November 21, 2024

Mabisang gamot sa Sipon at Ubo ng Bata: Paano ito mawala

Hello mga mommys and daddies. Ngayon sama-sama nating pag-usapan ang isa sa common na problema sa mga babies, ang common colds o sipon. Causes, mga sintomas, at mga bagay na dapat gawin para guminhawa si baby ang ating iisa-isahin sa article na ito

Ano ang madalas na sanhi ng Sipon sa Sanggol?

Kapag madalas na bumabahing at sumisinghot si baby, siguradong naaalerto na agad ang mga nag-aalaga dito. Bagaman madalas ang sipon sa babies ay harmless, ito ay talaga namang isa sa kahinaan at kinakatakutan ng mga magulang.

Sa katunayan, ito ang isa sa pinakamalaking dahilan para sa madalas na pagbisita sa pediatrician. Ayon sa statistics, ang mga babies ay maaaring magkaroon ng sipon o common colds, walo o higit pa sa kanilang unang taon lamang.

Karamihan sa mga sipon ay sanhi ng viruses. In fact, mayroong over two hundred types ng virus na maaaring maging sanhi ng sipon. Ang mga viruses na nagbibigay ng sipon ay kumakalat sa pamamagitan ng pagbahing, pag-ubo, at hand contact.

Ang mga babies ay madalas magkaroon ng sipon dahil ang kanilang immune system ay hindi pa handang labanan ang napakaraming viruses na nagiging sanhi ng sipon. Ang cold virus ay kumakalat sa hangin kapag ang isang taong may sakit ay umubo o kaya umuubo. Nagla-land din ang mga viruses na ito sa mga surfaces doon sa mga laruan, mga lamesa at iba pa. At kapag nahawakan ng babies ang mga contaminated surfaces na ito at pagkatapos ay isusubo nila ang kanilang kamay, which is madalas talaga nilang gawin, doon mabilis na makakapasok ang cold virus sa kanilang katawan.

Maaari din nilang makuha ito sa mga palaruan, sa mga nakakatandang kapatid o kasama sa bahay, o kaya bisita na may dalang virus galing sa labas.

Sintomas ng sipon sa mga Baby

Makikita ang mga sintomas ng sipon sa babies isa hanggang tatlong araw matapos silang ma-expose sa virus. Ang mga sintomas ay magkakaiba depende yan sa babies. Narito ang mga sintomas ng pagkakaroon ng sipon sa babies.

-iritable

-barado ang ilong

-runny nose, minsan clear ang kulay sa umpisa, at pagkalaon ay magiging yellowish o greenish na yung kulay nito

-madalas na pagbahing, ubo

-madalas na sumisinghot

-nahihirapang matulog

-nababawasan ang gana sa pagdede o pagkain, lagnat

-at kung minsan may kasama ring pagsusuka at diarrhea.

Kailan dapat ipa-check up ang ubo at sipon ng 0-3months old na Baby?

Paalala lamang po, kapag si baby ay younger than three months ang edad, ang dapat gawin ay tumawag o magtungo sa isang pediatrician sa umpisa pa lamang ng kanyang karamdaman para mas masigurado na walang ibang mas malalang karamdaman ang sanggol. Kapag alam mo kung paano matutulungan ang iyong anak para guminhawa ang pakiramdam at kung kailan dapat tumawag o pumunta sa doktor, maaari kang makakaramdam ng confidence hanggang sa matapos ang sipon ni baby. Narito ang mga dapat gawin para matulungang guminhawa ang kanilang pakiramdam.

Ano ang dapat gawin o gamot sa Ubo at sipon ng 0-3months old na Baby?

1. Tanggalin ang sipon. Sa unang anim na buwan, ang mga babies ay humihinga lamang sa ilong. Kaya ang pagkakaroon ng sipon ay sobrang mahirap para sa kanila. Kaya napakahalaga ang pag-alis ng sipon sa kanilang ilong.

Para magawa ito, kailangan yung rubber nasal aspirator o kaya nasal aspirator. Madalas kasama ito sa binibigay na kit pagkapanganak sa baby kaya mainam na itabi itong mabuti. Kung wala naman maaari ka nitong makabili sa mga botika.

Paano ito gamitin? Pisilin ang bilog na parte sa rubber habang nakapisil, dahan-dahang ipasok sa ilong ni baby ang tube na part ng aspirator. Pag nakaposisyon na ito, alisin sa pagkakapisil ang rubber at maingat na hilahin palabas ang tube na nasa ilong ni baby.

Tandaan, hindi mo dapat pisilin ang rubber kapag nasa loob ng ilong ni baby ang tube part. Pisilin mo lamang ito bago ipasok ang tube part ng rubber aspirator sa loob ng ilong ni baby.

Kapag matigas naman ang sipon na nasa loob o kaya barado ang ilong ni baby, maaari kang gumamit ng nasal spray or nasal drops na para sa baby. Maaari kang makabili nito sa mga botika. Makakatulong ito para mawala ang bara ng ilong at mapalambot ang sipon ng baby para mas madaling lumabas o kaya ay masaksyon ang sipon.

2. Panatilihing hydrated si baby. Tulad natin, kapag masama ang pakiramdam, ang mga babies ay nawawalan din ng ganang uminom ng gatas o kaya kumain. Kahit na ayaw nilang kumain uminom ng gatas, kailangan nating i-encourage at tiyagain sila na uminom ng gatas o kumain mayat maya. Kapag hindi dumedede si baby, dapat tumawag o kumunsulta agad sa doktor para maiwasan ang dehydration. Siguraduhin lamang na painumin sila in an upright position, yung medyo nakataas yung upper part ng body. Makakatulong ito para guminhawa ang baradong ilong at para mas makadede o makakain sila ng safe at maayos.

3. Palambutin ang plema gamit ang moisture. Ang mga babies ay walang kakayahang umubo gaya nating mga adults kaya mahihirapan silang ilabas ang plema. Isa sa maaari nating gawin ay tulungan silang palambutin ang plema sa pamamagitan ng paggamit ng moisture. Narito ang maaari mong gawin: kung may heater at shower, dalhin si baby sa loob ng bathroom, i-on ang shower para magkaroon ng hot and steamy na hangin.

Makakatulong ito na palabasin ang sipon, lalambot ang plema sa lalamunan at mapapansin mo na matunog na ang ubo ng baby. Take note lamang, hindi kailangan isama si baby sa shower dahil maaari silang mapaso sa mainit na tubig. Air humidifier, makakatulong din ang cool mist air humidifier sa room ni baby kapag nap time or sleeping time niya.

Naghahatid kasi ang air humidifier ng moisture sa hangin kaya nakakatulong para maibsan ang pag-ubo at pagbabara ng ilong. Take note, ilagay ang air humidifier sa lugar na hindi maabot ng baby o ng bata. Lagyan ito ng fresh water everyday para maiwasan ang molds. Mas safe para sa baby kung wala ka ng ihahalo pang essential oils sa air humidifier.

More sleep. Kailangan ni baby ng mas maraming tulog kapag sila ay may karamdaman. Ngunit struggle is real dahil hirap at iritable sila kapag may nararamdaman. Kaya naman, maaari mong itry ang mga ito para mapakalma si baby: maaari kang magplay ng music na relaxing o pampatulog. Makakatulong din ang pagligo bago matulog. Ang pagbibigay ng baby massage kay baby ay nakakapagpaginhawa at relax din sa kanila.

May gamot ba para sa sipon ng 0-3 months old Baby?

Ang sipon ay walang gamot. Madalas, nawawala na lang ito pagkalipas ng ilang mga araw o linggo. Hindi magiging epektibo ang antibiotics dahil ang antibiotics ay pumupuksa lamang ng mga bacteria at hindi ng viruses.

Kailan alarming ang ubo at sipon ng baby at pupunta sa Pediatrician

Tumawag o pumunta agad sa pediatrician kapag: nahihirapang huminga si baby, hindi dumedede o kumakain ang bata, hindi bumababa ang lagnat, kapag tatlong araw o higit pa na may lagnat na si baby, kapag hindi bumubuti ang kanyang pakiramdam o napapansin mo na mas lumalala pa ito. Ang pagpapakonsulta sa doktor ay mahalaga para madiagnose agad at mabigyan ng tamang lunas at dosage ng gamot si baby.

Listahan ng Pedia clinic sa Launion

Agoo Family Hospital

  • Address: San Pedro, Agoo, La Union
  • Contact Numbers: +63 75 521-0648, +63 75 521-2372 (Fax)

Bethany Hospital – La Union

  • Address: Widdoes Street, City of San Fernando, La Union
  • Contact Numbers: +63 72 242-0804, +63 72 242-2868, +63 72 412-3555, +63 72 888-2930, +63 72 700-5260 (Fax)

Ilocos Training and Regional Medical Center

  • Address: Parian, City of San Fernando, La Union
  • Contact Numbers: +63 72 607-6418, +63 72 607-6422

La Union Diagnostic Medical Center and Hospital

  • Address: Ancheta corner Bucaneg Streets, City of San Fernando, La Union
  • Contact Numbers: +63 72 242-4796, +63 72 607-8339, +63 72 888-8701, +63 72 700-4354 (Fax)

Lorma Medical Center

  • Address: Carlatan Street, San Fernando City, La Union

Iba pang mga Babasahin

Bahing ng bahing si Baby 0-3 months old: Normal lang ba ito?

Gamot sa Ubo ng Bata

Senyales na may Pneumonia ang bata : 5 Signs

Bakuna laban sa Flu ng bata: Kailan binibigay?

One thought on “Mabisang gamot sa Sipon at Ubo ng Bata: Paano ito mawala

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *