Antibiotic para sa Beke ng bata – Kailangan ba talaga?
Ang beke o ang mumps ay isang uri ng impeksyon. Ito ay impeksyon ng salivary glands, o yung tinatawag na katasang laway. Ang salivary glands ay naglalabas ng laway para sa pagtunaw ng ating pagkain at para mabasa-basa ang ating bibig. Tatlong salivary glands ang makikita: yung parotid gland sa harapan ng tenga, submandibular gland dito sa may panga, at sublingual gland o sa ilalim ng dila.