Namamaos ba ang anak mo mommy kapag nagsasalita. Hirap ba siyang lumunok. Kapag sinilip mo naman ay mapula ding ang kanyang lalamunan? Importante talaga na yung simpleng paringitis o tonsilitis o sore throat ay gamutinnatin ng tama. Kasi kahit gaano kasimple, kung lalala po siya maraming komplikasyon.
Meron nang nakitang mga kaso na nag-ugat sa simpleng strep paringytis na hindi ginamot. Eventually po, pagtanda po niya, nagkaroon siya ng romantic heart disease.
San ba talaga nanggagaling ang sore throat ng bata?
Totoo ba na dahil to sa pagkakain ng matatamis? Ano ba ang dahilan ng sore throat? Gusto nating i-correct ang mga paniniwala nating mga Pilipino tungkol sa iba’t ibang klase ng sakit at ngayon nga tungkol sa sore throat.
Di ba palaging sinasabi ng mga nanay, “Kasi kumain ho siya ng chocolate, kumain ho kasi siya ng ice cream, kumain ho siya ng matamis, hindi siya uminom ng tubig. So yan kaya ngayon doktora, may sore throat bakit? At paano ba nagkakaroon ng sore throat?”
Una kasi, yung sore throat pwede yan dahil sa bacteria, pwede dahil sa virus. So most likely ang problema, paano ba naiinfect ang ating lalamunan.
In a way, yung pagkain ng ice cream at sobrang lalamig o kaya sobrang init may factor ho yan, pero hindi siya yung main event nung pagkakasakit ng sore throat. Karaniwan, yung lining kasi ng lalamunan natin may proteksyon yan, pero kung nadadamage siya dahil sa sobrang lamig o sobrang init, yung mga mikrobyo na nasa bibig natin na tinatawag na commencers bacteria nakakapasok sa loob at nagiging impeksyon.
Lalo na kung meron tayong malapit sa atin na meron ding sore throat o kaya tonsilitis o kaya may ubo o kaya may sipon. Mas malapit sila sa atin, yung talsik ng laway nila pwede nating makuha. At kung yung baby nga halimbawa mo, so that time ano yung nanay sabi ko sayo, problema ko doktora, ako ho yung unang nagkasakit kaya nahawa si baby. Merong pinanggagalingan yung sakit na sore throat at karaniwan pwedeng tao sa tao. Yung nag-aalaga, yung mommy or any adults around the area na merong sakit at nakuha ng baby.
Ano bang mga sintomas ng sore throat sa mga bata o baby?
Kasi nga paiba-iba din yung sintomas. Mas maliit na bata, mas non-specific yung sintomas ng kanyang sore throat. Kasi hindi naman makakapagsabi yan. Kung mas malalaking bata yan, nasasabi na niya masakit yung lalamunan niya or nahihirapan siyang lumunok.
Pero sa mga maliliit na baby lalo na kung kanilang sore throat ay dahil sa isang bacteria, especially yung streptococcus, medyo notorious yan. Ang epekto ng bacteria na ito ang lagnat ay napakataas, minsan thirty-nine to forty, hindi bumababa. Hindi rin sila syempre makakain kasi nga masakit ang lalamunan, hindi naman nilang masabi to, kaya ang way nila para sabihin ito ay iyak. Kasi nga isipin mo, mataas ang lagnat, irritable, masakit ang ulo nila, masakit minsan buong katawan. Overall, hindi sila dumedede, tulog lang ng tulog.
So importante iche-check agad kung hindi talaga bumababa yung lagnat ng bata within the next twenty-four to forty-eight hours.
