November 15, 2024

Gamot sa Bulutong Tubig/Chicken pox sa bata: Home remedy

Kapag napabayaan ang pagdami ng bulutong tubig sa bata ay lubhang nagdudulot ito ng sobrang discomfort sa kanila. Pwedeng kumalat ang virus sa katawan at ang dami nang rashes sa mukha, sa dibdib, sa likod, at sa buong katawan ay pwedeng sumambulat talaga. Sa mga bata na nakakaranas nito kating-kati na ang bata because of these rashes. And lately nga, depende sa panahon kung talagang mainit, marami na akong nakikitang cases na nagkakaroon ng bulutong iba’t ibang age. Hawa-hawa sa loob ng bahay.

Ito yung mga home tips na pwedeng gawin ng mga mommy on how to treat bulutong at home. Ang channel na ito ay ginawa para magbigay ng dagdag kaalaman ukol sa kalusugan ng mga bata. Hindi po ito ideal na plataporma para sa konsultasyon, lalo na po sa mga kalagayang nangangailangan ng agarang lunas. Upang magpacheck up, makipag-appointment po lamang sa doktor sa inyong lugar.

Paano ba gamutin sa bahay lang ang bulutong tubig sa bata?

So paano ba natin dapat i-handle ang bulutong sa ating bahay? First and foremost, naku mommy, napaka-infective ang bulutong. Bilis-bilis niyang makahawa. At kung merong isang may bulutong sa inyong bahay, ninety percent na mahina resistensya pwedeng magkaroon ng bulutong. Kaya ang unang-unang gagawin mo pag nakita mo yung rashes ng anak mo na bulutong nga siya, isolate siya sa isang kwarto. Dun muna siya kasi nakakahawa yan.

Pangalawa, kailangan mong gawin after mo siyang i-isolate, check ang temperature kasi karaniwan yan. Minsan halos nga wala pang lumalabas na rashes or paisa-isa pa lang yung rashes, nilalagnat sila. In some instances, very low-grade fever lang pero may kasama yang masakit na ulo, yung pakiramdam na parang pagod, masakit, nagkakramps ang mga muscles. So you have to give mga soothing measures and you can give paracetamol. Pwedeng magtanong sa pedia para sa paracetamol dosage kasi kailangan para umepekto ang paracetamol, tamang dosage and frequency.

So aside from isolation, paracetamol for fever. Ano yung number three na problema na idinudulog ng mga bata na merong bulutong? Makati. So itong mga rashes na to masakit na makati.

Gabay sa Paggamot ng Bulutong Tubig (Chickenpox)

Para matanggal ang ibang epekto ng pagkakaroon ng chicken pox sa bata after ng isolation pwedeng gawin naman ang mga sumusunod.

Kati at Pantal

  • Antihistamines: Maari kang magbigay ng antihistamines tulad ng Teresi Loratadine para maibsan ang pangangati. Karaniwang binibigay ito every 12 hours o once a day, depende sa edad at timbang ng bata. Huwag kalimutang magpakonsulta sa doktor para sa tamang reseta.

Lagnat at Sakit

  • Paracetamol: Para sa lagnat at sakit, paracetamol ang kadalasang inirerekomenda. Iwasan ang aspirin dahil maari itong magdulot ng komplikasyon tulad ng Reye’s syndrome.

Dehydration

  • Oral Rehydration Solution (ORS): Kung ang bata ay hindi gaanong kumakain at umiinom, maaari siyang ma-dehydrate. Bigyan ng ORS para mapanatiling hydrated ang bata.
  • Multivitamins: Pwedeng bigyan ng multivitamins na may Vitamin B complex, Zinc, at Vitamin C upang mapalakas ang resistensya.

Complications

  • Antiviral Agents: Sa mga kaso ng malalang bulutong, lalo na sa mga bata na may mahinang resistensya, maaaring magbigay ng antiviral agents tulad ng Acyclovir. Kailangan ito ng reseta mula sa doktor at depende sa edad at bigat ng bata ang tamang dosage.
  • Antibiotics: Kung nagkaroon ng secondary bacterial infection dahil sa kakakamot, maaaring kailanganin ng oral antibiotics.

Pag-alaga at Pag-iwas sa Pagkakahawa

  • Isolation: Ihiwalay ang may bulutong upang maiwasan ang pagkalat nito. Hangga’t may nakikitang lesion sa katawan, ang bata ay maaaring makahawa pa rin.
  • Comfort Measures: Bigyan ang bata ng maluwag na damit at panatilihing malamig ang kapaligiran para sa kanilang kaginhawahan.

Mga Palatandaan ng Pagbuti

  • Natutuyong Rashes: Kapag ang mga rashes ay nagsisimula nang matuyo at ang bata ay walang lagnat, nagpapakita ito ng senyales na gumagaling na ang bata.
  • Pagbalik ng Lagnat: Kung pagkatapos ng ikapitong araw ay bumalik ang lagnat at dumadami pa rin ang rashes, magpatingin muli sa doktor upang maiwasan ang komplikasyon.

Pagpapaligo

  • Dahon ng Bayabas: Maaaring gamitin ang tubig na pinagkuluan ng dahon ng bayabas para pampaligo sa may bulutong. May antiseptic properties ito na makakatulong sa pagpapatuyo ng rashes.
  • Iwasan ang Kulantro: Hindi inirerekomenda ang paggamit ng kulantro dahil nakakadry ng balat at maaaring magdulot ng sunog sa balat ng bata.

Bakuna

  • Vaccination: Mahalaga ang bakuna laban sa bulutong tubig. Inirerekomenda ito sa edad na isang taon at muling bibigyan bago mag-apat na taon. Para sa mga teenager, dalawang doses ang kailangan, isang buwan ang pagitan. Ang pagbabakuna ay cost-effective kumpara sa gastos sa paggamot ng bulutong.

Ang tamang pag-aalaga at pag-iwas sa komplikasyon ay makakatulong upang mas mapabilis ang paggaling ng bata mula sa bulutong tubig. Kung may mga tanong o alalahanin, huwag mag-atubiling kumonsulta sa inyong doktor.

Iba pang mga babasahin

Gamot sa masakit na lalamunan kapag lumulunok ang bata

Nahulog o nabagok ang bata, ano ang gagawin?

Sipon at ubo ng 0-2 months old na Bata

Paano mawala ang bungang Araw sa bata : Home remedies at mga Lunas

One thought on “Gamot sa Bulutong Tubig/Chicken pox sa bata: Home remedy

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *