December 19, 2024

Ano ang dapat gawin kapag inaatake ng Seizure o Epilepsy ang bata?

Ang pagtirik ng mata paninigas ng mga kamay at paa at paglalaway ng isang bata ay isang nakakatakot na pangyayari para sa isang magulang pangungumbulsyon ang tawag dito o seizure sa salitang ingles ang seizure.

Ang pangungumbulsyon ay isang sintomas hindi lang sa matanda kundi sa bata at maliliit na sanggol din. Isa itong pangyayari sa ating utak na kung saan may lumalabas na abnormal electrical charges sa brain papuntang katawan.

Ano ano nga ba ang dahilan  kung bakit nangongongbulsyon ang isang bata?

Isa isahin natin ang mga ito sa article na ito.

Mga Dahilan ng Seizure sa Bata

Ang pinaka common cause ng seizure sa bata ay metabolic. Halimbawa nito ay ang pagbaba ng sugar sa katawan, sepsis o infection sagot dugo.

Ang posibleng dahilan ng pagbaba ng sugar o kaya naman humina ito sa pagdede ng dahil na din sa infection. Isang halimbawa pa nito ay ang pagbaba o pagtaas ng mga asin asin sa katawan o electrolyte imbalance sa  mga sumusunod

– sodium potassium chloride

– calcium

– at magnesium

Ang mga example ng mga electrolytes na ito. Pagtatae at pagsuka ang karaniwang dahilan kung bakit bumababa ang nasabing electrolyte sa katawan.

Pangalawang dahilan ng seizure sa bata ay lagnat ang tawag dito ay febrile seizure kung sumobra ang taas ng temperature ng isang bata. More than thirty nine to forty degree Celsius pwede siyang magkumbulsyon.

Dalawang klase ang febrile seizure. Ang simple febrile seizure  at ang complex febrile seizure.

Pangatlong dahilan ay ang infection sa utak. Meningitis ang tawag dito. Bacteria, virus, TB o fungi ang pwedeng magcause nito.

Pang apat, trauma  o yung pagbagok sa ulo na sanhi ng aksidente. Marami pang dahilan ang seizure.

Paano kung unprovoked ang seizure? Ibig sabihin walang dahilan tulad ng nabanggit ng cause maaaring madiagnose ang isang bata ng epilepsy kapag walang dahilan ang pangongolbolsyon.

Pwede itong maconfirm ng electrical and encephalogram or EEG. Kung naconfirm na may epilepsy ang bata kailangan nitong uminom ng kontra kombulsyon as maintenance para makontrol ito.

Kapag hindi nacontrol ang pangungulbusyon pwedeng mahirapan ang utak na makakuha ng oxygen,  magkakaroon ito ng hypoximia na ibig sabihin bawas ang oxygen sa tissue ng brain status sa philipticus ang pwedeng idiagnose dito.

Ito ay pangungumbulsyon na tumatagal ng five minutes kasama ng hindi paggising ng normal o kung tulog tulog ang bata pagkatapos mangumbulsyon.

Mahirap iwasan ang pangungumbulsyon lalo na kung ito ay unprovoked o yung di natin alam kung ano ang dahilan.

Ano ba dapat ang gawin kung nakitaan ng sintomas ng pangungumbulsyon ng isang bata lalo na kung nasa bahay lang kayo?

Mga Dapat gawin kapag may Kumbulsyon, Epilepsy o Seizure ang bata?

Una wag magpapanic. Hindi ito makakatulong kung ikaw ay sisigaw lang at baka ikaw din ay mahimatay kung gagawin mo ito.

Pangalawa, wag na wag maglalagay ng kung ano ano sa loob ng bibig ng bata, lalo siyang mahihirapan huminga at baka masubo at mapunta ito sa daan ng hangin nito. Dahilan na lalo niya itong ikamatay

Pangatlo, alisin ang mga kung ano anong bagay na pwedeng tamaan ng bata.

Pang apat, tandaan ang itsura kung paano at gaano katagal ang pangungumbulusyon ng bata dahil sigurado itong itatanong ng doktor pag dinala mo na ito sa hospital.

Panglima kung ang bata ay nangungurenta na sa lagnat kahit napainom muna ng paracetamol, kuskusan ng malamig na tuwalya ang katawan, kasama ang kilikili at singit singit ng pasyente upang makatulong sa pagbaba ng lagnat.

Pang anim, idiretso na ang bata sa ospital kung handa nang umalis nangungumbulsyon man o hindi.

Iba pang mga Babasahin

Paano ang Tamang Paglinis sa Pusod ng Sanggol : Umbilical cord cleaning

Mga bakuna na Kailangan ng Sanggol

Kahalagahan ng Pagpapasuso/pagDede sa Bata

Kailan dapat dalhin sa Doktor ang Baby – 7 Danger Signs

One thought on “Ano ang dapat gawin kapag inaatake ng Seizure o Epilepsy ang bata?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *