November 14, 2024

Ano ang gagawin para bumaba ang lagnat ng newborn o bata?

Kung infectious cause ang lagnat ng isang newborn o ng bata, ito yung mga bacteria, virus, or fungi na kailangan ng antibiotics, o kaya antiviral. Pero hindi lahat ng viral causes kailangan ng antiviral. Dahil kung fungal yung infection, kailangan ng anti-fungal.

Saan karaniwang galing ang lagnat ng bata

Kapag ang bata ay mas bata sa isang buwan at nilalagay siya ng isang doktor sa kategorya ng infection sa dugo, ang kadalasang reason nito ay bacteria. Pwedeng galing sa mommy o pwedeng sa kapaligiran, lalo na kapag hindi masyadong sterile ang kanilang higaan. Kaya’t napakaimportante na malinis ang pinag-iistayan ng baby.

Sa mga infant o hanggang five years old, ang kadalasang dahilan ng kanilang lagnat ay mga virus. Ang mga virus na ito ay self-limited, ibig sabihin mawawala din sila. Ang treatment dito ay supportive lang. Hindi nila kailangan ng antiviral dahil kakapit lang sila sa bata at mawawala din naman sila.

Ang ibig sabihin ng supportive treatment ay kung ano lang yung symptoms ng baby, yun lang yung ating ibibigay. Kung nilalagnat siya, paracetamol. Kung sinisipon, gamot para sa sipon. Kung may kasamang ubo, antitussive. Kung may plema, tulungan siya sa pag-alis ng plema.

Napakaimportante na ma-hydrate ang baby kapag mayroon siyang viral infection. Kaya binibigyan din natin sila ng ORS o oral hydration solution, dahil ito ang magsisilbing sero sa kanila para hindi sila ma-dehydrate.

Under infections pa rin, maaari ring kumapit ang bacteria sa mga batang ito. Kung nireseta na kayo ng doktor ng antibiotics, ibig sabihin nakitaan ang bata na mayroong bacterial infection, pwedeng pneumonia.

Paano gamitin ang antibiotics batay sa mga gabay ng doktor?

  1. Tapusin niyo ang antibiotics kung ano yung sinabi ng doctor, kahit seven days, ten days, o kahit two weeks.
  2. Kapag binigyan kayo ng antibiotics, hindi agad-agad mawawala ang lagnat ng bata.

Kailangan tapusin ang antibiotics dahil mataas ang chance na kapag hindi tinapos ng bata ang antibiotics, hindi siya gagaling at babalik lang ang sakit niya. At mas magiging malakas pa ang bacteria na kumapit sa kanya. Ito ay tinatawag na antibiotic resistance, kung saan kailangan na ng mas mataas na antibiotics para gamutin ang sakit, na mas mahirap gamutin.

Kaya’t napakaimportante na tapusin talaga ang antibiotics ng bata. Kung okay na siya, hindi pwedeng istop na lang ang antibiotics. Kailangan kung ilang araw ang sinabi ng doktor, ganoon talaga. May mga antibiotics na kailangan ng two weeks o kahit one month, pero usually seven days ang tinatagal.

Bakit hindi agad naaayos ang lagnat ng bata kahit na naka-inom na siya ng antibiotics?

Dahil hindi magic ang antibiotics. Hindi agad mawawala ang lagnat ng bata sa paggamit ng antibiotics. Kailangan ng reassessment sa bata after three to four days para malaman kung gumagana ang antibiotics.

Kung naka-inom na siya ng antibiotics at nilalagnat pa rin siya after two to three days, okay lang yun. Hindi agad natin malalaman kung gumagana na ang antibiotics at kailangan natin ng reassessment. Kaya’t kailangan natin ng three to four days para malaman kung gumagaling na ang bata.

Ang goal natin sa lagnat ay hindi siya maging mataas, lalo na kung umabot sa forty degrees Celsius, at hindi siya ma-dehydrate. Kaya naman pag nilagnat ang bata, agad na painumin ng paracetamol at sabayan ng paghilamos ng malamig na tuwalya para mabawasan ang init sa katawan at bumaba ang temperature.

Para malaman kung dehydrated na ang bata, tingnan ang mga sumusunod?

  1. Dapat active ang bata.
  2. May ihi siya every forty-six hours.
  3. Moist ang lips at bibig niya.
  4. May luha ang kanyang iyak.
  5. Gustong-gusto pa rin niyang uminom.
  6. Hindi siya hingal o mabilis ang tibok ng puso.

Para mas madali, basta active ang bata at may ihi siya every forty-six hours, okay na tayo dun.

Marami pang pwedeng pag-usapan tungkol sa lagnat sa bata, at kung may mga katanungan kayo, reaksyon about sa topic na ito, maaari kayong mag-comment sa ibaba. I-comment niyo lang kung ano yung gusto niyong tanong at itatry natin sagutin lahat ng yan.

Iba pang mga babasahin

Paano mawala ang sinok ng baby

Ano gagawin kapag naglulungad ang baby?

Bulutong tubig sa bata nakakahawa ba? Sintomas, sanhi at gamot

Halamang gamot oregano: Anong mga sakit nagagamot

One thought on “Ano ang gagawin para bumaba ang lagnat ng newborn o bata?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *