Sa article na ito, pag-uusapan natin ang iba’t ibang klase ng rashes sa bata. Tatalakayin natin ang iba’t ibang klase ng rashes, mapa-may lagnat man o wala. Unahin natin ang mga rashes na may kasamang lagnat.
Ano-ano ang mga posibleng sanhi ng rashes na may kasamang lagnat?
Uunahin natin ang pinakasikat na tigdas hangin. Hindi ba magkamukha ang tigdas at tigdas hangin? Ang sagot ay hindi, magkaibang viral infection ang mga ito, magkaiba ang sanhi at komplikasyon, pero magkapareho ang sintomas at gamot. Iba rin ang bakuna para sa mga ito. Ang tigdas hangin o German measles ay karaniwang nagdudulot ng lagnat sa loob ng tatlong araw, kaya tinatawag itong “three-day fever” ng iba. Kapag nagkaroon ng lagnat ng tatlong araw at nagkaroon ng rashes, kadalasan ay sa tiyan ito nagsisimula, baka meron siyang tigdas hangin.
Ang sabi ng iba, mild lang daw ito. Oo, karamihan ng kaso ay mild. Maaaring may kasamang ubo o sipon, pero ang iba, lagnat lang at makulo o popular rashes. Ganito ang itsura ng may tigdas hangin.
Mawawala ang rashes kapag nawawala na rin ang lagnat, at hindi ito magkakaroon ng discoloration na katulad ng sa tigdas. Sa tigdas, kapag nagkaroon ng rashes, hangga’t hindi bumababa sa paa ang rashes, hindi nawawala ang lagnat. Iyon ang pagkakaiba nila sa tigdas hangin, na mabilis mawala ang rashes at walang discoloration. Sa tigdas, nagkakaroon ng peklat o dark spots pagkatapos ng rashes.
Wag kayong mag-alala dahil ang mga pasyenteng nagkaroon ng tigdas na nagkaroon ng peklat na kulay itim ay magkakaroon pa rin ng makinis na balat pagkatapos mag-heal ang rashes. Babalik ito sa dati niyang kinis.
Mga Sintomas ng Tigdas Hangin
Lagnat – Karaniwang mababa hanggang katamtaman ang lagnat (low-grade fever).
Pantal o rashes – Maliit na pulang pantal na nagsisimula sa mukha at kumakalat pababa sa katawan.
Sipon – Pagkakaroon ng sipon o tumutulong ilong.
Namumulang mata – Maaaring makaranas ng pamumula at iritasyon ng mata (conjunctivitis).
Sakit ng ulo – Madalas na pakiramdam ng pananakit ng ulo.
Pagkapagod – Pakiramdam ng panghihina o labis na pagkapagod.
Sakit ng lalamunan – Namamagang lalamunan na parang sipon.
Namamagang kulani – Pamamaga ng lymph nodes sa leeg o likod ng tainga.
Pagkawala ng ganang kumain – Hindi gaanong kumakain o walang gana.
Mga pananakit ng kasu-kasuan – Karaniwang nararanasan ng mga matatanda o teenager na nagkakaroon ng tigdas hangin.
Ngayon, tatalakayin natin ang iba pang sanhi ng rashes. Ang isa pa ay ang Roseola.
Ang tatlong ito—tigdas, tigdas hangin, at Roseola—ay halos magkapareho. Pare-pareho silang may lagnat at rashes. Ang pinagkaiba lang nila ay kung paano kumakalat ang rashes. Sa tigdas, pababa ang pagkalat ng rashes, at hindi titigil ang lagnat hangga’t hindi ito umaabot sa paa. Sa tigdas hangin naman, lumalabas ang rashes matapos ang tatlong araw, at kadalasan ay sa dibdib o tiyan ito nagsisimula. Sa Roseola, sa tiyan din nagsisimula ang rashes. Lahat ng ito ay ginagamot ng supportive treatment tulad ng gamot sa lagnat.
Kung walang ibang komplikasyon tulad ng pulmonya, nagbibigay tayo ng supportive treatment gaya ng paracetamol o ibuprofen para sa lagnat, at importante rin ang hydration. Siguraduhing umiinom ng sapat na tubig ang bata, at kung kaya nilang inumin ang ORS, mas mabuti. Kung ang bata ay nakakakain at umiinom ng maayos, pwede na silang gamutin sa bahay.
Para naman sa rashes ng typhoid fever
Bagama’t hindi pa ako nakakakita ng rose spots sa tiyan sa aking practice, isa ito sa mga sintomas ng typhoid. Kung ang lagnat ng bata ay tumagal ng higit sa limang araw, ginagawa namin ang blood test para sa typhoid fever. Ang typhoid ay nakukuha sa kontaminadong tubig, at may bakuna para rito na inirerekomenda sa mga lugar na mataas ang panganib sa typhoid.
Para naman sa iba pang bacterial infections, tulad ng meningococcemia
Ganito ang itsura ng rashes. Kapag hindi ito naagapan, pwedeng umakyat ito sa utak at magdulot ng seryosong kondisyon. May bakuna para sa meningococcemia. Sa mga blister-like rashes naman tulad ng bulutong (chickenpox), meron ding bakuna para rito, na makukuha sa mga private clinics.
Para sa bulutong, nagkakaroon muna ng parang puti-puti o blisters sa balat, at pwedeng magkaroon ng fever o wala. Karaniwang may exposure ang bata sa taong may bulutong bago magkaroon ng rashes. Kailangan manatili ang bata sa bahay ng 1-2 linggo dahil nakakahawa ito hanggang matuyo ang lahat ng rashes. Ganito rin ang kaso para sa monkeypox, na kailangan ng direct contact para mahawa.
So kung meron pong ganyan ang ang anak po ninyo wag po kayong matakot na magpakonsulta kasi ang gagawin lang naman po ng doktor o pedia ay kung wala naman pong ibang symptoms rashes lang tsaka lagnat aside from supportive treatment.
Listahan ng Pedia Clinic sa Tarlac
Tarlac Pediatrics Clinic
- Address: MacArthur Highway, San Roque, Tarlac City, Tarlac
- Services: General pediatric consultations and immunizations
- Contact: (045) 982-1567
Central Luzon Doctors’ Hospital
- Address: Hospital Dr., Tarlac City, Tarlac
- Services: Pediatric care, outpatient clinic, immunizations
- Contact: (045) 982-0806
Tarlac Medical Center
- Address: McArthur Highway, San Sebastian, Tarlac City, Tarlac
- Services: Pediatric consultations, emergency services
- Contact: (045) 982-0120
Ramos General Hospital
- Address: Bypass Road, San Vicente, Tarlac City, Tarlac
- Services: Pediatric department, general healthcare services
- Contact: (045) 982-0808
Jecsons Medical Center
- Address: MacArthur Highway, San Vicente, Tarlac City, Tarlac
- Services: Pediatric care, outpatient department, immunizations
- Contact: (045) 982-5555
La Paz District Hospital
- Address: La Paz, Tarlac
- Services: General pediatric services and consultations
- Contact: (045) 491-1112
Our Lady of Mercy General Hospital
- Address: F. Tañedo St., Tarlac City, Tarlac
- Services: Pediatric consultations, emergency care
- Contact: (045) 982-5558
Aquino Medical Clinic
- Address: Brgy. San Rafael, Tarlac City, Tarlac
- Services: General pediatric services, check-ups
- Contact: (045) 982-4569
De Leon Pediatric Clinic
- Address: San Sebastian, Tarlac City, Tarlac
- Services: Pediatric care, vaccinations
- Contact: (045) 982-1543
Dr. Geraldine De Guia Pediatric Clinic
- Address: San Roque, Tarlac City, Tarlac
- Services: Pediatric consultations and immunizations
- Contact: (045) 982-1589
Iba pang mga babasahin
Mga dapat gawin kapag may sipon ang baby: 5 Tips
Gamot sa Bahing ng bahing sa bata Home Remedy