Maraming may mga impeksyon sa mata, sore eyes, at impeksyon sa talukap ng mata, na tinatawag natin na cellulitis, preseptal cellulitis. At paminsan, nagsisipagspread pa ito sa loob ng mata. Sore eyes ang isa sa pinaka common na nakukuha ng mga bata kasi madali lang maipasa ito sa mga kalaro nila o kapag nasa school sila. Very contagious kasi ang sore eyes sa bata.
Ano ang usual na itsura ng sore eyes sa bata?
Ang dami ko nakita yung namamaga yung mata kasi ito ang pinaka common na sintomas ng sore eyes nga sa bata. Kung sore eyes lang siya, usually mapula lang yung mata, konting-konti lang maga ng talukap. Yan lumalabas ang sintomas kapag na-alikabokan, o sometimes na nahawa sa mga ibang tao na may sore eyes din.
Pagka ganun, mas maigi na magpatingin sa doktor para makita kung impeksyon siya o kahit allergy siya, para malaman talaga natin kung ano yung sanhi at kung ano yung sakit, kung viral or bacterial.
Pwede bang gumamit ng antibacterial eye drop sa bata.
Pwede yung antibacterial eye drop. Pwede naman yung mga generic, basta antibacterial, like anong mga readily available sa botika, or pwede din naman na eye drops or eye ointment.
Halimbawa ng antibacterial drops sa sore eyes ng bata
Pag hindi sure kung sore eyes nga ang pamumula ng mata ng bata, wag wag magpatak ng steroid, o yung may nakalagay na “deck” sa medicine, wag yun, sobra antibiotic lang, plain antibiotic lang. Tsaka wag lang sobra. Para sa tamang procedure i-consult lagi ito sa pediatrician or EENT.
-Tobrex (Tobramycin)
-Vigamox (Moxifloxacin)
-Ocuflox (Ofloxacin)
Drops ba o ointment lang siya? Pwede ilagay ointment sa mata?
Yes, oo, sa gabi ointment talaga, so lalabo yun sandali, pero okay lang yan, mga one or two seconds pagka nagblink, after open, okay na. Yung drops, may ointment at may drops po siya. So, anong pipiliin namin?
Mas maigi pagka adult, drops, pero pagkababy, ointment, kasi ang iyak, so nawawala yung effect ng drops, ointment sa baby. At ilang beses pinapatak, ilang araw? Usually, mga three to four times a day, isang linggo, kahit viral or bacterial, dinadrops na rin nung antibacterial drop.
Paano mo malalaman kung viral or bacterial ang sanhi ng sore eyes sa bata?
Pagka-viral, usually tubig-tubig lang yung luha, wala siyang muta na greenish. Pagka-greenish yung muta, bacterial na yan. Pagka-viral, actually, pwede sa simula, hilamos lang, always mag-alcohol. Anong hilamos? Johnson’s baby lotion? Di na, hindi, mineral water po. Mas maigi pag naghilamos, mineral water, pwede pong tubig.
Kasi pag tap water, hindi natin sure kung malinis tubig, mineral water. Dito pa sa atin, sometimes yung poso pa, baka mamaya dun pa lalo magka-impeksyon. So, mas maigi, mineral water, lalo na pag nafeel mo, makati na siya, humahapdi na siya, hilamusin niyo muna.
And then, always kayo mag-alcohol, before niyo anuhin yung mata, galawin yung mata. Mm-mm, use tissue, tapon, hindi panyo, kasi pabalik-balik lang yung panyo, hindi rin pwede panyo, pabalik, tsaka bawal na bawal mag-ah, kusot. Oo, wag kuskos, pero kung ano problema sa ganyang kinuskos, kasi pag nirub niyo, lalo siyang lalala, masescratch yung mata, tapos lalong pwedeng papasok yung bacteria.
So, anong gagawin ko, makating-makati ang sore eyes sa mata ng bata?
Well, kung pwedeng kung ganyan, tapos hindi maiwasan yung iba, pwede mo lagyan ng salamin para maiwasan niya yung pagkuskos, talagang iwasan po niya pa, dampi-dampi lang ng tissue, oo, tapos tapon kaagad.
Meron bang mga signs na dapat mag-ingat sila, baka nabubulag na, like ah, daming floaters, lumalabo, meron bang mga ganung warning na delikado?
For example, parang hindi gumagaling, mga two days na, three days na, hindi gumagaling yung maga dito, yung maga, yung pula, tapos lumalabo na yung paningin, wag na mag-atubi, mag-antay, punta na po kaagad sa doktor, magpatingin na.
Pag napabayaan kasi, baka kailangan mas malakas na gamot na ang kailangan. Kailangan ng reseta na po ng doktor.
Iba pang mga babasahin
Mabisang gamot sa masakit na lalamunan ng bata: Tonsilitis
Mabisang gamot sa tonsil ng bata: Tips at Home remedy
Gamot sa ubo ng baby 0-6 months old: Wastong kaalaman sa lunas