Ngayon dun sa malalaking mga bata, kaya na kasing magsalita yan. Nasasabi na nila ang masakit doon, ayaw dumede or ayaw kumain, at ayaw nilang mag-swallow kasi masakit. Minsan naman, sa ibang mga bata, hindi nga sila nagsasabi na ayaw kumain, pero pag binigyan mo, parang nasusuka sila, at minsan talagang hindi lang parang nagsusuka sila. Masakit din ang ulo, masama ang pakiramdam, at sa mas malalaking bata na mga teenagers, they can really tell you na sumasakit na hindi lamang dito sa panga nila hanggang dito sa neck area.
So those are the symptoms na possibly you are dealing with a sore throat.
Home remedy tips para malunasan ang sore throat sa bata?
Ang isa sa pinaka common na advise ng pedia ay ang paggamit ng paracetamol. Kailangan syempre ng pediatrician para sa paracetamol dosage kasi importante talaga yung tamang dosage para umepekto every four hours. Hindi lamang sa fever pwede rin ito sa pain, kasi sabi ko nga sa inyo, masakit ang lalamunan ng may sore throat.
Number two, importante din po yung well-hydrated ang bata. Paano mo gagawin yun eh ayaw nga niyang kumain, nagsusuka pa siya. So dito papasok yung ORS, dito papasok yung konting small frequent feedings. Tapos pwedeng idropper unti-unti yung pagkain. Minsan it helps medyo malamig pero hindi pwedeng ice cold kasi may soothing effect din yung konting malamig pero wag din sobrang lamig. Kasi sabi ko nga sa inyo, yung sobrang lamig na pagkain pwedeng makadagdag dun sa trauma dun sa lining ng lalamunan.
Para sa paracetamol para sa fever, hydration, soft na pagkain medyo cold, and then syempre comfort measures let the baby rest. Kung matutulog, pabayaang ilagay sa isang kwarto na mas cozy.
Importante, kung halimbawa nakadalawang araw na ang bata na sobra, yung high grade fever, hindi kumakain, nagsusuka pa, or minsan wag naman sana no magkumbulsyon pa, importante mag-check up sa doktor.
Herbal na gamot para sa masakit na lalamunan ng bata
Effective ba talaga yung pagpatak ng kalamansi, pagmumog ng tubig, asin, at paggamit ng Bactidol o herbals? Show spray pampagaling ng sore throat? Kasi nga di ba tayong mga Pilipino meron tayo kasing ginagawang home remedies pag merong masakit ang sore throat?
Usually naggagargle tayo ng medyo warm meat salt. Sa mas malalaking bata na kaya na mag-gargle nito, pwede naman. In fact, kung sila ay seven years old pataas kasi pwede na itong mag-antiseptic gargle, pwedeng makatulong kayo mga Bactidol o kaya Betadine throat gargle.
Ngayon marami nang may mga lozenges na may mga herbal throat spray na pwedeng gamitin para i-soothe at bawasan yung sakit ng lalamunan. So all of this will help.
Pwede ba yung kalamansi, mainit na pinapatak sa lalamunan?
In a way kasi vitamin C din yun. Kung kaya ng mas malalaking bata, pwede naman. Ayun lang, minsan kasi may mga batang hindi cooperative. So I will not recommend yung salt solution. Ang effect lang talaga nun is to soothe yung lalamunan. Ngayon kung gusto mo talagang antiseptic solution, you might as well use yung Bactidol or Betadine oral antiseptic solution. Diluted yun, hindi yung ginagargle ng pure.
Kapag gagamit nito, yong tubig one-fourth glass, lagyan, patakan lang ng ilang drops ng Bactidol para maging light pink yung solution. Tapos gargle. Hindi yun iniinom, gargle lang kahit mga ten seconds and then spit out para babawasan yung swelling ng lalamunan.
Ano po ba yung mga signs na sobrang lala na ng sore throat ng anak ko at kailangan ko na siyang dalhin sa ospital?
Ano ba yung mga sintomas na kailangang binabantayan niyo kasi pwede yung simple sore throat nagiging peritonsilar abscess na po? So yung mga klase ng infection na yan, naku pwedeng pumunta sa brain.
So ano yung mga sintomas mommy?
Number one, high grade fever. When we say high grade fever, as in talaga hindi bumababa sa thirty-eight point five ang taas, halos nagku-kwarenta. Nagbigay ka ng paracetamol, after three hours, ayan na naman ang taas-taas ng lagnat.
Pangalawa, hindi kumakain si baby, ni hindi ibuka ang bibig kasi pag binubuka yung bibig iyak ng iyak which means it’s really painful. O sa mga teenagers, minsan makita mo hindi sila talaga kumakain. Hindi lang yun ang masakit, hindi lang maibuka, hindi na halos makapagsalita. So hindi maibuka ang bibig, hindi makapagsalita. Pag ibinuka yung bibig, ang baho.
Minsan yung pain is really overwhelming hanggang dito sa leeg, ang sakit-sakit na.
Minsan may malalaki na ring mga magang lymph nodes sa paligid. So all of that kailangan mong bantayan. Pag pinanganga niyo ito na yung makikita niyo magang maga na mapula. Talagang kissing tonsils na ito. Yung nasa gitna ng ngala-ngala, kissing tonsils na halos magsarado na, kaya hindi na talaga makalunok at hindi na maibuka ang bibig at may mga nana na sa paligid ng kanilang tonsils. This is an emergency. Kailangan nang magpacheck up sa doktor.
May nakikita na ko na nasa lalamunan ng anak ko at napansin kong madalas na siya nagkakaroon ng sore throat. Ano ba dapat kong gawin?
Para sa mga severe na may tonsillitis, yes mga mommies, minsan ho kinakailangan naman silang ma-admit at bigyan ng IV antibiotics, IV fluid para ihydrate. At minsan sa mga tonsillar abscess, kailangan na papasukan na talaga ng needle yung mga tonsils para iextract yung nana.
Importante kapag ganitong mga kaso ng tonsillitis, matreat ng buo, usually ten to fourteen days depende sa klase ng abscess na meron sila. Importante wag bumalik kasi yung tonsillitis na pabalik-balik. Tandaan niyo merong komplikasyon to. Lalo na yung mga tonsillitis na ang dahilan ay strep at ang mikrobyong ito, ang komplikasyon ay ang tinatawag na rheumatic heart disease. Importante magamot ng tama, lalo na kung more than five times, six times na in a year nagkakaroon ng tonsillitis o sore throat ang bata. Again, let us prevent rheumatic heart disease by treating streptococcal tonsillitis or pharyngitis.
Importante talaga na yung simpleng pharyngitis o tonsillitis o sore throat ay gamutin ng tama.
Kasi kahit gaano kasimple, kung lalala siya maraming komplikasyon. Meron na akong nakitang kaso na nag-ugat sa simpleng strep pharyngitis na hindi ginamot. Eventually, pagtanda po niya, nagkaroon siya ng rheumatic heart disease. Isa pa rinyung tinatawag na sleep apnea. Dahil nga palaging inflamed yung throat, yung tinatawag na sleep apnea, o parang humihilik na, eh delikado ito sa ating brain kasi nga yung oxygenation natin habang natutulog, kung barado yung ating daanan ng paghinga, nagde-decrease. So hindi ho rin maganda.
And isa pang problem na nakita kong isang kaso ng severe tonsillar abscess is nagkaroon ng meningitis. Since hindi naagapan ang kanyang meningitis, nagkaroon ng effect sa brain development ng bata. So yung simpleng sore throat, kailangan bigyan ng tamang pansin at tamang treatment para hindi magkaroon ng complications.
Iba pang mga babasahin
Nahulog o nabagok ang bata, ano ang gagawin?
Sipon at ubo ng 0-2 months old na Bata
Paano mawala ang bungang Araw sa bata : Home remedies at mga Lunas
One thought on “Gamot sa masakit na lalamunan kapag lumulunok ang bata”