December 27, 2024

Senyales na may Pneumonia ang bata : 5 Signs

Madalas mo bang mapansin ang anak mo mommy na umuubo, madaling mahapo o hingalin kapag napatakbo lang ng kunti at minsan pagdating ng hapon ay may lagnat siya? Ilan lang yan sa mga sintomas sa bata na nagsasabing may porma niya ang iyong baby. Ngunit paano nga ba malalaman na si baby ay may porma niya talaga maliban sa sintomas lang? Alamin natin yan dito sa article natin na ito.

Ano ba Pulmonya sa bata?

Ang pulmonya ay isang infection sa baga. Maaaring bacteria, virus, o fungi ang etiology nito. Sa matanda, may tatlong klase ng pulmonya: may mild, moderate, at severe pneumonia. Syempre depende ito sa severity ng kaso.

Sa bata, eighteen years old pababa, nahahati naman ang pulmonya sa apat na klase. Ang pediatric community-acquired pneumonia ay may A, B, C, at D. Nakadepende din naman ito sa severity o lala ng kalagayan ng pasyente. Ang pick up C at D ay masasabing malala na dahil kailangan ng maadmit si baby sa ospital. Ang pick up A at B naman ay kaya pang gamutin sa bahay.

Ano ang sintomas ng Pneumonia sa bata?

Ano nga ba ang mga criteria na magsasabi na may pulmonya nga ang baga at nangangailangan na siya ng antibiotics sa bahay man o sa hospital? Isa-isahin natin ang mga criteria:

Number one: Level of alertness and dehydration

Pagmasdan si baby kung siya ay tamlay-tamlay, iritable, o tulog-tulog. Tuyong-tuyo ba si baby? Baka dehydrated siya. Kung aktibo naman si baby at well-hydrated, hindi pa din ibig sabihin na wala na siyang pulmonya. Dahil ayon sa guideline, ang batang may active at dehydrated ay maaaring maclassify as pick up A or B na kung saan pwede itong magamot sa iyong mga tahanan.

Number two: Malnutrition

Malnutrisyon is defined as a serious condition that happens when your diet does not contain the right amount of nutrients. It can be undernutrition, o kulang sa timbang, or overnutrition. Sila ay ang batang mga obese. Ang mga batang malnourish ay kaclassify agad na pick up C and D na ibig sabihin pwedeng malala ang kanilang pulmonya, nangangailangan ng obserbasyon sa loob ng hospital.

Number three: Pallor o maputla

Ang pallor ay pamumutla ng isang pasyente dahil bawas ang hemoglobin niya sa katawan. Ang hemoglobin ay nasa dugo natin o red blood cell na siyang nagdadala ng oxygen papunta sa ating mga tissues o organs. Kung bawas ang ating hemoglobin, o sa madaling salita anemia, bawas din ang ating oxygen dahilan ito upang tayo ay hingalin. Kung hindi naman maputla si baby, by looking at his palpebral conjunctiva, palms, and soles, masasabing hindi malala ang pulmonya niya.

Number four: Respiratory rate

O bilang ng paghinga sa isang minuto. Ito ang agad nating tinitingnan kapag nag-iisip tayo ng pulmonya sa bata. Pero ano nga ba ang normal na respiratory rate sa matanda? Ang normal na bilang ng paghinga bawat minuto ay twenty cycles per minute pababa. Pagdating sa bata, nagkakaroon ng variation dahil magkakaiba ito bawat age range. Naririto ang normal na paghinga base sa edad. Ito ay ayon sa WHO. Tandaan, automatic kapag abnormal ang paghinga ni baby, kinakailangan na niyang maadmit sa hospital at mataas ang porsyento na ito nga ay pulmonya. Mas nararapat na ipadaan ang antibiotic sa swero para mabilis ang administrasyon ng gamot.

Number five: Signs of respiratory failure

O senyales na hirap nang huminga si baby. Hindi lang bilang ng paghinga ang ineexamine para matukoy kung hirap huminga si baby. Ang mga sumusunod ay isa din pala tandaan na nangangailangan ng supplemental oxygen ang iyong pasyente.

Kailan kailangan ng Oxygen ng bata

  • Number one: Retraction o yung lumalalim ang paghinga ni baby
  • Head bobbing o yung paggalaw ng ulo kasabay ng paghinga
  • Number three: Cyanosis o yung pangingitim
  • Number four: Grunting o yung ungol sa baby. Ito ay isang defense mechanism na ginagawa ng mga baby o bagong silang kung saan nag-iipon sila ng hangin sa baga
  • Number five: Apnea o ang pagtigil huminga na kadalasang nakikita sa mga premature o kulang sa buwan
  • Number six: Sensorial change o yung nagtutulog-tulog dahil konti na lang ang oxygen na napupunta sa utak

Itong mga nabanggit na senyales ay delikado at pangangailangan ng mabilisang lunas at atensyon. Kapag nakitaan mo na ng ganito si baby, itakbo agad si baby sa emergency room.

Kailangan din ba ang x-ray para malaman na pulmonya nga ang sakit ni baby?

Ayon ulit sa guideline ng pneumonia sa Pilipinas, hindi kailangan i-confirm ng x-ray ang batang may ubo o hirap huminga para malaman na may pulmonya. The presence of pneumonia may be considered even without a chest radiograph in a patient presenting with cough and respiratory difficulty. Kahit walang x-ray, malalaman na may pulmonya ang bata kapag ito ay may sintomas ng ubo, lagnat, at hirap huminga kasama na ng mabilis na paghinga gaya ng mabanggit kanina. But oxygen saturation less than ninety-two percent datapuwat kinakailangan naman ng x-ray kapag ang bata ay dehydrated, malnourished, mataas na lagnat, at mataas ang WBC o puting dugo.

Nais kong paalala sa mga nanay na once makitaan ng sintomas si baby, wag mag-atubili na magpunta sa doctor para magpagamot. Normal ang mabahala lalo na’t buhay ng anak ang nakakahiya. Napaka kritikal ng pulmonya sa mga bata lalo na sa edad five years old pababa. Hindi gaya nating matanda na pwedeng gamutin sa bahay, kailangan pa din makita si baby ng doktor upang malaman kung pwede siyang gamutin sa bahay o kailangan ng ma-admit.

Listahan ng Pedia Clinic sa Batangas

Mary Mediatrix Medical Center – Pedia Clinic Address: J.P. Laurel Highway, Lipa City, Batangas Telepono: (043) 773-6800

Batangas Medical Center – Pedia Clinic Address: P. Herrera St., Batangas City, Batangas Telepono: (043) 723-7041

St. Frances Cabrini Medical Center – Pedia Clinic Address: Maharlika Highway, Barangay 3, Sto. Tomas, Batangas Telepono: (043) 778-4811

Lipa Medix Medical Center – Pedia Clinic Address: President J.P. Laurel Highway, Lipa City, Batangas Telepono: (043) 756-0622

Golden Gate General Hospital – Pedia Clinic Address: Kumintang Ibaba, Batangas City, Batangas Telepono: (043) 723-7086

Rosario Hospital – Pedia Clinic Address: Poblacion, Rosario, Batangas Telepono: (043) 321-2237

San Antonio Medical Center – Pedia Clinic Address: P. Herrera St., Batangas City, Batangas Telepono: (043) 723-7086

Iba pang mga Babasahin

Bahing ng bahing si Baby 0-3 months old: Normal lang ba ito?

Pwede bang pagsabayin ang 2 Vitamins sa Baby?

Hirap tumae ang Baby : Mga gagawin kapag constipated

Tips paano sanayin mag Toothbrush ang baby

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *