapagamot niyo rin sa doktor, kasi diyan din nagsisimula yung mga ear infection.
Bakit ba nagkakaroon ng otitis externa o yung impeksyon doon sa ating tenga?
Makipot yung kanal sa tenga tapos baka sumobra ang dami na rin naman yung tutuli, o may foreign body, yung mga bata, suot ng suot ng kung ano-anong mga bilog-bilog sa tenga, baka hindi niyo alam, tignan niyo baka nangangamoy na, tapos sobrang pagtanggal ng ating tutuli, proteksyon niyo yan, earplug, hearing aids, laging lilinisin kada gamit.
Iwasang gumagamit ng mga metal na pangtanggal ng ating tutuli, kasi nakakasugat talaga yan. May mga tao, laging may eczema, may dandruff, yung tinatawag na seborrhea, nagkakause din yan ng kapag nag-iipon dun sa loob, nagkakause din ng infection.
Sa atin, mainit, lalo na kung lagi kayong nag-iisports, pinapasok ng pawis, yan, sweating, swimming, tubig, ingatan po natin na wag pumunta dun sa loob ng ating tenga, lalo na kapag stress bumababa ang ating immunity, nagkakaroon din yan ng impeksyon. So punta tayo sa otorhinolaryngologist, ang tawag sa kanila, at bibigyan kayo ng gamot.
Ano ba ang gamot para sa merong impeksyon, yung sa labas otitis externa sa bata?
Usually binibigay nila yung neo-mycin, polymyxin, tsaka fluocinolone acetonide.
Pinapatak ito three times a day. Paano magpatak? Pahigain ang bata on one side, tapos halimbawa kung nakahiga na sa kanan niya, magpapatak kayo sa kaliwa, mga ipatak niyo three drops or more, yung medyo puno, tapos stay put lang ang bata na nakahiga ng limang minuto para maabsorb naman yung gamot, tapos saka naman kayo pupunta kabilang side, saka naman dun kayo pupunta sa kabila.
Tapos sinasabayan na rin nila, meron pa rin ho ang mga ciprofloxacin. Yan yung mga ofloxacin, eardrops yan din yung mga pampatak, pero yung dalawang yun, ginagamit pag medyo butas na yung eardrum. Itong mga neo-mycin, polymyxin, fluocinolone acetonide, ito pag hindi pa butas yung eardrum, kaya nga dapat ang nagrereseta e otorhinolaryngologist niyo, sinasabihan din ho ito ng mga capsula na antibiotics kasi usually bacteria or fungal ang nangyayari.
So mix may ofloxacin, ciprofloxacin, ah, fluocinolone acetonide, five hundred milligram capsule, three times a day din, depende sa reseta sa inyo ng inyong doktor.
Ingatan ang tenga ng mga bata, kapag masakit, punta agad sa doktor, wag ng patagalin, lalo na kung 1- 2 years old ang ating pasyente, emergency yun.
Iba pang mga babasahin
Gamot sa nana sa tenga ng bata: Masakit na impeksyon
Gamot sa luga sa tenga at Home remedy