Ilan sa mga sintomas sa bata na nagsasabing may problema ang iyong baby ay ang madalas na pag-ubo, madaling hapuin at may lagnat . Ngunit paano nga ba malalaman na si baby ay may problema talaga maliban sa mga sintomas lang?
Alamin natin yan sa article natin na ito.
Ano nga ba ang Pulmonya sa bata
Ang pulmonya ay isang infection sa baga na maaaring dulot ng bacteria, virus, o fungi ang etiology nito. Sa matanda, may tatlong klase ng pneumonia, mild, moderate, at severe, depende ito sa severity ng kaso. Sa mga bata na walong taong gulang pababa, nahahati rin ang pneumonia sa apat na klase: A, B, C, at D. Nakadepende rin ito sa severity o lala ng kalagayan ng pasyente.
Ang pick up sa klaseng C at D ay masasabing malala na, dahil kailangan nang maadmit si baby sa ospital. Samantalang ang pick up sa klaseng A at B ay kaya pang gamutin sa bahay.
Ano nga ba ang mga criteria na magsasabi na may pulmonya nga ang baga at nangangailangan na siya ng antibiotics sa bahay man o sa ospital?
Level of alertness and dehydration
Pagmasdan si baby kung siya ay tamlay, iritable, o tulog-tulog. Kung tuyong-tuyo si baby, baka dehydrated siya. Pero kahit aktibo at well hydrated si baby, hindi ibig sabihin na wala na siyang pulmonya. Ang batang active at dehydrated ay maaaring ma-classify as pick up A or B, na kung saan pwede itong gamutin sa bahay.
Malnutrition
Ang mga batang malnourished ay ka classify agad na pick up C o D, ibig sabihin, pwedeng malala ang kanilang pneumonia at nangangailangan ng observation sa loob ng hospital.
Pallor
Ang pallor ay pagpapaputla ng isang pasyente dahil bawas ang hemoglobin niya sa katawan. Kung hindi maputla si baby, masasabing hindi malala ang pneumonia niya.
Respiratory Rate
Ito ang bilang ng paghinga sa isang minuto. Automatic, kapag abnormal ang paghinga ni baby, kinakailangan na niyang maadmit sa ospital.
Signs of Respiratory Distress
Ito ay mga senyales na hirap na huminga si baby. Kasama dito ang retraction, head bobbing, cyanosis, grunting, apnea, at sensorial changes.
Kailangan ba ng X-ray para malaman na may pneumonia nga ang sakit ni baby?
Ayon ulit sa guideline ng pediatrician sa Pilipinas, hindi kailangan i-confirm ng X-ray ang batang may ubo o hirap huminga para malaman na may pneumonia. Ang presence ng pneumonia ay maaaring considered kahit walang chest x-ray sa isang pasyente na may ubo at hirap huminga. Pero kung ang oxygen situation ng bata ay less than ninety two percent, kailangan ng X-ray.
Nais nating paalala sa mga nanay na kung makitaan ng sintomas si baby, wag mag-atubiling magpunta sa doktor para magpagamot. Normal ang mabahala, lalo na’t buhay ng anak ang nakataya. Napaka-kritikal ng pneumonia sa mga bata, lalo na sa edad na limang taong gulang pababa. Hindi gaya nating matanda na pwedeng gamutin sa bahay, kailangan pa rin makita si baby ng doktor upang malaman kung pwede siyang gamutin sa bahay o kailangan ng hospital.
Iba pang mga Babasahin
Bahing ng bahing si Baby 0-3 months old: Normal lang ba ito?
Pwede bang pagsabayin ang 2 Vitamins sa Baby?
One thought on “Paano malalaman kung Pulmonya ang sakit ni Baby”