November 14, 2024

Mga dapat gawin kapag nadapuan ng Dengue ang bata – Home remedy

Positive sa dengue pero sa bahay lang ang gamutan?

Yan ang madalas na katanungan ng parents kapag nagkaka dengue ang mga bata. Sa mga kaso na ang kanilang anak isang taong gulang na babae, ay nagkaroon ng lagnat at nagpositive siya sa dengue test. Pinayuhan sila ng doktor na sa bahay lamang ang gamutan. Gumaling nga ba ang bata kahit nasa bahay lamang ang gamutan?

Ginawa ng kanyang nanay at tatay ang pangangalaga sa kanya, sa mga nilabas niyang sintomas, ano senyales na dapat kailangan ng dalhin sa hospital ang kanilang anak.

Paano nga ba natin malalaman kung sa bahay lamang ang gamutan o dapat dalhin na natin sa hospital ang bata?

Ang World Health Organization (WHO) kinategorize ang dengue sa dalawang klasipikasyon: una yung dengue without warning signs, pangalawa yung dengue with warning signs.

Narito ang ilang sintomas ng dengue sa bata.

-Mataas na lagnat (40°C o 104°F)
-Matinding sakit ng ulo
-Pananakit ng mga kalamnan at kasukasuan (tinatawag ding “breakbone fever”)
-Pananakit sa likod ng mga mata
-Rashes (pantal) na maaaring lumitaw sa buong katawan
-Pagsusuka at pagduduwal
-Pagkapagod at panghihina

Kapag malala ang dengue ng bata ito naman ang mga sintomas.

-Matinding sakit ng tiyan
-Patuloy na pagsusuka
-Pamamaga ng atay
-Pagdurugo mula sa ilong, gilagid, o sa ilalim ng balat, na maaaring magmukhang pasa
-Pagkakaroon ng dugo sa dumi o pag-ihi ng dugo
-Mabilis na pagbaba ng platelet count na maaaring magdulot ng pagdurugo
-Pagkakaroon ng fluid accumulation (pagtaas ng likido sa mga baga o tiyan)
-Hypotension (mababang presyon ng dugo) na maaaring humantong sa shock

Sa dengue without warning signs, anong mga bagay ang pwede nating gawin sa pangangalaga sa bata?

Sa unang dalawa o pitong araw na may lagnat pa ang bata, kailangan natin masigurado na sapat ang tubig sa katawan. Kailangan natin mag hydrate o uminom ng mabuti, lalo na kasi may lagnat siya, nababawasan ang tubig sa katawan at nababawasan din ang kanilang gana, wala rin silang pinapasok.

Kailangan din natin makontrol ang fever o lagnat, dapat hindi sobrang taas na baka magcomboltune na ang bata, lalo pa siyang kailangan hydrate. Una, pwede nating gawin yung tepid sponge bath, yung pupunasan mo siya ng maligamgam na tubig tapos tutuyuin mo sa mga singit-singit para bumaba ang lagnat.

Maliban dun sa tempered sponge bath, pwede din tayong magbigay ng gamot para sa lagnat sa tamang dami, o ilang beses na dapat bigyan ng paracetamol. Pwede tayong sumangguni sa doktor o sa mga health center na malapit sa inyong lugar.

Ano yung dapat nating iwasan kapag may dengue ang bata?

Kaya naman, iwasan ang ibuprofen, hindi natin sila pwedeng bigyan kasi mas magiging grabe pa ang pagdudugo. Pangalawa, yung nutrisyon, kailangan natin masigurado na sapat na din ang nutrisyon. Kasi oras na nagkasakit ang bata, mas kailangan pa niya ng nutrisyon para labanan ang sakit. May mga vitamins na kailangan, yung protina, mga building blocks para makapag-repair.

Kung kulang na siya ng nutrisyon tas may sakit pa siya, mas lalo siyang magkakasakit. Ang sapat na pagpapahinga, kahit wala tayong sakit, kailangan natin magpahinga. Kasi ang katawan natin kailangan ng oras para irepair, lalo na kung may sakit.

Ang WHO may mga rekomendasyon kung ilang oras dapat merong tulog ang ating mga anak at syempre pati na rin ang mga magulang. Meron tayong support system, kung merong may sakit, mas maganda na mas madaming tumulong sa pag-aalaga sa bata, salitan.

Pangalawang klasipikasyon ng WHO sa dengue yung dengue with warning signs. Eto yung binantayan ng nanay at tatay ni Lala.

Ano yung mga warning signs sa dengue na senyales na dapat dalhin na natin sa hospital kaagad-agad?

Twenty four hours bago pa mag-forty eight hours dapat dadalhin na natin kasi two days lamang pwede nang maging severe dengue. Yung dengue with warning signs at kapag severe dengue, dapat nasa ICU na ito o mas magiging pangangalaga ng mga eksperto ang kailangan.

Pawala na yung lagnat pero tuloy-tuloy naman yung pagsusuka. Pangalawa, sobrang sakit ng tiyan. Pangatlo, nanghihina na siya, sobra na siyang nanghihina, malamig yung mga paa. Yung iba, sobra na hirap huminga, tapos biglang lumaki yung tiyan.

Eto sa mga babies, mahirap alamin, biglang lumaki yung tiyan tas hindi naman na siya umiihi, dry na dry na yung lips, mas mabilis na yung paghinga, tapos pansin mo hindi na umiihi, parang 6hrs na hindi pa umiihi yung bata.

Eto yung mga bagay na kailangan nating alam na oras na para dalhin sa hospital ang ating anak. Kasi alam niyo ba na sa twenty na tao na nagkaroon ng dengue na may sintomas, isa dun ang pwedeng dumiretso sa severe dengue at kapag hindi ito naagapan, merong two to four percent na mortality rate.

Ibig sabihin, kung one hundred yung nagkaroon ng dengue na may sintomas, dalawa o apat doon ang pwedeng mamatay. Pero kung naagapan naman, may dala kaagad sa mga pagsasaliksik ng eksperto, less than one percent na lang ang namamatay sa dengue kung ito ay maagang nadadala sa hospital.

Balikan natin yung kwento ni ng bata na nagka dengue. Gumaling kaya siya kahit sa bahay lamang ang gamutan? Kahit meron siyang lagnat, active pa rin siya, medyo nabawasan yung kanyang pagkain pero hindi siya nagsuka-suka, hindi nagkaroon ng pagdudugo.

Pagkatapos ng limang araw, ang bata ay magaling na, wala na siyang lagnat, mas active na siya ulit. Kayo ba, meron din kayong mga experience, may kamag-anak kayo, yung anak niyo nagkaroon ng dengue, sila ba ay na-admit sa hospital o kinaya na magamot sa bahay?

Kung meron kayong experience sa mga nakaraan o ngayon, pwede kayong magcomment sa baba. Nalaman natin ang dalawang klasipikasyon ng WHO sa dengue, yung dengue without warning signs at yung dengue with warning signs. Alam na rin natin kung ano yung gagawin natin sa dengue without warning signs na sa bahay lamang ang gamutan at alam din natin kung ano yung gagawin natin kung nakakita na tayo ng warning signs.

Iba pang mga babasahin

Paano malaman kung may dengue ang bata: 5 signs

Ano ang gagawin para bumaba ang lagnat ng newborn o bata?

Paano mawala ang sinok ng baby

Ano gagawin kapag naglulungad ang baby?

2 thoughts on “Mga dapat gawin kapag nadapuan ng Dengue ang bata – Home remedy

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *