February 5, 2025

5 Tips para makatulog sa tanghali si Baby

Malikot ba ang iyong toddler at nahihirapan ba siyang matulog sa hapon? Maraming mga nanay ang nahihirapan na makatulog ang kanilang mga anak dahil sa sobrang likot at pagiging playful ng mga ito. Pag-usapan naman natin sa artilce na ito ang best practices ng ilang mommy kung paano nila napapatulog ang kanilang sanggol. Alam natin na mahalaga ang pagtulog pagkatapos ng tanghalian para hindi lamang sa kanilang paglaki kundi pati na rin sa kanilang kalusugan.

Flu

Ano gagawin sa mataas na lagnat ng bata : Sintomas, gamot at Tips para gumaling agad

Naglalagnat tayo dahil nilalabanan ng impeksyon tulad ng bacteria at virus. Pinapadami ng katawan ang white blood cell, ito yung sundalo ng katawan panglaban dito sa bacteria at virus. Agad na papataasin ang ating temperature para tayo ay gumaling at proteksyon sa ating katawan. Pag-aralan natin sa article na ito ang mga sintomas ng mataas na lagnat at tips na pwedeng gawin ng mommies para maagapan ang anumang kumplikasyon na dulot nito.

Mabisang gamot sa an-an sa Bata

Kung ikaw ay kabilang sa mga taong naninirahan malapit sa dagat, ang halumigmig ay siguradong kilala mo na. Kahit na tayo ay tumatambay sa mga lugar na mayroong air conditioner, tayo ay pinagpapawisan pa rin. Ang kadalasang dulot ng tag-init sa atin ay ang iba’t ibang skin infections. Ang isa sa common dito ay ang tinea versicolor o an-an.

Mabisang pantanggal ng kuto at lisa sa bata

Mga mommy minsan talaga may mga bata na likas lapitin ng kuto diba. Mapapansin mo nalang na yung ulo ng bata or ng baby may mga open wounds na hindi lang isa hindi lang pulo pulo halos buong ulo niya may may sugat na. Marmi ding mga karaniwang tanong ng mga magulang tungkol sa kuto ang sasagutin natin sa article na ito. At kung ang anak mo ay laging binabalikan ng kuto mahalagan mabasa mo ang article na ito.

Gamot sa rashes sa pwet ng baby

Nakakita ka ba ng maliliit na mapulang mga pantal sa pwetan ng baby? Madalas silang magkaroon ng rashes sa lugar na ito dahil na rin sa paggamit nila ng mga diaper o di kaya natagalan na nabababad sa tubig ihi ang baby. Kapag hindi kaagad napalitan ang damit o mga diapers nila dito nag uumpisa ang mga rashes nila

Gamot sa Bulutong Tubig/Chicken pox sa bata: Home remedy

Kapag napabayaan ang pagdami ng bulutong tubig sa bata ay lubhang nagdudulot ito ng sobrang discomfort sa kanila. Pwedeng kumalat ang virus sa katawan at ang dami nang rashes sa mukha, sa dibdib, sa likod, at sa buong katawan ay pwedeng sumambulat talaga. Sa mga bata na nakakaranas nito kating-kati na ang bata because of these rashes. And lately nga, depende sa panahon kung talagang mainit, marami na akong nakikitang cases na nagkakaroon ng bulutong iba’t ibang age. Hawa-hawa sa loob ng bahay.