November 15, 2024

Gamot sa rashes sa pwet ng baby

Nakakita ka ba ng maliliit na mapulang mga pantal sa pwetan ng baby? Madalas silang magkaroon ng rashes sa lugar na ito dahil na rin sa paggamit nila ng mga diaper o di kaya natagalan na nabababad sa tubig ihi ang baby. Kapag hindi kaagad napalitan ang damit o mga diapers nila dito nag uumpisa ang mga rashes nila

Pag-uusapan natin sa article na ito tungkol sa mga rashes ng baby

  1. Kung bakit nga ba nagkakaroon ng rashes si baby? Ano yung mga factors na nakakacontribute ng pagkakaroon ng rashes ni baby.
  2. Anong pwede mong gawin pagka nagkaroon ng rashes si baby.
  3. When is it time for you to see a doctor.
  4. Mag-share din tayo sa inyo kung anong gamot na super effective sa rashes ng baby.

Mga dahilan ng rashes sa baby

-Friction sa balat dahil sa diapers

-Mahigpit ang pagkakatali ng mga suot

-Prolong exposure sa stool

-Bad bacteria

-Food allergy

-Sensitive na balat

-Medications

Isa sa mga reasons mommy kung bakit nagkakaroon ng rashes si baby ay friction. In the sense na syempre, kapag ka mahigpit masyado yung mga damit ni baby, yung diaper ni baby, nagko cause daw yun ng friction sa skin ni baby at dun sa fabric na gamit ni baby. At yun ang nagkocause ng rashes. So kailangan, we should try our best na wag masyadong higpitan yung mga damit ni baby.

Isa pang nanotice ko, yung friend ko dito, nagkaroon ng rashes yung anak niya sa may banda ng mittens niya. Kasi siguro mahigpit, or sobrang sensitive yung skin ng baby nila. So kailangan yung mga part na yun mommies, kailangan lagi natin papansinin or hindi natin hahayaan na masyado siyang mahigpit. Dito rin sa may kili-kili area mommy, hindi lang dun sa may diaper area ni baby or dito rin sa may leeg ni baby. So yung mga part na yun madalas dun nagkakaroon ng rashes, and one reason is friction.

Next naman mommy, isa daw na reason kung bakit nagkakaroon ng rashes si baby ay dahil sa prolonged contact ng stool or urine ni baby sa skin niya. Kasi daw mommies, kapag sobrang tagal na nagcontact yung stool or ihi ni baby sa kanyang skin, tumataas daw kasi yung pH level ng skin ni baby at yung enzymes dun sa stool ni baby mas nagiging active daw siya. Habang mas matagal yung contact, mas lalong nairritate yung skin ni baby at as a result nagkakaroon ng rashes. So ang pwede nating gawin dito is yung usual na sinasabi nila, kailangan natin iwasan na masyadong matagal na nakababad yung ihi ni baby sa kanyang diaper. Palit ng palit ng diaper dapat.

Pero syempre, naintindihan ko naman tayo mga mommies, gusto natin makatipid. So anyway, isa pang way mommy is kapag pinapalitan natin si baby, siguro pwede rin itry natin yung hubaran natin siya, tanggalin natin yung diaper niya tsaka mag pants lang siya. So pag nafeel mo nakaihi siya, oops tanggalin mo lang kaagad para mahugasan mo or mapunasan mo siya kaagad.

Another reason naman daw mommy kung bakit nagkakaroon ng rashes si baby is because of bacteria or yeast infection. Yung diaper area daw ni baby, kung saan very warm or very moist, kasi kapag umihi si baby di ba, medyo mainit-init pa yan, so yung environment daw na yun ay perfect breeding ground ng bacteria or yeast. So kailangan ang solution natin dito mommy is kapag ichachange natin yung diaper ni baby, ipapat dry natin. Gamitin ang isang malinis na cloth, ako ang ginagamit ko noon was yung lampin na soft at very absorbent. Very effective siya para makapagpat dry ng pwet ni baby.

Para maiwasan ang pagspread ng bacteria, kailangan maghugas tayo ng kamay pagkatapos palitan ang diaper ni baby.

Next mommy, pwede daw magkaroon ng rashes si baby kapag nag introduce ka ng bagong food kay baby. Pwede daw na yung food na iintroduce mo kay baby ay makaapekto sa stool ng baby mo. Another reason, kapag nag introduce tayo ng bagong food, pwede mag increase yung frequency ng pag-pupu ni baby, ibig sabihin mas madalas yung contact ng stool or urine sa skin ni baby, at nagreresulta ng rashes.

Next mommy, ito very unfortunate para sa mga mommies na may sensitive skin ang mga babies nila. Yun daw ang isang pwedeng maging reason. Yung mga babies na may certain skin problems like dermatitis, eczema, sila daw yung mas prone sa diaper rash.

Another reason certain medications can cause rashes.

Ano ang pwede mong gawin para ma-prevent ang pagkakaroon ng rashes ni baby?

  1. Change diaper regularly: Wag hayaang masyadong matagal na nakababad ang diaper sa pwet ni baby.
  2. Loosen up the diaper: Para maiwasan ang friction.
  3. Gumamit ng cream: Ako noon ang ginagamit kong cream was yung Drapolene. Ang reason bakit maganda gumamit ng cream ay dahil tinutulungan nitong maiwasan ang pag-contact ng stool sa skin ni baby.
  4. Gumamit ng ointments: Kapag nagkaroon na ng diaper rash si baby.

Halimbawa ng diaper rash creams para sa rashes ng baby

Kalmoseptine: Para sa akin, lahat dapat ng mommies merong ganito. Very effective siya sa diaper rash, eczema, fungal problems. Ito ay based from our experience, hindi sponsored. Mommies, hopefully maging effective din ito sa babies ninyo.

Kay Amira noon, hindi naman malala yung diaper rash niya pero pinahiran ko agad ng Kalmoseptine at kinabukasan, nag-dry up na agad. In two to three days, nawala na. Yung sister ko naman, yung anak niya may neck rash at diaper rash, pero nagamot din ng Kalmoseptine.

When to see a doctor

  1. Kapag hindi gumaling ang rash: Kapag ginawa mo na lahat pero malala pa rin, consult a doctor.
  2. Kapag may pangangati at bleeding: Consult a doctor.

Iba pang mga Babasahin

Gamot sa Bulutong Tubig/Chicken pox sa bata: Home remedy

Gamot sa masakit na lalamunan kapag lumulunok ang bata

Nahulog o nabagok ang bata, ano ang gagawin?

Sipon at ubo ng 0-2 months old na Bata

2 thoughts on “Gamot sa rashes sa pwet ng baby

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *